Pag-uwi ko ng bahay galing sa bahay nila Anie, natulog muna ako bago pumunta sa baryo kung saan nakaburol ang lolo ko. Paggising ko, sumama na ako sa mama at ate ko. Pagdating ko dun, nasa tabi ng kabaong ang lola ko at nagmano ako sa kanya. Umuwi din ang mga tita ko galing sa Italy na kapatid ni mama. Nagmano rin ako sa kanila dahil nakakahiya kapag di ko ginawa yun, panggalang na din sa kanila. Nakakalungkot mang isipin na wala na ang lolo ko, nilabanan kong huwag umiyak.
"Oh Oliver, bat ngayon ka lang ata?", tanong ng tita ko.
"Galing po kasi ako sa SM kaninang umaga Tita", sagot ko sa kanya.
"Galing sa date ng girlfriend niya Tita", sambit ng ate ko at ngumiti na lang ako sabay kamot sa ulo.
"Naks! Pakilala mo naman sa amin ang girlfriend mo", seryosong sabi ng Tita ko sa akin.
"Sige po Tita, dadalhin ko po siya dito next time", sagot ko na may halong ngiti.
Nakakaproud lang na gustong makilala ng mga Tita ko si Anie at hindi ako mahihiyang gawin yun dahil proud na proud ako sa kanya. Hindi ako masyadong dumadalaw sa burol ng lolo ko dahil ayoko besides, hindi naman nila sinasabing bantayan ko naman si lolo kahit minsan lang kaya okay lang sa kanila. Sa bilis ng araw, hindi ko namalayang huling gabi na ni lolo at bukas ililibing na siya kaya andito kami sa bahay nila hanggang madaling araw.
"Good eve mhinecoh. Punta ka bukas ha? Gusto ka din kasi makilala ng mga Tita ko", text ko kay Anie.
"Good eve din mhine. Sure mhinecoh. Pupunta talaga ako diyan", reply niya sa akin.
"Good to know mhinecoh. Thank You. I love you", sagot ko naman.
"Wala yung mhine. Basta andito lang ako para sayo ha? I love you too", napangiti ako sa reply niya sa akin.
Kinaumagahan, sinundo ko na siya sa sakayan deretso sa baryo. Nakamotor kami at kami ang taga kuha ng mga litrato sa huling araw ni lolo sa mundong ito. Habang naglalakad mga tita ko at umaandar ang motor pinakilala ko si Anie.
"Tita, ito po siya oh. Girlfriend ko po, si Anie", sabi ko sa Tita ko na nakatapat kami sa kanila.
"Nice meeting you Hija", sagot ng mga Tita ko.
"Hello po, nice meeting you din po Auntie", sabay ngiti sa labi ni Anie at nagpaalam na din kami sa kanila para mauna na sa simbahan..
Ilang minuto lang at nakarating na kami sa simbahan at pansin kong maraming tao. Isang Barangay Captain daw kasi ang lolo ko nung 50's sabi nila kaninang binurol siya sa barangay hall ng barangay. Pagkatapos ng misa, habang nagsasalita ang isa sa mga Tita ko, napapaluha ako sa mga pasasalamat niya sa mga taong tumulong na nag-alaga sa lolo ko sa anim na taon niyang pagkaka-stroke. Habang nakikinig ako, inabot sa akin ni Anie ang panyo niya dahil nakita niyang napapaluha ako. Magkatabi kami ni Anie dahil hindi ko siya maiwan at alam ko hindi niya ako iiwan. Tinanggap ko ang panyo niya at pinunasan ko ang luha ko.
Binigyan ko pala si Anie ng panyo nung fiesta namin dahil may gumagawa ng personalized cap at handkerchief noon kaya naisipan kong bigyan ko siya. Nabanggit niyang gusto niya din akong bigyan ng ganun pero nahuli siya at ako nauna. Pagkatpos namin sa simbahan, deretso na kami sa sementeryo kung saan ililibing si lolo. Marami na ding nauna sa amin, kaya minabuti na naming pumasok dun kesa makipagsiksikan pa mamaya. Pagkatapos namin dun deretso na kami sa bahay nila lolo para kumain. Ako na kumuha ng kakainin namin ni Anie dahil alam ko nahihiya siya, pagsisilbihan ko naman siyempre ang girlfriend ko. Pagkatapos naming kumain nagpaalam kami kila mama na punta ka sa bukid. Medyo may kalayuan ang bukid namin sa bahay nila lolo.
Nilagay ko doon si Anie para masolo ko siya at para na rin mapasyal ko siya doon. Tiwala naman sa akin si Anie. Wala naman kaming gagawin dun eh. Ilang minuto lang lumipas nakarating din kami. Una nilibot ko muna siya sa paligid, nagkwentuhan kami at sinabi ko kung nasan kami. Napapalibutan lang naman kami ng limang barangay at bukiran at natatanaw na bundok. Maganda talaga sa amin, presko pa ang hangin, tahimik at mga huni ng mga alaga naming manok, aso, pusa at baboy lang. Dito sila mama kapag wala sila bahay. Umuuwi lang sila mama't papa sa bahay kapag weekend dahil simba ng linggo. Ilang minuto pa, sinundan kami nila kuya. Mas maganda na yun para may kasama kami. Pagkatapos sumunod din sila Mama at Papa. Nagbonding kami doon kasama si Anie. Naglaro kami ng mga pamangkin ko. Nakikita kong nag-eenjoy ang mga bata na kasama si Anie. Maliliit pa mga pamangkin ko, yung panganay ng kuya ko 8 years old, pangalawa naman ay 4. Sa isang kuya ko naman only child na lalake, 5 years old.
BINABASA MO ANG
Undying Love
RomansAng kwentong ito ay tungkol kay Oliver na nainlove sa Best Friend niyang si Anie na kung saan nasaktan at natutong lumaban dahil sa pagmamahal niya sa kanya. Kaya nang nawala si Anie sa buhay niya, hindi na to tuluyang nakamove on. Naghanap ng kapal...