[69]

263 18 0
                                    

[69]

12:26 AM

Analiah:
Hoy! Marunong na akong magturumpo, tinuruan talaga ako nina Kevin noon hahhha

Key:
Talaga?

Key:
Samantalang noon nga hindi mo magawang makapagpaikot, haha

Analiah:
Lumalaban na nga ako sa kanila eh

Analiah:
Pero ikaw talaga yong hustler

Analiah:
Ubod ka kaya ng galing don dati, lumaban ka kila Kuya Bobet pero sa kanila palagi yong malalaki ang nauukit sa kanilang turumpo kasi ang galing mong humagis sa ulo, pero yung sayo ang kinis pa rin.

Analiah:
Lagi kang panalo haha

Key:
Hindi ko na alam kung magaling pa ako roon haha medyo matagal na nong huli ako nagkaroon ng trumpo, nawawala na eh

Analiah:
Yong akin nilagyan ko ng paint haha wala akong magawa. Ang pangit kasi ng hitsura kapag kahoy lang

Key:
Pero sa beyblade, ikaw palagi ang panalo sa atin haha

Analiah:
Well, true yan

Analiah:
Hindi na ako kokontra kasi magaling talaga akong magpatalsik ng beyblade ng iba haha

Key:
May naalala pa pala ako, alam ko na kung saan nagsimula kung bakit magustuhan mo ang pag-babake

Analiah:
Ano yun? Saan?

Key:
Yong clay na tig-lilimang pesos na palagi mong dinudukot sa tindahan ng Lola mo.

Key:
Palagi kang gumagawa ng burger, donut, cookies, at kung anu-ano pa sa clay na yun. Palibhasa, iba iba yung kulay. Tas pinatitigas mo. Diba?

Analiah:
Ay oo!

Analiah:
Tapos ibibigay ko kay Chin-Chin para may pagkain yong mga barbie nila hahaha

Key:
Ang galing mo ngang gumawa eh

Analiah:
Bola

Key:
Ball

Analiah:
Joke yan?

Key:
Oo?

Analiah:
Ah okay

Analiah:
Haha

-----

kababata: thanks for trying to reconnect with me once againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon