"hey aalis muna ako ah i have something to do at my house" napatingin kami kay Jilmar nang magpaalam siya pagkatapos naming kumain.
Tahimik lang kaming kumakain kaya tumango nalang ako at hindi na siya tinignan.
"is something bothering you?" tanong ni Rina sakin pagkaalis ni Jilmar.
"none" malamya kong sabi.
"you know what alam ko yang mga itsurang yan, may nangyari ba? Nag away kayo?"
"no. Magjowa ba kami para mag away?" tumawa siya ng malaks ng pataray kong sabihin sa kaniya yun.
"you know ate alam na alam ko yan kaya wag kang magkaila" tinapik niya ang balikat ko at napabuntong hininga ako, i have no choice ikwento ko dapat.
"his ex is back"
Napa-"ooh" naman siya sa sinabi ko and gestured her hand saying that i should continue.
"and i know i love him but i dont know?"
"kaya ba siya umalis kasi pumunta siya sa ex niya?" biglaang tanong niya, ang lakas namang makaramdam ng babaeng to.
"i think so. Before he left Andra called him"
"oh i think they are back together?" patanong rin niya kaya napabuntong hininga ako.
"and you're inlove because he's kind to you? He's treating you like a princess and he even follows you here?"
Wala akong maisagot sa kaniya dahil tama lahat ng sinabi niya.
"scam" biglaan niyang sabi.
"pero kung hindi ka niya mahal, bakit siya andito? Hmm" napaisip naman ako sa sinabi niya.
"lets follow him!" biglaan niyang sabi at hinatak ako patayo pagkasakay namin ng kotse ang bilis niyang magpatakbo.
She even manage to catch up with Jilmar na hindi napapansin nung isa, how can she do that? Naabutan namin si Jilmar kaya nasundan namin.
Then lumiko sa may kanto at may malaking bahay, huminto kami sa saktong kita lang namin lumabas si Jilmar at may tumakbo palapit sa kaniya na babae at yumakap.
Hinawakan naman niya sa bewang para alalayan, nanikip ang dibdib ko nagsasalita ang kapatid ko pero wala akong maintindihan dahil nakatingin ako sa kanilang dalawa.
Hindi ako ang dahilan kung bakit andito siya sa palawan. Napangiti ako ng mapait, ang gaga ko kasi eh umaasa ako sa wala.
Napasandal ako sa kotse nang pumasok na sila sa bahay at hindi na namin kita.
"umuwi na tayo. Maghuhugas pa.ako" sabi ko nalang para di awkward"
Hindi naman na nagsalita ang kasama ko kaya umuwi na kami. Dumeretso agad ako sa kusina nang makarating kami, nagpakabusy ako maghapon para wala akong ibang maisip.
Ang kapatid ko naman ay busy maglaptop seryoso siya eh baka may ginagawa.
Sunset na ng maisipan kong lumabas, ang ganda talaga dito lalo na kapag sunset. Nakita ko ang isang maliit na hill sa di kalayuan.
"tara doon ate" yaya naman ni Rina kaya nilock namin ang bahay at umalis na.
Naglakad kami sa may gulayan tapos may mga puno, ang ganda lang dahil natatakpan ng dahon ang sinag ng araw kaya konti lang ang nakakawala at tumatama sa balat namin dagdag mo na rin ang mahangin na place.
Nakarating kami ng hingal na hingal pero worth it ang ganda talaga, umupo kami sa may damuhan.
"may dala ka palang bag?" sabi ko sa kaniya, hindi ko man lang napansin na meron pala.
"meron syempre gusto ko uminom" sabi niya sabay labas ng san mig, ang lakas talaga uminom nito kahit 18 palang.
"konti lang baka hindi tayo makababa" sabi ko sa kaniya habang inaayos ang buhok ko mahangin kasi eh.
She opened two san mig then gave me the other one.
"lets talk about how fuck up our life" biglaang sabi niya kaya nabigla ako.
"how's dad?"
"he's fine i guess?" eto rin kasing ito hindi umuuwi laging nasa condo eh.
"so what will happen to your feelings with him?" alam ko nang itatanong niya yan sakin.
"let it go i think? Well thats the best way. If he still wants his ex then i might let him go" napainom ako ng matawa siya sa sinabi ko.
"love can really manipulate us eh?" natatawa niyang sabi kaya natawa narin ako.
"what if he tell you that he loves you what will you do?"
"it depends. Kung hindi ako magiging marupok" napatawa ako sa sinabi ko.
Naubos namin ang anim bago kami bumaba maggagabi na nang makababa kami pagewang gewang pa dahil mukhang natamaan na.
"ate hindi ako magiisang linggo dito" Rina said nang makaupo siya sa sofa ako naman nilolock ang pinto.
"bakit?"
"i have something to do" sabay kota sa phone niya.
"i heard what you said to Kyros but your eyes..." napaiwas siya sa sinabi ko confirm! Haha huwag mong lokohin ang ate mo dahil mas bihasa ako kaysa sayo.
"so what now?" tanong ko rin habang nakasmirk inirapan niya ako kaya natawa ako.
"wala akong gagawin. He can do whatever he wants." saka siya tumayo at pumasom na sa isang kwarto.
Tatayo na sana ako nang pumasok si Jilmar hindi ko pala nalock ang pinto? Mukhang pagod siya ah baka may ginawa.
Tinignan ko lang siya habang nakaupo sa sofa, then he look at me linabanan ko ang tingin niya then he stands up pumuntang kusina.
"hey" napatingin ako sa kaniya ng tawagin niya ako. Mukha siyang lasing promise!
"are you drunk?" taka kong tanong stating the obvious.
"a little bit" namumula na kasi siya eh. Pano nakadrive to?
"Mari" napatingi nanaman ako sa kaniya, kinikilabutan talaga ako kapag tinatawag niya ako eh.
"i think i like you" deretsa niyang sabi sakin kaya nabigla ako. Magsasaya na sana ako ng maalala ko ang nakita ko kanina.
Alam kong si Andra yun dahil may pinakita sakin si manang na litrato niya.
"no." mariin kong sabi nakakunot naman ang noo niya sa sinabi ko.
"because you have-" hindi ko na natuloy nang may magtext sa phone niya.
Kinuha ko yun kahit feeling fc na ako gusto kong makita eh, walang password?
Napahawak ako ng mahigpit sa phone nang mabasa ko yung text. Napatingin ako sa kaniya seryoso siyang nakatingin sa phone saka tumingin sakin.
From Andra:
Thank you kanina ha? Nag enjoy ako. Sleep here again beside me namimis nanaman kita eh! i love you❤

YOU ARE READING
Escaping The Reality (Cagayan Series #1) [COMPLETED]
Teen Fiction"Layuan mo ako" -Mari Joe Magno