9. Restroom Confrontation

423 14 0
                                    

Gabby


"Cha, restroom lang ako." Hindi ko na siya hinintay na sumagot at nagmamadali akong tumayo at naglakad papuntang cr. Alam ko namang na super busy 'tong si Charity kakalamon eh. Wala siyang pake sa kahit na sino pag pagkain ang nasa harap niya.

Actually hindi naman talaga ako naiihi. Gusto ko lang siyang sundan. Naku-curious kasi ako sa dito sa cute na 'to eh. Naku-curious ako kung bakit ba niya ako tinititigan kanina. Alam ko na pretty ako. Di na yun big deal pero yung pagtingin niya kasi iba eh. Hindi kaya may crush sa akin 'to?

Ay jusko naman! Bakit ba sobrang lapitin ko ng mga homo ngayon.

WAIT. WHAT???

Tinawag ko ba siyang cute kanina? 

Sabagay cute naman talaga siya. Pero kahit na! Hindi ko dapat siya tinawag na cute!

Sa buong buhay ko wala pa akong tinatawag na cute. Dati nung bata pa kami ni Grant naku-cute-an ako sa kanya. Pero nung lumaki na siya hindi na eh. Nakakaasar na siya!

Alam kong nitong mga nakaraang araw napaparanoid na ako dahil sa mga hindi maipaliwanag na dahilan gaya na lang nung chorva about sa pagtingin-tingin ko sa mga private parts ng babae, lesbian chuchus everywhere at kung anu-ano pa. 

Tingin ko kinulam talaga ako nung Princess na yun!

Pagpasok ko sa restroom, nakita ko siya na nakatayo sa cr. Walang ibang tao doon kundi kami lang dalawa. Nakatayo siya sa may sink at naghuhugas ng kamay. Nung nakita niya na ako yung nasa pinto. Halatang nagulat siya at yumuko.

SHETTT Ang cute.

WAIT. Sinabi ko ba yun? -_-

EWWW EWWW EWWW!!! Nababaliw na talaga ako!

Lumapit ako sa kanya pagkatapos ay nag cross-arm. Bakas sa mukha niya ang pagkagulat dahil sa ginawa kong paglapit sa kanya. Mga isang metro siguro ang pagitan namin sa isa't-isa at nagsimula akong magsalita.

"Hoy ikaw babaeng jeje. Bakit mo ko tinititigan kanina ha?" Tinaasan ko siya ng kilay at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Ganun talaga ang ginagawa ko pag gusto kong maglait. 

Tumingin lang siya sa akin pagkatapos ay yumuko. Kakaines to ha!

"Huy girl. Disabled ka ba? Ano ka Pipi o Bingi?"  Cute nga may diperensya naman.

POTEK! Bakit ba lumalabas sa bibig ko 'yang CUTE na word na yan?! Sino ba kasi nag-imbento nyan at ido-double kill ko na!

"Ano bang kailangan mo Santander?" Aba kilala pala niya ako eh. Well of course expected ko naman yun. Syempre peymuth ako eh. Tumitig siya sa mata ko pagkatapos ay yumuko ulit.  Mas matangkad ako sa kanya. Siguro hanggang tenga ko lang siya kaya naiinis talaga ako pag yumuyuko siya kasi hindi ko makita kung anong facial expression ba ang ginagawa niya.

"Di'ba nga tinatanong ko sa'yo kanina kung bakit mo ko tinititigan kanina?!"  Nakakainis naman to. Cute sana kaya lang parang may pagka autistic din. Gusto ulit ulit.

Tumingin siya sa akin. "Wala. Bakit masama ba?"


WALANG HIYANG BABAE TO! Ang kapal ng peg para makapagtaray sa akin!

Sa inis ko. Hinawakan ko siya sa kanang braso at nilapit ko siya sa akin. 

SHET. Super wrong move pala yung ginawa ko kasi sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't-isa. 

Pinagmasdan ko yung mukha niya. At grabe. Mas cute pala siya sa malapitan. Sobrang amo talaga ng mukha niya.

Nanlaki ang mata niya dahil sa ginawa ko. Pinilit niyang kumawala sa pagkakahawak ko pero mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko sa kanya at mas nilapit ko pa siya sa akin.

Ilang segundo din kaming nagtitigan. Wala ni isa sa amin ang nagsalita o nagtangkang basagin ang pagkakatitig sa isa't-isa.

Tinitigan ko siyang maigi sa mata. Seriously hindi ko alam kung ano bang facial expression ang binibigay ko sa kanya nung time na magkaharap kami. Pero ang alam ko lang ay paikot-ikot lang ang tingin ko sa kanya ng mga oras na yun. Sa mata niya, sa ilong, sa pisngi. Talagang pinagmamasdan kong maigi yung mukha niya. Nakakatuwa kasi wala siyang kamake-up make-up at ang simple simple lang niya pero sobrang cute niya. Hindi ko talaga maialis ang pagkakatitig ko sa kanya. Parang glue na nakadikit yung mga mata ko sa kanya. Maya-maya pa ay bumaba na yung tingin ko sa lips niya...

OMG!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

Dali-dali ko siyang binitawan at lumayo ako sa kanya. Nagmamadali akong lumabas ng restroom. My gosh Gabby ano bang nangyayari sa'yo?! Nababaliw ka na talaga! Kailangan mo nang sumuko sa mental!

Our Playful Secret (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon