"Sa ayaw at sa gusto mo, Uuwi tayo!"
" No, malapit na tayo sa mall Ma.., promise di tayo magtatagal dun pagkatapos kong bilhin ang Leather Jacket na yun, uuwi tayo agad. "
" Bukas na lang anak, tumawag na daddy mo. magagalit yun pag hindi niya tayo maabutan sa bah--- "
" I SAID NO.. " sabay agaw ko sa manibela ng sasakyan namin.
" R-RED ANO BA!? NASA KALAGITNAAN TAYO NG KALSADA, MABABANGGA TAYO!"
" I TOLD YOU HINDI AKO UUWI HANGGAT HIND--- "
" BAKIT BA ANG TIGAS NG ULO MO HA!?" Sigaw ni Mama habang nakikipag agawan parin sa akin ng manibela.
" SABI NG AYAW KONG UMUW---"
" WAAAAAAAAAHHH"
Napahinto ako at nanlaki ang dalawang mata ko nang makitang may malaking sasakyan na nasa harap na namin. halos mabingi ako sa lakas ng salpokan. Akmang hahawakan ako ni Mama nung biglang tumama Kung saan saan ang sasakyan namin dahilan upang mabagok at matamaan din ang katawan namin sa bawat sulok ng sasakyan. Halos mapaos ako sa kakasigaw nung maramdamang may matulis na saktong tumama sa dalawang mata ko. Kasabay ng pagpatak ng likido sa bandang pisng------
" Sir.. s-sir red? Sir gumising po kay---" napabalikwas ako ng upo nung maramdamang may kamay na dumapo sa may pisngi ko.
" DON'T TOUCH ME! " Sigaw ko sa kanya, naramdaman kong napa atras siya dahilan upang may nahulog sa study table ko.
" GET OUT NO--- " Napahinto ako nung biglang bumukas ang pintuan sabay rinig ng pamilyar na boses.
" Anong kaguluhan na naman ito? " panimula niya. "Riza, bumaba kana ako nang bahala kay Red." Agad-agad lumabas naman ang Yaya kanina sabay sarado ng pinto. Napatahimik ako at damang dama ko ang mga titig ni Manang Lira sa akin.
" Stop staring at me! " Pagsusungit ko.
" Nanaginip ka na naman no? " Tanong niya sa akin.
" Bago ba siya dito? " Pagtatanong ko kunyari patungkol dun sa bagong yaya kanina upang mabaliwala ang tanong niya sa akin.
" Si Riza? Oo bago siya, bagong na hire ng daddy mo kahapon. Kaya pag pasensyahan mo na kapag nahawakan ka niya. Hindi ko pa ipinaliwanag sa kanya yung BATAS MO KAMAHALAN! " Sarkastikong sagot niya.
Matinding katahimikan ang namagitan sa aming dalawa bago siya muling magsalita.
" Hijo, Sigurado ka na ba sa desisyon mo? Naghihintay yung daddy mo para maisagawa na yung operasyon mo sa mata. "
" Kelan pa ako hindi naging sure sa mga desisyon ko Manang? " Sagot ko naman sa kanya.
" Eh sayang din yun hijo, matagal na panahon din bago makahanap ng donor yung daddy mo. bakit ba ayaw mong makakita mul---"
" STOP! " Putol ko sa sasabihin niya.. " You know exactly Kung bakit ayaw kong magpa opera" Sagot ko sa kanya
" P-pero.. 10 years na ang lumipas Hijo, ayaw mo ba akong makita? kami ng daddy at Lola m---"
" Manang, gusto kong magpahinga. iwan mo muna ako. " Napahinto siya sa sinabi at huminga ng malalim. Maya't maya ay naramdaman kong dahan dahan siyang patungo sa labas ng kwarto ko.
Napapikit ako habang pinipigilan ang luha na tumakas sa mga mata ko.
" Tsaka na ako magpa Opera pag mabuhay kang muli Mama, dahil hanggat Wala ka rito, wala rin akong karapatan masilayan muli ang Mundo.. "
BINABASA MO ANG
Perfume
General FictionMay mga taong biglang dadating sa buhay mo... Mga taong gagawing makulay Ang dating pangit mong Mundo, Mga taong magpapatahimik ng magulo mong isipan, Mga taong naging pahinga mo sa nakakapagod mong mundo. Naging sandalan at panyo mo kapag umiiyak k...