Chapter 17
"Who won?" Nanghihina kong tanong kay Ravine. Kagigising ko pa lang din. Isang araw na ang lumipas at ngayon lang ako nagising.
"Po?"
Umupo ako ng maayos."Sino ang nanalo?"
"Wala pong nanalo." Napabuntong hininga nalang ako. Inaasahan ko na iyon dahil sa paglilimita ko ng kapangyarihan at sa pagconseal nito. Ayaw kong makaagaw ng atensiyon lalo na ng hari.
"Pero binibini." Pambibitin niy. C'mon men, don't beat a bush.
"Pero ano?"
"Pero may kredibilidad po kayo!" Masaya niyang ani. Napakunot ang nuo ko sa sinabi niya. Credibility? Credits? For what?
"Huh?"
"Ganito iyan, may ibinigay sayong kredibilidad dahil kay Phoebus. Prebelihiyo nila na tanggapin ka sa kanilang paaralan dahil sa makalangit na hayop. Sabi nila ay ilang libo na daw itong hindi nakikita kaya ka nila papasukin sa paaralan." Napatango-tango ako sa sinabi niya. So ganon pala iyon.
"Ibig sabihin ba nito. Makakapag-aral ako kasama ka?"
"Oo, binibini." Ayos!
Isang linggo na ang lumipas matapos ang entrance exam. And this is the auspicious day para umpisahan na ang another journey ko.
Mas pinili naming sumakay nalang kay Phoebus at sa himpapawid kesa ang karwahe at ang malubak na daanan. Marami ding kaming mas pinili ang sasakyang himpapawid dahil ang iba ay nakasakay sa malalaking ibon at ang iba ay ang karwaheng panghipapawid na pinapagana ng mga Ekanoye.
Nakangiti ako buong biyahe namin dahil sa mga tanawing nasa baba. Ang kulay asul na katubigan, ang luntiang kapaligiran at ang mga tao na parang langgam na sa liit.
Nakikipagburuan din ako kay Ravine at minsan naman ay naguusap kami ni Phoebus.
Pinagtitinginan kami ng mga kasabayan namin dahil sa nakabibihag na ganda ni Phoebus. Bawat pagaspas ng kaniyang mga pakpak ay kumikinang ito dahil sa pagtama ng sikat ng araw na nagpapadagdag sa nakakaakit nitong taglay.
Matapos ang isang araw na pagbiyahe ay nakarating narin kami sa wakas at umaga na ngayon. Medyo may kalayuan din kasi ang paaralan na ito dahil nag-iisa lang ito sa pinakaprestihiyosong paaralan sa daigdig na ito. Pinapabalik ko na kaagad si Phoebus nang tuluyan na kaming makalapag. Mas nauna kami ng ilang oras kesa doon sa mga mas piniling lakbayin ang kalupaan.
Sinalubong kami ng mga guro doon at mga Seniors na student.
"Maligayang pagdating sa Akademya ng Girzone!" Sabay-sabay nilang ani.
Pinanatili ko lang ang blanko kong tingin habang nagoobserba sa paligid. It's not the time to be carefree lalo na't sa tingin ko ay wala akong pwedeng pagkatiwalaan maliban nalang sa sarili ko.
Nang tuluyan na kaming makapasok ay bumungad sa harapan ko ang sementadong daanan at mga luntiang halaman na maayos na nakahelera at napapalibutan ng mga nagliliparang kulay asul, pula, at dilaw na mga paru-paru. Kita ko din mula sa kinatatayuan ko ang napakalaking bilog na fountain at sa loob nito ang isang estatwa ng babaeng walang mukha at ang damit nito ay nakasayad at tila tinatangay ng hangin maging ang maalon-alon nitong buhok. May pakpak din itong nakabuka at korona sa ulo. Nakalagay naman sa magkabilang gilid ang kanyang mga kamay at ang isa ay may hawak na espada. Nakamamangha ang hubog ng katawan niya. Maliliit na balakang at balingkinitang mga binti. Kahit wala siyang mukha masasabi kong isa itong diyosa sa ganda. At nakamamatay ang kamandag niya. Her height and features somewhat familiar to me. Like as if I saw her before but I can't recall.
Mula dito, kitang-kita ko ang mga nagtataasan at naglalakihang silidaralan. Sa pinakadulo naman ay ang dalawang matatayog na building na mala-Victorian Palace. Sa magkabilang gilid ito at halos sakupin na ang napakalawak na lupa. Magkaiba ang kulay ng mga ito. Ang sa kanan asul sa kaliwa naman ay puti. May nakikita din akong isang matayog na pagoda.
"Anong ginagawa ng basura sa paaralang ito. Akala ko ba hindi sila tumatanggap ng basura bakit ngayon may basura na." Saad ng isang tinig na napakapamilyar sa akin. Awtomatikong napa-arko ang kulay ko dahil sa sinabi niyang iyon.
"Hah! Anong ginagawa ng isang linta at higad sa paaralang ito. Kay aga-aga, nakalambitin na. Akala ko ba hindi sila tumatanggap ng linta at higad sa paaralang ito. Lumalaganap tuloy ang kakatihan." Mapanginsulto kong ani. Umagang-umaga pa nga nakadikit na sa lalaking kasama niya at nangangati na.
"Anong sabi mo, Serene?!" Namumula niyang sigaw sa akin. Oh, ikaw ang nauna gumanti lang ako.
"Bingi ka ba? O nagbibingihan? Kung bingi ka magtutuli ka muna bago lumandi." Nakangisi kong ani.
"Lapastangan! Anong karapatan mong sabihin iyan sa katulad kong maharlika!" Sigaw niya parin. Nakaririndi na ang bruhilda na ito. Hindi ba siya nahihiya sa kakasigaw niya diyan. Pinagtitinginan na siya oh.
"Aba, karapatan ko ding magpahayag ng ideya at saloobin hoy! At anong pake ko kung isa kang Prinsesa. Nakakain ko ba yan?"
"I-ikaw!" Susugod na sana siya sa akin kung hindi lang siya pinigilan ng mga kasama niya.
"Hey!hey! Easy bitch! I don't bite! Tatanda ka niyang panget. BTW, gotta go. See you soon, Mathilde. HAHAHAHA!" tumatawa kong ani. Halata sa Boses ko ang pangiinsulto at pagkasarkastiko.
"Oh, BTW, nakikita ko ang utong mo." Sinadya kong lakasan ang boses ko to give her a lesson na wag akong basta-bastahin lang. I'm not the old Serene, because her old self is already dead and I'm now Natasha, the mischievous and not easy to trampled.
Narinig ko ang napakatinis niyang sigaw at ang pagmumura sa akin. Habang siya ay inis na inis, ako naman ay nasasayahan. Mainis ka pa. Deserve mo naman iyan sa sama ba naman ng ugali mo. Nagkandaugaga naman siyang ayusin ang damit niya at ang pagtakip dito. Pinagtatawanan at pinagbubulungan din siya ng mga tao.
Third Person's Point Of View
Napapitlag si Serene habang naglalakad nang biglang magsalita ang katabi niyang lalaki.
"Binibini, sino iyon?" Nagtataka nitong tanong bagama't nahahalata niyang matagal nang magkakilala ang dalawa dahil na din sa mainit nilang sagutan kanina.
Nahampas naman ito ni Serene dahil sa biglaan nitong pagsasalita. Napasimangot naman sila pareho ngunit sa magkaibang dahilan. Napasimangot si Ravine dahil sa paghampas sa kanya ni Serene. Iba naman ang sa huli, nang maalala na naman niya ang kaganapan kani-kanina lang at ang pagmumukha ng kapatid niyang hindi kainte-interesado ay napasimangot na lamang siya.
"Pang-siyam na Prinsesa ng Aresty, Mathilde Aresty." Tila walang gana niyang sambit at pinapahiwatig niyang walang kainte-interesado sa pangalan at posisyon nito. Napatango naman si Ravine at hindi na nagtanong pa kahit may nais pa siyang itanong ngunit mas pinili nalang niyang manahimik.
Pumunta na sila sa field upang simulan na ang pambungad na seremonya para sa taong ito. Puno na ito ng mga estudyante base na rin sa mga kurso nila. May Mage, sage, Martial Arts Practitioners at nahahati ang tatlo from Freshmen, juniors, to Seniors at naka-classified from males to females. Dahil sa dagat ng mga tao, mas pinili nalang ni Serene ang umakyat at pumirmi sa pinakamalapit na puno upang mas makita niya ng maayos ang kaganapan sa unahan. Maayos niya namang naririnig ang sinasabi ng Punong maestro sa harap dahil sa insekto na nasa may di kalayuan sa kanya. Para itong nagsisilbing speakers upang marinig ng lahat ang sinasabi ng Punong Maestro.
Sa kabilang banda naman, may isang grupo ng kalalakihan na nakamasid sa ginagawa ni Serene simula kaninang pagpasok niya hanggang sa sagutan nilang dalawa ni Mathilde maging sa pag-akyat niya sa puno.
"Interesting." Nakangising asik ng lalaking may nakaaakit na mukha at malaadonis na katawan.
BINABASA MO ANG
REINCARNATED AS THE 11TH PRINCESS
FantasiTitle:Reincarnated as the 11th Princess Author: Issasasa Genre: Fantasy Prologue: "What's the meaning of this?" I said as I saw them kissing each other. "Can't you see? We're kissing." My sister said. "But he's my boyfriend! He's mine, ate!" I furi...