"What do you mean by 'I won't'?"
Nangunot ang noo ko. Bakit gano'n 'yong sinabi niya?! Grabe rin 'tong babae na 'to, ah! Nakaka-hurt ng feelings! Pero syempre dapat chill lang para cool. I mean, para 'di halata.
"Basta, you'll know soon."
Daming paandar. Talaga naman, Soleil.
Nauwi na lang kami sa make out na 'yan. Hindi na kami nag-lunch dahil brunch naman na ang ginawa namin kanina. Natulog na lang kaming dalawa at gabi na nang magising kami. Sabay ulit kaming nag-dinner. Noong madaling araw, umalis na siya at magdamag siyang wala. Hindi ko na siya hinintay at inayos na lang ang mga gamit ko.
Umuwi ako sa bahay namin para doon na magpalipas ng gabi at kumain. Magpapahatid rin ako kay Mama bukas, e. Sasama si Papa dahil wala rin naman kaming choice kung hindi isama siya. Kaysa naman maiwan siya rito mag-isa.
Maaga akong nagising kinaumagahan. Syempre kumain din ako ng almusal para hindi ako magutom. May pagkain naman do'n pero mas bet kong matulog lang sa flight.
Gaya ng sabi ko, hinatid ako nila Mama kaya nakapagpaalam na rin ako.
Sandali lang ako sa airport dahil muntik pa akong ma-late sa flight ko. Mabuti nakahabol.
"Welcome on board, Ma'am," ngiting sabi ni Sol.
Ah, nandito pala si Sol- huh? Sino?
Dumoble ang tingin ko para siguraduhing si Soleil nga. Tama, siya nga. Nginitian ko pa rin siya kahit na nagulat ako na nandito siya.
Dumiretso na ako sa seat ko at sumandal sa bintana. Nang buksan ang Fasten Seat Belt sign, syempre nag-seat belt ako. Natulog na agad ako pagkatapos ng mga kemerut nila.
"Tulog ka na naman," mahinang sabi ni Soleil kaya nagising ako. Alam kong si Soleil 'yon dahil wala namang ibang nakakakilala sa 'kin dito maliban kay Soleil.
Nginitian ko lang siya at sinabihan ng 'shh' dahil inaantok pa rin ako. Ngumiti naman siya at tumango. Iniwan niya na ako rito kaya nakatulog na ulit ako.
Nagising ako dahil malapit nang mag-land. Inayos ko na lang ang sarili ko. Nagkita ulit kami ni Soleil sa pagbaba ko. Ngumiti lang ulit ako.
Back-to-normal ang ate mo sa sumunod na araw.
"May magr-room daw ulit sa room na katabi ng room mo," sabi ni Jing habang kumakain. Parami na rin ng parami ang mga tao rito sa bahay dahil may iba nang borders.
Tumango na lang ako. "Kailan daw?"
"Next week," sagot niya.
Tinapos na lang namin ang pag-kain at nagligpit na. Diretso ako sa kuwarto dahil gusto ko nang magpahinga.
Work days ulit. Next week siguro, bibili na ako ng kotse.
No'ng sumunod na linggo, dumating na 'yong sinasabi ni Jing na bagong border. To my surprise, si Soleil na naman. Kaya pala hindi ako mami-miss kasi pupunta rito. Dami talagang paandar. For one week lang daw ang stay niya kaya aalis din agad siya.
Nagbayad pa siya sa kuwarto na katabi ng akin pero lagi naman siyang nasa kuwarto ko. Minsan nga roon pa natutulog.
Sinamahan niya rin ako no'ng bumili ako ng kotse. Minsan, hinahatid niya ako sa office gamit 'yong kotse.
"Kaya pala hindi na sumasabay sa 'kin. May iba na palang naghahatid," nang-aasar na sabi ni Yoshi.
Tumawa na lang ako. Issue na naman dahil sabay kaming pumasok sa office. Hindi na lang namin pinansin dahil hindi naman totoo. Hindi ko alam kung bakit pati kaming dalawa, ini-issue-han pa nila. Baka raw napunta lang ako sa mataas na posisyon dahil bestfriend ko si Yoshi. Pero ang malala, girlfriend ko raw si Yoshi.
Bumalik na si Soleil sa Pilipinas. At no'ng nagpaalam siya sa 'kin, sinabi niya nang mami-miss niya ako. Wala na 'tong kasunod. O kung mayro'n man, baka matagal pa bago siya pumunta rito ulit.
Lumipas pa ang isang taon. Nasanay na rin ako sa pinaggagagawa ko rito. Umuuwi kami ni Yoshi kapag pasko at bagong taon. No'ng undas pala, pinayagan niya rin akong umuwi pero hindi siya sumama.
Three years pa ang lumipas. Paminsan-minsan, dumadalaw si Soleil sa 'kin. Kapag napapadpad sila sa Japan, nagkikita kami minsan. Kapag naman may oras kami, video call pa rin. Hindi naman kami nawalan ng communication kahit busy kami. Hindi nga lang kami madalas na mag-chat dahil tinatamad nga akong magsalita.
Ilang years na nga ulit ang nabanggit ko? Apat? Gusto kong matawa. Sa loob ng apat na taon, hindi pa rin kami official. Basta dating, 'yon na.
"Cal! Sama ka? Pupunta ako sa mini mart," aya ni Nadine. Kanina pa ako inaaya nito sa labas. Kung saan-saan nagpupupunta. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya roon para sumama pa ako. Tinatamad rin ako.
"Ikaw na lang," sabi ko at ibinalik ang atensyon ko sa ginagawa ko.
Umakyat na rin ako sa kuwarto ko dahil nadi-distract ako sa mga tao na labas-pasok sa bahay. Gabing-gabi na
Binuksan ko ang ref ko para maghanap ng kape. Inaantok na ako at baka matulugan ko 'tong ginagawa ko. Ubos na ang canned coffee rito, mahusay. Bumaba ulit ako para maghanap naman sa baba pero puro alak naman ang nakita ko.
Napairap na lang ako at kinuha ang wallet ko. Dapat pala sumama na ako kay Nads kanina. Mag-isa tuloy akong maglalakad papunta sa mini mart ngayon!
Kape lang naman dapat ang bibilhin ko pero kung ano-ano pang nakita kong pagkain doon kaya bumili na rin ako. Nakita ko pa si Nadine na may kausap na babae pero hindi ko na nakita kung sinong kausap niya. Kaya pala ang tagal niya sa labas, nakikipag-chismisan pa.
Tinaasan ko ng kilay ang mga lalaki na biglang lumapit sa 'kin. Mukhang may magtatanong na naman ng number ko, ah. Kaya ayo'kong naglalakad mag-isa, e. Lagi 'tong nangyari. Napaka-cute ko nga naman kasi.
"If you're going to ask for my number-" Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang biglang takpan no'ng isa ang bibig ko.
May pa-blindfold pa 'yong isa. Madilim na nga, papadilimin pa ang paningin ko. Akala ko nga sisikmuraan pa ako dahil palag ako ng palag.
"Kidnap ba 'to?" tanong ko, as if naman maiintindihan nila ako.
"Parang gano'n na nga," sagot no'ng isa. Ay, taray, Pinoy pala 'tong mga 'to, e.
Ay, teka! Bakit ba ganiyan ang iniisip ko?! Nag-panic ako nang may biglang bumuhat sa 'kin.
"Bitawan mo nga 'ko! Epal niyo naman, e!" Tinulak-tulak ko pa 'yong may buhat sa 'kin.
"H'wag kang malikot! Ihuhulog kita," may pagbabantang sabi niya.
"Ibaba mo nga- aray!" Aba, talagang hinulog ako. Malupit!
"'Yan, nakababa ka na."
Sinubukan kong tanggalin ang blindfold pero may biglang humawak sa kamay ko at tinalian 'yon. Patay! Wala na akong takas!
"Tulong, hoy! MAMA!! Help!"
ISSEE_DARLING :)
Last chapter, hehe.
YOU ARE READING
The Fall in Summer ( Girl's Love Series #2 )
LosoweCaless always look at love like a distraction. But who would have thought that one of the summer days, she fell? Yes, and sadly, badly, unluckily... She felt for someone she never thought she would. It was supposed to be a summer vacation. But inste...