Chapter 7

433 7 0
                                    

Eto na naman po ako! :) How's your Christmas mga tol? Akin madrama. pff! Gusto ko i-share sa inyo sa pagkukwento ko ng chapter na toh kaso may iba pa akong balak e :p yaan na lang natin.

Peace&Love

Enjoy reading!

~~~*******~~~

-JOSH's POV-

Nakaupo ako ngayon kasama ng barkada. Nagtatawanan, kwentuhan at konting shot. Inimbitahan ko sila dito sa resort nila mama. Ang balak ko talaga e kami lang ni Mae pero saka na siguro pag kami na. Hehe!

Napapatingin lagi ako sa kanya. Nasa tabing dagat siya kasama ng mga babae. Nagbababad sa araw. Hindi ko maiwasan tingnan siya. Para bang bawat galaw niya, nakakainlove. Hindi naman siya kagandahan e. Mabait siya, minsan may pagkasiga, minsan  maarte, napaka moody at iyakin. Pero siguro dahil sa mga yun ako nahulog sa kanya.

Gagawin ko lahat para mahalin niya din ako. Minsan na akong nagmahal at naiwan. Naiintindihan ko ang sakit na nararamdaman niya kahit alam kong may pagkakaiba. At handa akong bigyan siya ng ngiti sa nakakatukso niyang labi.

Ay ano ba yan Josh?! Ang manyak mo!

"Oi pare, nakatulala ka dyan!" sigaw ni Kyle,

"H-ha? Asan na ba tayo?"

"Nasa resort niyo pa rin pare!!!" sabi ni Andrei

"Grabe pare! Mukhang ang lakas na ng tama mo dyan kay Mae ah!" sabi uli ni Kyle.

"Iba talaga yang si Mae." biglang sabi ni Austin na nakatingin sa direksyon nina Mae. Sabay sabay kaming napatingin sa kanya.

Halata sa kanya na may nararamdaman siya kay Mae. Hindi yun pede. Kapag nagkataon, alam kong siya ang pipiliin ni Mae at hindi ako.

"Tama ka nga pare. Iba talaga siya. At hindi ko hahayaang makuha siya ng iba. Ayoko na siyang makitang umiyak."

Tumingin siya sa'kin pero sa halip na tumingin din sa kanya ay tumingin na lang din ako kay Mae.

"Oh siya! Tagay na lang tayo! Mukhang nakamove on toh kay Catherine." sabi ni Patrick.

Medyo naiilang akong kasama tong si Austin. Di ko nga alam kung bakit ko pa siya niyaya dito. Pero gusto kong ipakita sa kanya na malaki ang pinakawalan niya.

-MAE's POV-

Matapos namin magbabad sa araw ay naligo lang kami ng konti sa dagat at umahon din naman agad. Naghanda na kami ng makakain namin. Ang mga boys nagihaw habang nagiinuman, kami naman nagluluto ng kung ano pa at nagpeprepare ng kakainin.

You and I ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon