CHAPTER 33: LOLANG MAHILIG SA CHA-CHA

45 5 4
                                    

Pagtuloy nila sa bahay ng lola Lita ni Archie, napansin nilang buhay na buhay ang buong kabahayan dahil sa tugtog ng ChaCha na naririnig nila mula sa balkonahe nito at nadatnan nila ang naturang matanda na nagsasayaw nga ng paborito nitong tugtugin sa salas nito. Kumatok si Arman ng malakas sa pintuan para matawag ang pansin nang matanda. Laking tuwa nito nang makita ang mag-ama sa pinto.

Lola Lita: "ARMAN?!! Ay!! Jusko!! Napabisita ka?! Ang tagal mong hindi dumalaw!"

Arman: "Eh..pasensya na po kung ngayun lang po ako nakadalaw. Oo nga pala! May ipapakilala po ako sa inyo."

Hinawakan ni Arman ang balikat ni Archie at ihinarap siya sa lola nito

Archie: "Ku..kumusta po. Lola."

Lola Lita: "Eto na ba yung apo ko?! Aba't binatilyo na ah!!"

Arman: "Pasensya na talaga nanay eh. Pinilit ko na maghanap ng bakanteng araw tsaka alam nyo naman po na magmula nung nangayari kay....."

Lola Lita: "Arman, wag. Nauunawaan kita. Hindi mo kailangang sisihin ang sarili mo sa pagkawala ng anak ko. Sadya lang mapaglaro ang tadhana. Ganyan din ang naramdaman ko noong nawala din ang asawa ko mula sa sakit. Alam kong ginawa mo lahat."

Nalulungkot pa rin si Arman sa pagkawala ng asawa nito mula sa sakit, bagamat si lola Lita ang nanay ng asawa nya, tinanggap pa rin sya nito sa kabila ng nangyari. At nauunawan ang lungkot na kanyang nararamdaman.

Arman: "Nagpapasalamat po ako dahil tinanggap pa rin nyo po ako bilang manugang nyo."

Lola Lita: "Hay....grabe ka naman Arman. Apelyido mo na nga ang nakadugtong sa pangalan ng anak at apo ko, itatakwil pa kita? Tsaka gusto ka din ng mga bayaw mo at nung Fred na ewan ko kung may lamang utak ang ulo. Kaya hindi mo kailangan na mahiya sa amin dahil pamilya mo na rin kami."

Archie: (Teka? Ibig sabihin yung Fred na nakasalubong namin kanina ay....tanga talaga?)

Arman: "Opo nanay! Salamat po talaga."

Lola Lita: "Oh siya pala? Anung pangalan mo pala apo ko?"

Archie: "Archie po Lola."

Lola Lita: "Archie? Hahaha!! Nakakatuwa naman. Hula ko Arman, ArCE sana pangalan nya kung hindi mo dinagdagan ng "h" at "i".

Arman: "Oo nga po eh. Arce sana kaso pangit pakinggan.

Lola Lita: "Oh siya! Maalala ko lang, magbabakasyon ba kayo dito?"

Arman: "Opo nanay."

Lola Lita: "Aba!! Kung ganun, pumasok na kayo! Tumuloy na kayo dito sa loob ng makapagpahinga na kayo. Ipapahanda ko na kay Celito ang mga tutulugan nyong kwarto.

Pagpasok nila sa loob ng bahay, muling ipinakilala si Achie sa Tito Celito nya. Si Celito ay ang bunsong anak ng kanyang Lola Lita. At tulad ng ibang mga taga nayon, mangingisda din ang tito Celito nito.

Matapos maihanda ni Celito ang kanilang mga kwarto ay itinuro na nya kung saang kwarto matutulog ang mag-ama. Itunuro nya na matutulog si Arman sa dating kuwarto ng kanyang asawa.

Samantalang si Archie ay matutulog naman sa isang maliit na kuwarto na mistulang dating bodega na malapit sa kusina.

Celito: "Archie, pagpasensyahan mo na etong tutulugan mong kuwarto, ha? Matagal na kasing hindi nagagamit ito kaya mejo amoy alikabok pa. Tsaka hindi ka naman takot sa masikip na kuwarto di ba?

Archie: "Hindi po Tito. Ayus lang po. Tsaka gusto ko po na solo ako sa isang kuwarto. Ayoko ko pong katabing matulog si tatay kasi mahilig syang gumulong kapag natutulog.

Celito: "HAHAHAHA!! Oo tama. Hindi pa rin talaga nagbabago ang tatay mo. Ganyan din sya noong nagkatabi kami sa pagtulog."

Nagkwentuhan pa ng matagal tungkol sa kalokohan ng tatay ni Archie ang mag Tito hanggang sa tinawag na sila ni Lola Lita upang mananghalian.

Nang nasa hapag-kainan na sila. May napansing kakaiba si Arman.

Arman: "Nay! Napansin ko lang po? Bakit parang hindi pa dumadating si Marcel?

Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon