[70]

252 19 0
                                    

[70]

12:42 AM

Key:
Wala na ba yung tindahan ng lola mo?

Analiah:
Wala na, siyempre kasi nagawan ko na ng bakery eh

Analiah:
Pero seryoso, namatay na kasi si Lola kaya wala na kaming tindahan

Key:
Seryoso?????

Key:
Sorry

Analiah:
Ayos lang. Five year ago na rin naman siyang wala

Key:
: (

Analiah:
Miss ko na nga yun si Lola eh. Miss ko na yung sigaw niya sa tuwing nagnanakaw ako ng laruan sa tindahan niya haha yung hahabulin niya ako ng walis tambo

Analiah:
Kaso wala, ganoon talaga ang buhay.

Analiah:
Lahat naman tayo doon hahantong, nagkataon lang na matanda na si Lola

Key:
Change topic?

Analiah:
Sige

Analiah:
Nasa akin pa pala yong kisses na pinalaki natin noon haha nasa ilalim ng lababo

Key:
Kisses?

Analiah:
Yong bilog bilog na iba iba yung kulay na pinapalaki. Hindi mo na alam yun?

Key:
Orbeez?

Analiah:
Basta yun na yon! Kisses tawag namin dito eh

Key:
Oh ano na nangyari ngayon?

Key:
Tinabi mo talaga haha

Analiah:
Pero hindi ko na ginagalaw iyun, ang baho na kasi ng amoy tapos lumiit na rin sila

Key:
Lumiliit?

Analiah:
Oo Lumiit na.

Analiah:
Kasalanan ko kasi, nilagyan ko ng sabon nong hinuhugasan ko noon kaya ayun, lumiit. Malay ko ba?

Key:
Bawal kasi yun lagyan ng sabon hahaha

Analiah:
Eh ang baho nga kasi kaya sinabunan ko, baka bumango manlanv

Key:

Naalala ko tuloy nong nagbabasaan tayo tuwing nililinis natin 'yan sa poso ni Aling Teri haha, binabato mo ako sa mukha

Analiah:
Ikaw kaya tong nauuna

Analiah:
Binato mo ako sa mukha tas gumanti lang ako

Key:
Tas nakita tayo ng mga kaibigan natin tas inasar nila tayong ayieeee

Analiah:
Yuck

Key:
Fuvk

Analiah:
Nagmumura ka?

Key:
Oo

Analiah:
Puwedeng tigilan mo?

Key:
Bakit naman?

Analiah:
Basta tigilan mo, ang pangit tingnan sayong nagmumura ka. I mean hindi kita jinajudge pero mas gusto ko yong lalaking hindi nagmumura. Si Arko kasi never ko pang naririnig magmura

Key:
Oh okay

Key:
Masusunod

------

kababata: thanks for trying to reconnect with me once againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon