"H-huh?"
Baliw ba 'to? Ang ganda ko naman ata?! Minsan, hindi ko rin ma-gets ang sapak nito sa utak, e. Magtanong ba naman ng gano'ng tanong? Sinusubukan ata nito ang loyalty ko kay Sol, e? Sus, walang kwenta. 6 years nga akong na-torpe kay Sol tapos ngayon niya pa susubukan 'tong loyalty ko? Matatag 'to, uy!
"You heard me right," confident pang sabi nito.
"Ehem! Caless, tara na." Kumunot ang noo ko dahil bigla akong hinatak ni Soleil. Nagpahatak naman ako kahit naguguluhan ako. Hindi pa nga ako nakakasagot ng 'hindi' kay Diany, hinila na niya agad ako.
"Uuwi na tayo?" inosenteng tanong ko.
"Bakit?" Huminto siya sa paglalakad. "Nabitin kang lumandi?"
Gusto kong matawa pero hindi ko magawa dahil baka lalo siyang mapikon. Selos ba 'to?! Ang ganda ko naman!
"Lasing ka o nababaliw ka na?" natatawang tanong ko.
"Nakakatawa?" Umirap ito saka naglakad paalis.
Ang bilis ng hakbang niya. Hinihingal ako sa kakahabol hanggang sa makarating kami sa elevator at nagpipipindot siya roon.
"Galit ka ba?" tanong ko pero hindi niya ako pinansin. "Ah, galit."
Hindi pa rin siya kumikibo hanggang sa makarating kami sa parking lot. Nauna akong naglakad dahil kotse ko ang hinahanap ko. Wala naman kasi siyang dalang kotse. Dumiretso sila rito pagkatapos ng flight nila ngayong araw.
"Umalis ka na," sabi nito sabay turo sa kotse ko.
Tumango naman ako at naglakad palapit sa kotse ko. Hindi ko naman talaga siya balak na iwan, gusto ko lang mang-asar. Kakahawak ko pa lang sa pintuan para buksan ang kotse ni Mama, sumigaw na agad siya.
"Aba, talagang iiwan mo 'ko rito?!" inis na sabi niya. "Porket pinopormahan ka na naman ni Diany, ganiyan ka na sa 'kin?!"
Natigilan ako. Hindk dahil sa kumpirmadong nagseselos siya. Kung hindi dahil sa sinabi niyang 'na naman'. Na naman?! Ano 'yon? Ibig sabihin... Alam niya 'yong sa 'min ni Diany noon?
Natawa ako. "Sumakay ka na nga! Dinadaan mo pa ako sa selos na 'yan, e." Natatawa pa rin ako dahil sinamaan niya ako ng tingin.
"Tawa ka diyan!" Pikon na siya.
Natatawa akong lumapit sa kaniya at hinila siya papunta sa pintuan ng kotse ko para kakaupo siya sa shotgun. Binuksan ko na ang pintuan pero sinara niya ulit.
Kumunot ang noo ko. Hinawakan ko ang dalawang balikat niya at pilit siyang iniharap sa 'kin. Inilagay ako ang dalawang kamay ko sa gilid niya, sa itaas na parte ng bintana ng kotse.
"What's your problem?" tanong niya. Hindi nga siya makatingin sa 'kin.
"Ikaw," sagot ko. "Sakay."
Lumayo ako ng kaunti sa kaniya. Binuksan ko ulit ang pintuan pero tinitigan niya lang 'yon.
"Sakay," ulit na sabi ko kaya sumakay na siya. Required bang inuulit bago sundin?
Umikot ako at sumakay sa driver's seat. Tinitigan ko siya pero masama ang tingin niya at nakatitig lang sa harapan. Lumapit ako sa kaniya para ikabit ang seatbelt niya pero hindi niya inaasahang hahalikan ko siya pagkatapos. Halatang nagulat, hindi agad tumugon. Humiwalay din ako agad dahil baka may makakita. Hindi tinted 'tong glasses dito.
Natulala siya habang inaayos ko ng seatbelt ko. Kumindat naman ako bago in-start ang kotse.
"Chancing!" Protesta niya agad. Gusto niya rin naman. Weh. Pahampas-hampas pa sa braso ko.
YOU ARE READING
The Fall in Summer ( Girl's Love Series #2 )
RandomCaless always look at love like a distraction. But who would have thought that one of the summer days, she fell? Yes, and sadly, badly, unluckily... She felt for someone she never thought she would. It was supposed to be a summer vacation. But inste...