One week had passed at hindi pa rin ako nakaalis ng Manila. May inasikaso pa kasi akong mga papeles sa kompanya ni Ate Jai. Hindi pa kasi nakakauwi si Gia. Ewan ko kung saan na 'yon napunta.
"So siya talaga ang Daddy ni DK? Sabagay magkamukha naman sila." saad ko. Nasa harap ko si Ate Jairah.
Tumango ito saka tinapunan ang tingin ang fiancee niyang tahimik na nakikinig katabi ang anak. Napalabi ako. Lover in the house!
"I heard you're with Adan last week." sambit ni Ate. I rolled my eyes. Sino na naman kayang nagsabi sa kanya.
"Adan? Althea?" nagtatakang tanong ni Kuya David. Napahilot ako sa sentido. Malamang e kaibigan ni Kuya 'yon.
Nangunot ang noo ni Ate. Sinenyasan pa nito si Kuya. Hindi ko na lang sila pinansin. Sila lang naman ang nagkakaintindihan.
"Nasaan si Adan ngayon, Davey?" Ate Jai asked her fiancee.
"USA." tipid na sagot ng fiancee saka tinapunan ako ng tingin. Inirapan ko si Kuya.
So nakauwi na siya? Salamat naman. Pero aalis pa rin ako. Ayoko na siyang makita dito. Baka umuwi 'yon dito. Nakakahiya ang nangyari sa amin.
"Bakit ka ba kasi aalis? Para kang timang, Althea! Alam ko na ang galawan na 'yan. Mga galawan ko 'yan dati. Magtigil ka. David, pag 'to nagpuntang Cebu. Tawagan mo si Adan." sabi nito. Nanlaki ang mata ko. Noooo! Hindi maaari.
"Ate naman! May trabaho ako don e. Photoshoot." pagmamaktol ko. Totoo rin naman kasi.
"Althea!" mariin na tawag nito sa boses ko. Narinig ko ang halakhak ni Kuya David sa likod. Pinagkakaisahan talaga ako nito. Porket nagkabalikan kayo.
"Pero Ate! Isang taon lang naman. Uuwi rin naman ako kaagad." pamimilit ko.
In the end, napapayag ko siya. Malaki ang ngiti ko habang binabaybay ang dalampasigan ng resort kung saan kami namamalagi sa Cebu. Kakatapos lang ng photoshoot namin kanina.
"I heard about your Ate Jairah's engagement, tuloy pala 'yon?" Sabina asked. She's one my co-models here. Isa siya sa mga close friends ko.
"Yup. Pupunta ka?" tanong ko sa kanya. She's wearing a big summer hat at isang maxi dress.
"Gusto ko pero aalis ako ng bansa next month. Kailangan na ako ng baby boy ko sa Greece." I grinned. Lumilinga-linga pa ito to make sure na walang ibang nakarinig sa sinabi.
She got pregnant early. Itinago kaya walang nakaalam. Kaya pala missing in action siya ng isang taon dahil nabuntis pala. Italian ang lalaki at isang business tycon. Sa Greece sila namamalagi ngayon.
"Ilang taon na pala si Sev?" I asked her. Sev is her son.
"Almost three. Ang likot na nga e. Bisitahin mo naman kami sa Greece. I could tour you there." maligayang sagot nito. I nodded. Baka next month.
Isang buwan lang naman talaga ako rito sa Cebu. Ginawa ko lang na isang taon. Stress na ako sa kompanya. Limang taon akong nagserbisyo don. Kasabay ko lang si Gia. Saan kaya ako next month? Greece or Spain? Natawa ako ng mahina. At least I could breath from the heavy works na.
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay umupo ako sa kama at kinuha ang laptop ko. May mga emails na dumating from Ate Jai at Ate Ayana. Agad ko naman iyong rineplyan. Napakunot ang noo ko ng tumunog ang cellphone ko.
Ate Jairah:
Akala ko break na si Adan at yong girlfriend niya sa America pero I got a news today from Karyll. Si Adan at yong girlfriend niya pa raw. Gago Althea! May jowa yong pinagbigyan mo ng perlas mo!Napatutop ako sa bibig?! Wtf! I massaged my temple. Jusko! Ayoko na talagang magpakita sa kanya. Ang harot ko talaga. E may jowa na pala 'yon. Tangina mo, Adan!
Pinili ko na lang na huwag magreply. Ang engot ko. Hindi man lang ako nag background check. Diretso bigay. Napalabi ako. Iyan tuloy, Eya! Maharot ka kasi.
Napahawak ako sa dibdib ko ng kumirot iyon. No! Kahit alam ko ang nararamdaman ay pinili kong wag pangalanan. I'm sure makakalimutan ko rin ang mukha ng hudas na 'yon. Ginawa pa akong kabit! Sa ganda kong 'to.
"Last shoot mo na ngayon, Althea. Yong offer ko sa'yo ah? Grab the opportunity na, sis. International na 'yon." pangungumbinse ng baklang nag-aayos sa akin. May contact siya sa isang International Modelling Agency at kinukumbinse niya ako na sumali don.
"Ayoko. Masaya na ako dito, beks." sagot ko. Napahilot pa ako sa sentido ng makaramdam ng hilo. Sandaling nahinto ang bakla sa ginagawa.
"May sakit ka ba, Althea? You look pale." aniya. Agad akong umiling. Baka pagod lang ako.
Pagkatapos ng shoot ay nagpasya akong mag stay na lang sa cabin. Nahihilo pa rin ako pero nilalabanan ko iyon. May party kasi na gagawin ngayon para sa successful photoshoot na nangyari. Mukhang hindi ako makakapunta dahil nahihilo ako.
I texted Ate Ayana. Nahirapan pa ako dahil medyo malabo ang paningin ko. Baka sa mata ko rin 'to. Ilang minuto lang ay tumunog ang cellphone ko.
"Althea?! Magpacheck up ka kaya? Iba ang kutob ko diyan." natataranta nitong sabi.
"Baka pagod lang ako, Ate. Tsaka I forgot to use a contact lens kanina baka sa mata ko rin 'to." sagot ko. Never in my mind ang mag-isip na buntis ako. Hello? Sabi nila pag unang beses pa lang ay walang kasiguraduhan na mabuntis.
"Siguraduhin mo lang, Eya. Kailan ka ba uuwi? Rinig ko'y isang buwan lang kayo diyan. Isang taon ang hiningi mong bakasyon kay Jairah!" pangangaral nito. Mahina akong natawa. Baka si Kee na naman ang nagsabi non.
"Hayaan niyo na nga ako. Time ko'to para magtravel. Ang epal niyo." natatawang sambit ko. Buntong-hininga lang ang sinagot niya. After we bid goodbyes ay pinatay niya na ang tawag.
I texted Sabina na hindi ako makakadalo sa party dahil inaantok na ako. Siya na daw bahala magpaalam sa akin. Saan kaya ako magtatravel next? Gusto ko sa ibang bansa. Sa Melbourne na lang siguro. Namiss ko si Swayne. Doon na lang.