TSC 1: When I Met You

635 34 26
                                    

TOGATPP Special Chapter:

 

 

WHEN I MET YOU

"Flight JAL-547 bound for Japan please be on the waiting area and be ready to onboard. Last call for the passengers." Sakto naman ang pagdating ni Lance sa waiting area at naupo sa tabi ng asawa.

"Buti naman at na receive mo ang text ko sayo Hon, akala ko masyado ka nang nawili sa mga pinambili mo para sa bata. Oh, akin na si baby ko. Baby, kumusta na nakakain ka ba ng maayos ah?!? Hmmm, hmm!!" sabi naman ni Kate habang kiniliti ng bahagya ang bata. Ngumiti naman ang bata at nakapagbigkas ng salita.

"Ehe - - ehe - - Hehe - - Mama."

"Oh, ang sweet-sweet naman ng anak ko."

"Passengers bound for Japan please gets onboard now." Pumasok naman ang mag-asawa sa eroplano. Nung nakapasok na sila at magkatabi ang upuan naalala naman nila ang kanilang nakaraan.

"It's been 6 years noh?!? Nung pareho tayong sumakay sa eroplano at magkatabi tayo." Sabi naman ni Kate habang pinapatulog ang anak. Inakbayan naman siya ni Lance habang hiniga ang ulo nito sa chest niya.

"Oo nga Hon, buti na lang talaga at sinundan kita noon kung hindi, hindi tayo magiging Masaya ngayon."

"Pero, grabe rin ang pinag-daanan natin. Lalo na yung mga issues na naglabasan, buti na lang at nalamapasan natin yun." Napangiti naman si Lance sa sinabi ng asawa. Hindi niya malilimutan ang issue na yun na muntik nang nakasira sa pagmamahalan nila lalo na sa tiwala ni Kate.

"Ah, oo nga pala, tumawag na ba sayo si Jake?!?"

"Yes. Kakatawag lang niya kanina. Nasaan na raw tayo, mainipin ang lalaking yun. Natatakot na hindi tayo dumating at baka mapalya ang surprise niya. " napatawa naman si Lance sa sinabi nito.

"Sinabi mo pa. Ang mabuti pa, matulog muna tayo para makapa-ipon ng lakas para mamaya."

"Sige Hon magpahinga ka na. Ayokong mapagod ka." Aniya at hinalikan niya sa labi ang asawa.

***

"Ohayou bessy ko!! Yihheee mamayang hapon na ang kasal mo excited ka na ba?!?" Masayang pagsalubong naman ni Crystal sa matalik na kaibigan nung pinuntahan niya ito sa kanyang kwarto.

"Sa totoo lang bessy hindi pa nagsi-sink in sa akin ang lahat. Hindi ko pa rin mawari na kahit gaano man katagal, darating at darating pala talaga ang moment na ito sa isang babae. Akala ko sa anime lang o di kaya sa fairy tale magkakaroon ng mga happy endings, pwede rin pala itong mangyari sa totoong buhay."

"Oo naman bessy noh. Yung kay Carmina at Zoren nga na wedding eh napaka bongga nun! Grabe na inspire talaga ako dun para kasing fairy tale yung nangyari sa kanila! Nakaka inspire."

"Ayeeeh si bessy! Gusto mo nang magpakasal noh?!? Tanggapin mo na kasi si Leo ayeeeh!!!"

"Ewan ko sayo bessy, whaah! Basta komplikado pa ang lahat sa amin kaya hindi pa pwede.

Tsaka bakit ako ang pinag-iinitan mo eh MOMENT mo to kaya huwag mong ituon sa akin ang spotlight."

"Eh pagpasensyahan mo na ako bessy kinakabahan lang talaga kasi ako. Halo-halo na yung emotions na nararamdaman ko." Nilagay naman ni Crystal ang kamay niya sa mga balikat nito.

"Bessy, breath in – breath out. Kalma lang, enjoy your day okay?!?" napangiti naman ang dalaga sa page encourage ng kaibigan nito sa kanya.

"Sige bessy. Aja!"

TOGATPP Special Chapters.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon