Chapter 21
It's been two weeks since that incidents. It became creepier and creepier. Ang dati'y nagpapadala ng mga regalo at bulaklak ngayon ay may kasama nang iba pang mga salita. Just like the events were full detailed kung sino ang kasama ko, anong ginagawa ko/ namin and so one. Don't tell me I have a psycho stalker?! Geez, samga stories and books ko lang to nababasa at di ko maisip na nararanasan ko ito ngayon. Who's this hellish man?
Isa pa, itong si Phyro buntot ng buntot sakin. Idagdag pang napaka-overprotective na si Ravine. Laging nag-aaway ang dalawa dahil sa tuwing lalapit sa akin si Phyro haharangan ni Ravine and vise versa. Naririndi na nga ako sa kanila at minsa'y ang sasarap pagsisipain sa pwet.
"Ano ba?! Dito ka sabi." Sigaw ni Ravine habang hinihila si Phyro na ngayo'y nakaupo sa tabing upuan ko dito sa canteen. Tila naka-glue naman ang puwet nito sa upuan at hindi man lang gumalaw. Nakatitig lang ito sa akin habang nakatukod ang isa niyang kamay. Nasa kanan ko siya at sa kaliwa naman ay si Amnity na kanina pa tahimik at nakatingin lang sa lamesa mukhang malalim ang iniisip.
"Ako ang nauna dito. Maghanap ka ng upuan mo." Sagot ni Phyro.
"Anong karapatan mong tumabi kay Serene. Ako ang may karapatan kasi ako ang kasa-kasama niya. Isa ka lang prinsipe." Patuloy niya paring hinihila si Phyro.
"Wala akong pakealam basta ako ang uupo dito. Maghanap ka ng sayo." Sagot ng huli.
Hindi na ata nakatiis si Amnity sa kaingayan ng dalawa dahil kaagad itong tumayo.
"Dito ka nalang Ravine. Aalis na ako." Kaagad namang umupo doon si Ravine. Nagtitigan silang dalawa na parang papatayin na ang isa't isa dahil sa sama ng pagkakatingin ng mga ito.
"Di ka kakain?" Tanong ko.
"Di na. Babalik na ako sa dormitoryo. Masama ang pakiramdam ko. Hindi na muna ako papasok ngayong hapon." Matamlay niyang ani.
Titingnan ko na sana ang temperatura niya ng tinabig niya ang mga kamay ko. Napa-awang ang bibig ko dahil sa ginawa niya. Umiwas lang ito ng tingin sa akin at tiningnan si Ravine na ganon parin ang ginagawa.
Nang makaalis na si Amnity at siya din namang dating ng mga kaibigan ni Phyro na may dala-dalang pagkain namin. They insisted to do it,oh, I'm wrong, Phyro insisted it. Pinilit niya pa ang mga kaibigan niyang pag-orderin ng mga makakain namin.
Third Person's Point of View
Nang marating sa lamesa ang apat na kalalakihan at ramdam na ramdam nila ang tension na namumuo sa dalawang lalaki na ngayo'y nagpapalitan parin ng mga masasamang tingin na animo'y pinapatay na nila ang isa't isa gamit ang mata lamang.
Bilang likas na maloko itong si Jiyou ay kaagad itong tumawa ng malakas na tila sa kanya ang buong lugar. Alam na alam niya ang ginagawa at dahilan ng tinginan ng dalawang lalaki dahil magaling siya sa mga ganitong bagay. Naagaw niya ang atensiyon ng lahat dahil sa ginawa niya. Mas lalo pa siyang tumawa ng malakas na kitang-kita na talaga ang dalawang malalalim nitong biloy. Umani naman ito ng samo't saring reaksiyon at pagkakilig mula sa mga babaeng nagkakagusto dito.
"Hayst, pag-ibig nga naman HAHAHAHA nakakabaliw." Natatawa niyang ani habang nakatingin sa dalawang lalaki na ngayo'y nakatingin na sa kanya ng masama ngunit mas lalo siyang natawa dahil dito. Hindi man lang siya nakaramdam ng pagkatakot mula sa matutulis na tingin ng dalawa.
Nang sinabi ni Jiyou ang mga katagang iyon ay saka pa naintindihan ng tatlo pang maloko din. Sabihin na nating mga tinatawag nating kulang sa buwan. Nakisabay na ang tatlo sa panunukso at pagtawa para sa kababalaghang nararanasan ng kanilang kaibigang Prinsipe Phyl Rozen.
"HAHAHAHA tama ka nga Jiyou nakababaliw." Gatong ng taga-prank sa kanila walang iba kundi si Harytte na maloko din. Siya ang masasabi nating the badass one.
"Tingnan mo nga naman, akala ko tatanda na siyang walang reyna HAHAHA." Sabat ng isip batang si Riley na may lamang pagkain pa sa bibig. Napangiwi nalang si Serene habang nakatingin dito. Nangungunot din ang noo nito dahil hindi niya maintindihan ng buo ang sinasabi ng kaharap.
"Kung ako sa inyong dalawa, kumilos na kayo huwag iyong nagpapatayan pa kayo diyan." Seryosong ani ni Zayn habang nagbabasa ng libro. Inirapan lang siya ng dalawang lalaki. Nagtagpo ang mga mata nila Ravine at Phyro matapos nilang irapan si Zayn at nagsamaan ulit ng tingin. Natigil lang ito nang tumawa ng malakas si Zayn habang hinahampas-hampas ang libro sa lamesa.
"HAHAHAHAHAHA tangina hoooooo puta HAHAHAHAHAHA ako ay natatawa sa pinanggagawa niyo. Tingnan niyo si Serene walang kaide-ideya. HAHAHAHA kung ganyan kayo walang usad-usad iyan. Putangers nagmumukha kayong bakla HAHAHAHA." Mahabang pahayag ni Zayn na tawang-tawa talaga. Kung ang ibang bookworm ay mahinhin at tahimik pwes ibahin niyo ang ating munting Prinsipe maloko ito at maingay, hindi din ito mahinhin.
Nagsi-ayos naman ng upo ang dalawa na makikita mo talagang brusko ang mga ito at lalaking lalaki. Ang kaibahan nga lamang ay nakatitig itong pareho sa mga taong nasa harapan nila na tumatawa at naghahagikhikan pa rin. Naintindihan na ni Serene ang mga nangyayari at nasiguro niya ng tama nga ang hinala niya. Napailing na lamang ito at tumawa ng mahina. Narinig naman ito ng dalawang katabi niya at sabay pa siyang nilingon habang masama at matutulis parin ang kanilang mga tingin. Napataas na lamang siya ng kamay habang pinipigilan ang gustong kumawala na tawa niya.
Samantala, may isang tao na nagtatago sa dilim at nakisalo sa dagat ng mga estudyante. Nakaigting ang mga panga nito at napakahigpit ng pagkakakuyom ng kaniyang mga kamay. Tila handa na siyang manuntok ano mang oras. Galit na galit siya at nakararamdam ng matinding selos dahil napapalibutan ng maraming lalaki ang babaeng katangi-tanging nakakuha ng kaniyang atensiyon at pagmamahal.
Kanina pa siya nakatingin at nagmamasid lamang. Pinagmamasdan ang kagandahang taglay ng babaeng kaniyang iniibig at ninais na makuha. Dahil ayaw niya pang lumabas at magpakita sa babaeng iyon ay lumabas na lamang siya upang pakalmahin ang nag-iinit niyang katawan at pagnanais na pumaslang.
Pumunta siyang Hardin at doon niya nakita ng isa pang babae na nakatulala lang sa kawalan at nalulumbay. Napangisi siya dahil kilala niya ang babaeng ito.
"Tila ata malungkot ka mahal na Prinsesa." Malumanay niyang saad at umupo sa tabi nito.
"Pwede ba?" Tanong niyang humihingi ng pahintulot kung maaari ba siyang makiupo sa tabi nito.
"Nakaupo ka na eh, anong magagawa ko. Ayos lang." Sagot naman ng huli at ngumiti ngunit hindi umabot sa mga mata nito ang ngiting iyon.
Namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Nakatulala na ulit ang babaeng iyon. Naramdaman niya ito kaya nagtanong na siya.
"Mahal na Prinsesa, tila ata naninibugho ka ngayon. Maaari mong sabihin sa akin ang dahilan niyan." Nakangiti nitong sabi. Kitang-kita ang mga ngipin nitong pantay na pantay at maputi.
"Sige na nga. Naramdaman mo na bang umibig?"
"Oo naman." Nakangiti niyang ani habang iniisip ang babaeng nasa puso niya.
"Naranasan mo na bang masaktan kahit wala namang kayo?"
"Oo." Maikli niyang tugon.
"Nasabi mo na ba sa kanya na mahal mo siya at may pagtingin ka sa kanya?" Mapait na ani ng Prinsesa.
"Hindi din." Saad ng bagong dating.
"Naranasan mo na bang magselos sa tuwing nakikita mo siyang masaya sa iba?"
Naalala ng lalaki ang nasaksihan niya kanina kung paano sumilay ang matatamis na ngiti ng babaeng kanyang iniibig dahil sa ibang lalaki at hindi dahil sa kanya. Nagseselos siya bagama't hindi siya iyon.
"Oo."
"HA-HA-HA nakakatawa.Parehas pala tayo ng nararamdaman, Prinsipe Auden....." Mahina niyang ani.
"Tama ka, Prinsesa Amnity....." Sagot ng lalaki.
Napailing nalang sila parehas at nakatulala nalang sa kawalan.Parehong iniisip ang kanilang mga napupusuan. Samantala, ang iniisip ni Auden ay kung paano mapasakanya ang babaeng iniibig niya simula noong una nilang pagkikita.
"Auden...Auden....tsk...tsk..tsk..Nahihibang ka na."aniya sa kanyang isipan lamang.
BINABASA MO ANG
REINCARNATED AS THE 11TH PRINCESS
FantasíaTitle:Reincarnated as the 11th Princess Author: Issasasa Genre: Fantasy Prologue: "What's the meaning of this?" I said as I saw them kissing each other. "Can't you see? We're kissing." My sister said. "But he's my boyfriend! He's mine, ate!" I furi...