Nag-eenjoy ka pa rin kahit Brownout...

140 2 0
                                    

HELLO HELLO! I'm back mga Batang 90's. Sorry at ilang years akong nawala. (Chos!) But now I'm back hopefully magiging active ulit ako dito sa Wattpad.

So here it is another entry sa ating pagbabaliktanaw sa nakaraan.
Hope you enjoy!!

^_^

Nowadays usong-uso ang brownout, okay lang if umaga nawalan ng kuryente pero paano kung gabi? At pag walang kuryente di pwedeng ma on ang computer, di pwedeng magcharge ng cellphone. Swerte nalang kung nakapagcharge ka ng mas maaga. Pero paano kung wala? Oh di ba, masyadong nakakabagot. Yan ang sa pananaw ko ang nangyayari pag brownout sa panahon ngayon. Pero noong dekada nobenta, ibang iba ang mga pangyayari. Imbis na magkulong sa bahay at matulog nalang dahil syempre madilim na at walang mapaglilibangan. Well, ibahin nyo ang mga Batang 90's dahil kapag may brownout isa lang ang ibig sabihin nito ang MAGLARO SA LABAS MAN O SA LOOB NG BAHAY! At yan ang ililista ko sa chapter na to. Ang mga pwedeng gawin para di mabagot tuwing may brownout.

1. Maglaro sa ilalim ng Buwan.
Ito ang ginagawa namin noon ng mga kaibigan ko. Kapag brownout isa lang ang nasa isip namin at ito ang It's PLAYTIME!. Hindi hindrance sa amin na walang ilaw sa labas. Okay na sa amin na naaaninagan kami ng Buwan. Kapag ganito naglalaro kami ng Tubig-Tubig/Patintero. May laro din kaming nilalaro na ang tawag ay Buwan-Buwan, kung saan magdo-drawing kayo ng isang malaking bilog sa lupa at may isang taya. Ang taya ang siyang tatayo sa mismong line ng iginuhit na bilog at huhulihin niya ang mga nasa loob ng bilog. Dapat mas lakihan nyo pa ang pagguhit ng bilog kung madami kayo, advantage ng taya na maliit ang bilog dahil madaling mahuli ang mga nasa loob nito.

2. Maglaro ng Baraha.
Kapag baraha ang pinag-uusapan, tumatatak sa isipin natin agad ang word na Sugal. Pero may mga ibang laro naman sa baraha na pwedeng pambata. Isa na dito ang larong Unggoy-Unggoy, ang goal lang ng larong ito ay dapat magpare-pareha ang mga cards. Pagnatalo ka sa larong ito ibig sabihin ikaw na ang Unggoy. hahaha. Dapat kargahin mo sa ulunan mo ang isang unan pagnatalo ka. Isa ding card game ay ang tinatawag na 1.2.3 Pass!! Ang larong ito ay pabilisan mabuo ang magkakaparehong character or simbolo sa cards. Sa isang deck ng card may labing tatlong characters at apat na symbols ang Heart, Spades, Diamonds at Clover. Sa isang deck may labing tatlong character ang Alas/Ace, King, Queen, Jack, at 2-10 na mga numbers. Dito kayo pipili kung ano-anong card ang gusto n'yong buoin. Depende sa bilang ng mga kasali ang bilang ng bubuoin na cards. For example, apat kayo na manlalaro so apat na character din ang pipiliin nyo sa deck of cards.

Halimbawa'y KING, QUEEN, JACK at ALAS/ACE ang napili nyo. Ihiwalay sa original deck ang characters nito na may iba't-ibang symbols. So all-in-all you have 16 cards at hand. Ang 16 cards na ito ay magiging isang deck of cards, ito ang iyong babalasahin para makapagsimula na kayo sa laro. Katulad ng mga card games, after balasahin isa-isa itong ibibigay sa mga manlalaro. Dahil binalasa ito at pinaghalu-halo ng mabuti expect na ang makukuha mong apat na cards ay hindi magkakapareha, that's when the game truly begins. Kasi di ba ang goal ay makumpleto ang apat na symbols with the same character. Para gawin ito, kukuha ka ng isang card mula sa mga respective cards nyo at ipapasa ito sa right or sa left ninyo na kalaro while saying 1,2,3 PASS! Depende nalang sa inyo kung paclockwise or counter clockwise ang pagiging pasahan ng cards. Pagnabuo nyo na ang napili nyong cards na bubuoin, it's time to build a house of cards. Dapat tumayo ito ng mga ilang segundo or hanggang sa mabuo din ng iba yung mga house of cards nila. Ang huling makabuo ng house of cards ay ang talo. Sorry nalang sa kanya at better luck next time.

3. Maglaro ng Board Games.
Yes, you read it right, play board games with your friends or isali na din sina Nanay, Tatay, Ate, Kuya, Lolo at Lola. Madaming board games na pwede malaro, I suggest you read one of the previous chapter entitled 'Nalaro mo na ang Board games na ito..' I stated there some of the board games I played with my friends when we were little. Enjoy kayo.. ^_^

4. Bugtong-bugtongan or riddles.
Ginagawa namin ito noon ng mga kaibigan ko. Nakakaexcite ito lalo pa pagnasagot mo ng tama ay may premyo ka. Noon 5pesos o di kaya ay candies ay solve na solve na. Natuto ka na may premyo ka pa? Oh di ba? At higit sa lahat hindi na sayang oras mo sa paghihintay kung kailan magkakakuryente.

5. Storytelling

Ito ang isa sa mga pinakapaborito kong ginagawa namin ng mga kaibigan ko tuwing may  brownout, nakukwentuhan or nagpapakwento kami ng mga nakakatakot or nakakatawang mga stories. Grabe lang yung mga stories na ikinukwento though short stories lang ay nakakapanindig balihibo at nakakatawa talaga. Siyempre bentang-benta yung mga ganun kasi bata pa tayo nun.

6. Shadowplaying

Siyempre dahil brownout walang ilaw pag walang ilaw edi gagamit tayo ng flashlight or kandila para kahit papaano ay maibsan ang kadiliman sa paligid. Alam nyo ba na hindi lang ito ang nagiging gamit nito sa tuwing brownout? Nagagamit din itong mekanismo para paglaruan ang mga anino. Nakakaaliw itong gawin, pwede ding habang ginagawa ito ay pinapahulaan mo sa kasama mo kung anong hayop o bagay ang naform sa shadow mo.

7. Kantahan at jamming sessions.

Dahil nga likas sa ating mga Pilipino ang pagkahilig sa musika at siyempre sa kantahan, hindi din ito mawawala tuwin may brownout. Ilabas mo lang ang gitara at ihanda ang iyong Golden Voice at Voila! Instant Jamming Session na. Nakalimutan mo nang brownout pala. Parang nasa restaurant lang kayo na nakikinig ng live band. Nag-enjoy kana, na enhance pa ang pagtugtog mo ng instrumento at pagkanta mo. Noon ako pumupumunta ako sa kapitbahay para makijam at kumanta ng mga Hillsong.

May kasabihan nga na "Time flies while were having fun." Siyempre hindi mo mamamalayan ang oras dahil nag-eenjoy kana. Para kang nasa ibang mundo, mawawala talaga sa isip mo na brownout pala. Tapos babalik ka nalang sa realidad pag may ilaw na, tapos sabay kayong mapapa-Yehey! ng mga kaibigan mo at unahan kayo sa pag-ihip ng kandila. Hahaha. Walang halong biro ng uunahan talaga, iniisip namon na parang nagbo-blow lang ng candle na nasa birthday cake. Hahaha.

O siya! Hanggang dito na muna, Happy Brownout sa inyo.. 

Kayo din share n'yo rin ang experiences at ginagawa nyo tuwing may brownout..
^_^

©flameCaster

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Batang 90's ka kung.....Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon