One Sided Love (One-shot)

928 16 8
                                    

Kath's POV

Bakit ikaw pa ? Alam ko naman na imposible mo akong magustuhan. Gusto mo bestfriend mo diba ? Nagpapakatanga ka dahil alam mong wala ka ring pag-asa sa kanya, mahal niya BESTFRIEND mo rin eh.

Okay na sana eh, kasi pinatibok mo ulit puso ko. Ano bang meron sayo at gustong gusto kita ? PA-ASA ka lang sabi ng iba. Bakit ka ba ganyan DJ ?

Ako lang naman kasi si Kathryn na walang kupas na angmamahal sa kaklase kong PA-ASA. Nabighani na rin ako dati sa kanya, pero buti na lang at napigilan ko. Ewan ko ba kung bakit bumalik lahat.

"Kath! Dating gawi ha." Sabi sa akin ni Ej, isa sa tropa naming bakla. Kasalukuyan kaming nag momovie marathon sa bahay nila Johanna. Horror palagi naming trip oh di kaya thrill. hindi ko alam kung bakit sila nandito, oo sila DJ, Les at Sed. Hindi naman kasi kami gaano ka close ng mga yan eh sa katunayan, naging ka-MU ko si Les dati. Pero okay na kami ngayon.

"Gora!" Yan lang sinabi ko, Napaisip kasi ako sa ginawi ni DJ sa akin kanina. Kakatapos lang ng Christmas party namin, ayun kinukulit na naman ako. Lagi naman siyang ganyan eh. Kapag bored siya ako ang palaging nilalapitan kasi ako trip niya. Sakit noh ? Sanay na rin ako diyan.

Magkatabi lang kami ngayon ni Ej, habang nanonood ng movie. Kami naman talaga ang magkatabi palagi eh. Pero iba kasi ngayon eh, hindi ako mapakali kaya ayun lipat ako ng lipat. Ito namang si DJ, pasimpleng lapit kay Ej ang ginagawa, aasarin lang niya yan for sure. Lagi naman siyang ganyan, sisipot lang yan kapag aasarin ko o di kaya may kailangan yan sayo.

"DJ! Ano ba! Kita mo ngang nanonood ako eh." Sabi ko sakanya, nakahiga kasi ako tapos siya umupo sa harapan ko. Bastosan lang dre ? Kaya wala akong choice kung di lumipat sa harap at humiga.  Linapitan ako ni Ej atsaka tinabihan hinding hindi kami mahihiwalay niyan. Tumabi naman sa kabila si Asungot, ano ba talag trip nitong lalaking toh?

"Hi Ej! Ba't ka lumipat?" Tanong niya kay Ej, na kasalukuyang seryosong nanonood. Puteek! Di niya ba alam ang salitang LUMIPAT? Hello! Nasa gitna kaya ako.

"Pwede baaa! Manahimik ka DJ!" Sabi naman ni Julia na nasa kama at ang ganda ng position habang nakahiga.

"Sorry naman!" At nanahimik na rin sawakas! Natapos na rin ang pinanuod namin yung iba umuwi na pero kami nina DJ, Les, Sed, Julia, Diego, at Aria nandito pa rin sa bahay nila Johanna. Manonood daw kami ng iba pang movie, go with the flow lang naman ako. Ganun pa rin place at position ko, walang nagbago kaso nga lang biglang tumabi sa akin ulit si DJ at ng blanket pero kakaiba dun, nag share kami ng iisang blanket tas ang dikit dikit namin.

"Kayo na sweet!" Asar nila sa amin, oo sweet kami pero NGAYON lang! Alam ko naman na hindi niya ako gusto eh, ako lang naman ang umaasa sa kanya, bakit ganon ? Hindi ko na lang sila pinansin at baka ako'y masaktan pa.

Hindi mapakali si DJ sa kanyang position ngayon kaya, lumipat ako kasi AWKWARD rin kaya kung nandon lang ako ? Alam naman niya na may gusto ako sakanya eh. Hindi ko naman tinatago yun pero ang hirap lang kasi lalo na sa mga ginagawa niya ngayon, hindi ko siya maintindihan. Pero ako rin ang nasasayangan sa friendship namin, ngayon lang ulit kami naging close pagkatapos ng issue dati.

"Hindi naman kayo nanonood eh." Sabi sa amin ni Johanna, kaya pinatay niya agad ang Movie at kami ngayon ay gumagawa ng kahit ano. Ito ako ngayon nakahiga lang at walang magawa sa buhay.

"DJ, pwede ba tayo mag-usap." Tawag ko sakanya, minsan lang ako nakikipag-usap sakanya.

"Oh ? Ano yun ?"

"Jay, kasi alam mo naman na may gusto ako sayo dati diba ? Paano kong maulit yun, ano gagawin mo?

"Hindi ko rin alam, alam naman nating lahat kung sino ang gusto ko diba ? Siguro hindi ko masusuklian ang pagmamahal na ibibigay mo sa akin."

"Ahh. Jay, last na talaga toh, hindi na kita gagambalain pa."

"Bakit ? Ano ba yun ?"

"Jay, mahal na mahal kita, ewan ko ba anong meron sayo na wala ang iba. Hindi ko rin alam kung bakit ko nagustuhan ang taong kagaya mo! Sobra kang PA-ASA! Totoo naman diba ? PINAASA mo lang ako kaya ka palaging dikit ng dikit sa akin. Jay, ang sakit! Hindi mi alam kung gaano kasakit!" Galit kung sabi sakanya, hindi ko inalintana ang barkada kasi alam naman nilang lahat yun eh. Di na nila kailangan tanungin pa. Sinampal ko siya bago ako umalis.

"Kath!" Yan lang ang huli kong narining mula sa barkada.

Nagbago na talaga ang lahat simula nung araw na 'yon. Hindi na niya ulit ako pinansin pero mas WORST ngayon! Ipinapamuhka niya sa akin na HINDI NIYA TALAGA AKO MAHAL!

--------------------------------

#HAPPYKATHNIELDAY

Sana po nagustuhan niyo.

Sorry medyo bitter si Author ngayon. Hahah! =) This is based on True experience.

VOTE. COMMENT. And be a FAN.

Follow me: @cristenecortes/ @cristenecortess

One Sided Love (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon