"Nasa labas na ako ng canteen, where are you?"
Inilibot ko ang mga mata ko. There's a lot of people here but I can't see Charles. Sabi niya magkikita kami sa canteen tapos wala naman siya.
[Malapit na 'ko, babe. Hanap ka na lang ng table sa loob para makakain ka na. Susunod na lang ako.]
I nodded. "Nasa'n ka ba? What's taking you so long?" tanong ko.
[Nasa court, kakatapos lang namin maglaro.]
"Okay! Hihintayin kita, ah?" patanong kong sabi. He said 'okay' kaya binaba ko na ang cellphone ko. Naglaro pala sila kasama ang basketball team kaya ang tagal niya.
I shrugged my shoulders before I went inside. I was on my way to a vacant table when someone bumped against me. Natapunan pa nga ako ng pagkain! Buti talaga naka-hoodie ako at hindi nadumihan ang uniform ko sa loob.
"Hala, sorry!"
I nodded kahit hindi niya naman nakita dahil busy siyang nagliligpit ng kalat. Mukhang hindi niya rin sinasadya.
"It's okay. Don't worry. Naka-hoodie naman ako," I said. I looked at her. Sayang 'yong foods na natapon. Maybe it was my fault? Kasi hindi ako tumitingin sa dinaraanan ko, e. "Sorry, sayang na 'yong foods niyo."
She just nodded and said it's okay kahit na mukhang wala na siya sa mood. Buti mabait 'yong janitor kaya tinulungan na siya. Kinuha niya rin ang hoodie ko dahil gusto niya raw ipa-laundry. Ibinigay ko na lang. I don't trust her that much but I saw sincerity. Mukha talaga siyang nag-guilty.
"Babe!"
I saw Charles, kakapasok lang at mukhang pawis pa. Tumakbo ako papunta sa direksyon niya.
"Oh, nasa'n 'yong hoodie mo?" he asked as soon as I get there. Kanina kasi, suot ko 'yong hoodie no'ng nagkita kami. "Sabi mo hindi mo 'yon huhubarin dahil bigay ko 'yon sa 'yo. Nainitan ka na, 'no?" Natatawa pa siya.
Umiling ako. "Nope. Natapunan kasi ng pagkain kaya hinubad ko," I answered honestly. Tumingin pa ako sa babaeng nakatapon sa 'kin ng pagkain. "Siya 'yong nakatapon ng pagkain. Kinuha niya muna para ipa-laundry."
Sinundan naman ni Charles ang tingin ko. "Okay. Tara, kain na tayo."
Kumaway muna ako ro'n sa babae dahil tumingin din siya sa 'kin.
Charles pulled me until we reached a vacant table. Pinaupo niya na ako at siya na ang um-order.
Pagkatapos namin kumain, dumiretso ako sa building ng Med. I'm not a med student. Pinuntahan ko lang si DJ, pinsan ko. May pinapakuha kasi si Mommy.
"Excuse me," sabi ng isang lalaki na biglang sumulpot sa likod ko. Papasok ata siya. Nakaharang kasi ako sa pinto. I moved a little so he could get inside. "Teka. Ikaw 'yong natapunan ni Caless ng pagkain kahapon, 'di ba? 'Yong naka-yellow na hoodie?"
Wow, he recognized me. Hindi ko nga siya kilala. And siguro, 'yong Caless ay 'yong babae kahapon. I just nodded.
"Uhm... Can I get her number? Para sana ma-contact ko siya," I said and he nodded. Binigay niya na lang ang number no'ng Caless ata. "Thank you."
"Sol!"
Napalingon ako kay DJ, nand'yan na pala siya.
"Ah, Sol pala pangalan mo?" tanong ulit no'ng lalaki kanina.
"Yeah, my name is Soleil. And yours is...?"
"Adonis."
Umalis na rin si Adonis after that. I talked to DJ a bit before I went back to our building.
YOU ARE READING
The Fall in Summer ( Girl's Love Series #2 )
RandomCaless always look at love like a distraction. But who would have thought that one of the summer days, she fell? Yes, and sadly, badly, unluckily... She felt for someone she never thought she would. It was supposed to be a summer vacation. But inste...