Mayari ang pagsusulit, agad ng pinuntahan ni Pipe ang mga kaibigan.
"Tara! Si-Log tayo." aya nito sa tatlo, "Sagot ko na." palarong sinambit ni Pipe habang itinatango-tango ang kilay.
"Pass muna bro. May booking ako ngayon with Mr. War. Next time, sagot ko na." tinuro ni Keith si Pipe, kinindatan at sabay padikwat na umalis.
"Oy Kei..." hindi nalang itinuloy ni Pipe ang pagpigil sapagkat malayo na rin ito.
Kapagdaka naman itong lumingon kay Yna ng nakangiti.
"Ikaw Yns?" masiglang tanong ni Pipe dahil alam niyang hindi siya matatanggihan nito.
"Uhmm...Sorry, Pipe. Bukas nalang siguro. Pinapagawa kasi sa akin yung School's News Paper for this week. Bawi ako promise." umakma ng tumayo si Yna at sabay mahinhing ikinaway na kamay.
Tinugunan nalang din ito ni Pipe ng pagkaway.
Sumunod naman itong lumingon kay Micah na iniiwasan ang kaniyang mga mata.
"Aaaa...ah!" masiglang panlalami ng mata ni Micah, "Pinapatawag nga pala ako ni Prof." hinawi ang buhok, "Meh kelengen dew sye seken" ~slurp~
"Huh?!" malakas na tugon ni Pipe.
"Why don't ask Ibe?" rekomenda ni Micah na ikinakurap-kurap ng mga mata ni Pipe.
Napatingala na lamang at napaturo sa sarili si Ibe na nasa likuran lang ni Pipe.
"You "forgave" him na rin naman, di'ba?" patuloy na panunudyo ni Micah.
"Tumigil ka! Huwag kang aalis!" pasenyas na sinambit ni Pipe at magkaayon na pinaglakihan ng mata si Micah ngunit...
"Gotta go bestie! Baka magalit pa si Dadd...este Prof. Bye!" nangi-iinis na pagpapaalam ni Micah na kumaripas sa paglalakad.
Nang makalabas na si Micah, natahimik na ang silid. Wala ng iba pang maririnig kundi ang kanilang nagbibigatang paghinga.
Nagiging awkward na ang atmospiya kaya binasag na ni Ibe ang katahimikan.
"G ako! Silog tay—" naputol na pagsasalita dahil kapagdaka nalang humarap si Pipe at muli itong nginitian gaya nang ipinakita niya noong nasa ospital.
Kayari ng ikinilos ni Pipe ay nagtaka si Ibe dahil lumakad ito palabas ng pintuan nang hindi man lang siya sinasagot.
Ang lahat ng bagay at pangyayari na nagaganap sa buhay ni Ibe ngayon ay ganap na bago at sariwa pa lamang sapagkat lumaki ito sa kakaiba at saradong kapaligiran gayundin ang kaniyang mga kaibigan kaya't noon lang nagsimulang lumawak at lumayo ang kaniyang pag-lipad noong napadpad siya sa kakaibang hardin ni Pipe na kaniyang natuklasang nakawiwili.
Ang mga salitang "sorry" at "first move" na wala sa kaniyang bukabolaryo noon ay nasasambit na niya at sa kaso ngayon, handa at gusto niya pang palawakin ang espasyo ng kaniyang kapaligiran sa pamamagitan ng pagpasok sa kapaligiran ni Pipe.
Kanina
"Tara Silog tayo!"
Nang marinig pa lang ni Ibe ang iwinika ni Pipe, walang anu-ano na nitong dinikwat ang kanyang telepono sa kaniyang bulsa at kapagdakang isinaliksik ang kahulugan ng Silog.
https://en.m.wikipedia.org/wiki/Silog
Silog
(si-log)Silog is a class of Filipino breakfast dishes containing sinangag (fried rice) and itlog (egg; in context, fried egg). They are served with various viands or ulam, usually meat dishes such as tapa, longganisa or ham. The name of the accompanying meat dish determines the portmanteau name of the silog; for example, the former three would be known as tapsilog, longsilog, and hamsilog.
Matapos niyang magbasa ay napatango-tango nalang ito dahil sa nadiskobreng nakawiwiling impormasyon.

BINABASA MO ANG
I Need Your I Love You (BL Story)
RomancePipe Barbadensis, a freshy student of GMU who thought that his life would be better and had a certain, implicit and brighter future ahead if he entered this University. Unluckily, how wrong he was. His life was serenely peaceful not until Ibe Galde...