28.

446 21 4
                                    

"Anak, kailan ulit ang balik mo sa Japan?"

Kakasubo ko lang ng pagkain ko kaya hindi muna ako nakasagot agad. Nag-aalmusal pa kasi kami. Sinabi ko kay Mama kagabi na babalik na ako sa Japan this Thursday. Nabanggit niya na siguro kay Papa kaya tinatanong ako ngayon.

"Sa h'webes po," sagot ko nang malunok ko ang kinakain ko.

Tumango sila. Isang buwan lang kasi ang bakasyon ko rito. Nagd-date na pala kami ni Soleil. Hindi ko alam, basta nangyari na lang. Minsan, wala siya dahil may flight siya pero bumabawi naman siya madalas. Minsan nga, binibilihan pa ako ng pasalubong kung saan man siya galing.

"Nasabi mo na sa girlfriend mo?" tanong ni Mama.

Muntik na akong mabulunan. Okay, nagd-date kami pero hindi pa kami official kaya saan galing 'yong 'girlfriend'? Wala pa naman akong pinapakilala kila Mama na girlfriend. Saka wait... Bakit walang violent reaction? Akala ko magagalit sila kapag nalaman nilang bisexual ako? Ako nga, hindi ko tanggap 'yon sa sarili ko, e.

"Wala po akong girlfriend. Kung si Soleil po ang tinutukoy niyo, hindi ko pa po nababanggit sa kaniya." 'Yon na lang ang sinabi ko.

Binigyan ako ng makahulugang tingin ni Mama bago ngumiti. Hindi ko maintindihan. Bakit gano'n gano'n na lang nila ako tanungin tungkol sa girlfriend? Parang dati lang, tinutulak ako ni Mama na mag-boyfriend.

Pagkatapos naming kumain ng almusal, umakyat na ako sa kuwarto ko para kumuha ng damit at maligo. Pupunta ako sa unit ko ngayon.

Hiniram ko ulit ang kotse ni Mama papunta sa condo. Siguro sa susunod na balik ko rito sa Pinas, may kotse na akong sarili. Ngayon kasi, 'yong kotse muna sa Japan ang bibilhin ko para hindi ko na kailangang sumabay kay Yoshi.

Humilata lang ako sa kama ko nang makarating ako sa condo. Binuksan ko ang cellphone ko at nag-chat na lang sa GC para mag-ayang gumala.

cxless: mall tayo

Pumunta ako sa ref para maghanap ng makakain habang naghihintay ng reply nila. Mas gusto ko rito sa condo kahit wala naman akong ginagawa rito. Mas mapayapa kasi ang tulog ko rito. Sa bahay kasi, may bigla na lang kakatok para maghanap ng hairbrush kahit sila naman 'tong nagtabi.

kanao_dlfrr: Pass, pahinga muna ako

heat_her: bantay bata muna

adonismanalo: busy.

avelythe: ano gagawin? sama

wotahlili: shopping syempre, duh. btw, sama.

avelythe: attitude

Mga baliw. Mukhang hindi si Lily 'tong nag-reply.

wotahlili: si sera yun, sorry.

avelythe: seraulo mhen

Natawa ako. Seraulo raw, gagi 'to.

Kaming tatlo na lang ang nag-shopping. Syempre, kumain muna kami ng lunch bago kami naglibot. Kung saan-saang stall na kami nakapasok nang mag-aya si Lily na pumunta sa bookstore, may bago raw siyang libro na bibilhin.

Naalala ko na naman tuloy 'yong araw na nilibre ko si Kanao rito tapos muntikan niya na akong halikan. Okay, tama na. Kadiri na.

May tumawag sa cellphone ko kaya lumabas muna ko ng bookstore dahil wala naman akong bibilhin do'n.

[Where are you?] tanong agad ni Sol nang sagutin ko ang tawag niya.

"Mall, bakit?" tanong ko pabalik.

[Kasama ko sila Kris, would you like to come with us?]

Huh, Kris? Sino naman 'yon? Hindi ko naman 'yon kilala kaya bakit sasama ako?

The Fall in Summer ( Girl's Love Series #2 )Where stories live. Discover now