Meriedeth Salazar
"Bakasyon na next week!" natutuwang sabi ni Rovic.
"Uuwi ka sa probinsiya?" I asked him.
"Himala, nagtanong ka," sabay ngiti. "Hmm, uuwi kami. Doon kami magpapasko at magbabagong taon."
"Wag kayo masyadong maexcite may exams pa tayo next week," sabi ni Andrea at nilingon kami sa likuran.
Its been weeks since nangyari ang regionals. We had a small party sa club room, nakipag-video call kami nila Melanie at Wesley. They congratulated us and they wished us goodluck para sa nationals.
Malapit na ang Christmas break. I think ngayon ang uwi nila Mama at Papa o baka next week pa sila uuwi.
"Ang tagal naman ni Eryx," sabi ni Shelanie.
"May emergency ba sakanila?" tanong ko.
"Good morning guys," bati ni Dashiel sa amin. Binati rin siya nila Shelanie at Rovic.
"Hindi pa pumunta si Eryx dito?" tanong niya.
"Nandito na si Eryx?" tanong ni Rovic.
"Nakita ko siyang papunta dito, nagbreakfast ako sa cafeteria."
"See you later, Eryx!" napalingon kami sa nagsalita, si Irish.
( =_=)
Kaya pala, tss. Nag-uusap na naman sila. Ano bang paki ko? May mga pagkakataon na nakikita ko silang nag-uusap sa labas ng room at nakakainis.
Bakit ba ako naiinis kapag magkasama sila?
Bullshit.
"Good morning guys," bati niya sa amin, binati siya nila Shelanie.
Hindi ko siya pinansin at isinaksak sa tenga ko ang earphones. Bahala ka diyan, tss. Nakatingin lang ako sa labas.
"Bakit pala kayo magkasama, Carter?" tanong ni Andrea.
"May pinag-usapan lang kami," rinig kong sagot niya.
"Yieee," pang-aasar ni Rovic. "Usap sila."
"Tungkol lang naman 'yon para sa Christmas program like last year," naramdaman kong umupo na
Dumating ang teacher at nagsimula na ang klase, tinanggal ko yung earphones ko. May pinapakopya siyang lessons sa amin. Kinuha ko notebook ko at ballpen. Nagsimula na akong kumopya.
"Dude, may extra ballpen ka?" tanong ni Eryx kay Rovic.
"Ano ba 'yan, papasok ng walang ballpen," rinig kong sabi ni Rovic.
"Naubos ang ink ng ballpen ko, Dude."
"Wala akong extra ballpen, isa nalang 'to, Dude. Shells, may extra ballpen ka?"
"Wala rin, ubos na ang ink ng ballpens ko," sagot ni Shelanie.
"Salazar, do you have an extra ballpen?" rinig kong tanong ni Eryx.
Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagsulat. Ilang saglit ay naramdaman kong kinalabit niya ako, nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. Nakita ko siyang napalunok.
"Do you have an extra ballpen?"
"I would let you borrow if I have one. Tss."
"Hindi ka kasi nagresponse kaagad," mahina niyang sabi sabay nguso.
Tss. Bahala ka diyan.
"Humiram ka kay Irish, total magkasama naman kayo kanina. Tss."
"Sino si Irish?" tanong ni Shelanie.
BINABASA MO ANG
Dive #Wattys2021
Teen FictionMeriedeth Salazar, a teenage girl who believes that it's better to distance herself from everyone and does not want to get involve with the water ever again since an accident that happened in the past. She swears that she'll never swim again. But...