[66]

273 22 1
                                    

[66]

10:29 PM

Analiah:
Paano mo siya nagustuhan?

Key:
Selos ka?

Analiah:
Nagtatanong lang ako, oa mo

Key:
Hahahahah

Key:
Kasi one time, nong kararating ko lang sa Bukidnon, bumili ako ng ice candy kina Kuya Rolly, utos sa akin ni Mama.

Key:
Tapos doon, saktong nakasabay ko siyang bumili, tapos habang pumipili ako ng flavor ng ice candy doon sa may styrofoam na lalagyan, biglang may pumasok na ibang kamay, tas sinundan ko yong kamay. Kamay pala ni Chin-Chin

Key:
Nalove at first sight yata ako sa kaniya noon, haha ang cute niya kasi. Lalo na kapag nakatali yong buhok niya nang iba't ibang kulay ng hair clip.

Key:
Kasama niya mga kaibigan niya noon, sina Trish at Frances. Kinilig nga ako nong bigla niya ako ningitian eh.

Key:
Kaya ayun, araw-araw akong bumibili ng ice candy, sinasakto ko sa oras kung kailan siya bibili para makita ko siya at magkasabay kami.

Analiah:
Ay Oo nga, no! kaya pala sinasama mo akong bumili ng ice candy palagi, pumapayag naman ako kasi lagi mo akong nililibre. Sayang din eh. Pampalamig sa hapon.

Analiah:
Gusto ko yong melon na flavor

Analiah:
Ikaw?

Key:
Avocado.

Analiah:
Yuck

Analiah:
So, sunod???

Analiah:
Nalaman ba ni Chin-Chin na kras mo siya?

Key:
Hindi

Key:
Oks lang yun

Analiah:
Ako lang ba nakakaalam?

Key:
Oo? Yata? Hindi ako sigurado.

Analiah:
Oy diba girly si Chi-Chin at pati yung mga kaibigan niya? Lagi ka kayang nakikisali sa kanila sa paglalaro kaya lagi kitang inaasar na bakla noon

Key:
Oy, tanda ko yun! Oo nga ahhahaha

Key:
Nakakahiya yun?

Key:
Pero mabuti na lang hindi lang ako yung lalaking palaging kasama nila sa paglalaro, kaya hindi napapansin ng iba. Baka tuksuhin pa akong bakla.

Key:
Isinasali kita diba sa mga laro nilang pambabae? Hahahaha

Analiah:
Oo, jusme ka eh

Analiah:
Hindi nga ako marunong sa nilalaro nila, daig mo pa ako. Patintero at larong kalsada lang kaya ko

Analiah:
Lalo na sa chinese garter, yung 10-20 at 1 by 1, ang hanep mong tumalon. Samantalang ako, ang baba. Partida, ikaw pa yung may itlog sa ating dalawa at ako pa yung wala. Mas mabigat yung sa yo, dapat mas mababa kang tumalon.

Key:
Bastos haha

Analiah:
Ang galing mo kayang tumalon. Hahahah. Naiimagine ko tuloy tuwing matataas yung tatalunan mo. Biruin mo, hanggang ulo, nakaya mo! Unbelievable

Analiah:
Hanep sayo eh

Analiah:
Saka sa piko, ang galing mo rin humagis ng pambato mo at ang galin mo rin magbalance

Analiah:
Oo nga pala, palaging bumubili si Frances ng paper doll at barbie kaya heto ikaw, nakikisali rin sa paglalaro nila Hahahahhaha

Key:
Hindi ko inaakalang magagawa ko yong mga yun dahil lang kay Chin-Chin para makasama ko lang siya hahhaa.

Analiah:
Wala naman masama roon. M

Analiah:
Pero paano mo siya in-uncrush?

Key:
Itanatanong pa ba yan?

Key:
Gusto mo lang yatang lagi kong sabihin sayong, dahil naging crush kita

Analiah:
Dahil lang sa akin?

Analiah:
Weh?

Analiah:
Bat bumaba standard mo bigla noon? Ang ganda-ganda ni Chin-Chin tas babagsak ka sa akin?

Analiah:
Ang dungis ko kaya, katulad ng sinasabi mo

Key:
Basta, there's something in you na hindi ko maipaliwanag na nagustuhan ko sa yo

Key:
: )

-----

kababata: thanks for trying to reconnect with me once againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon