CHAPTER 14

238 10 3
                                    

"MGA ASWANG!!!"

Biglang binigkas ni John ang mahiwagang salita.

Napahinto si Rogelio sa sinabi ni John

"MANINIWALA KA BA KUNG SINABI KO NA MGA ASWANG ANG PUMATAY SA AKING TATAY".

Di na napigilan sabihin ni John ang kanyang matagal nang lihim.

"Lasing ka lang nun oras na yon kaya kung ano ano na lang ang nakikita mo!" namalayan ni Rogelio na wari'y kinain niya ang kanyang sinabi kanila lang.

"Tama na yan Rogelio." sabi ni Aling Rizalinda.

Tumahimik na ang dalawang kaibigan sa kanilang iringan bilang pag bigay galang sa may-ari ng bahay.

"Benok tawagin mo si Ding" initusan ni Aling Rizalinda ang isa sa mga binatang kasama sa bahay.

Mayamaya konti ay lumabas na si Ding galing sa isa sa mga kwarto.

Isang sampung taong gulang na batang lalaki na namumula ang mga mata sa kaiiyak ang humarap sa kanila.

"Ano po yon Lola?" sabay yumakap ito sa kanya lola Rizalinda na nakaupo sa sofa.

"Siya si Rogelio at Father John." di man lang tinignan ng bata ang dalawang bisita at nakayakap pa din sa kanya.

"Ding ako si Father John may itatanong lang ako sayo sandali lang ito." nahirapan makipagusap si Father sa bata dahil wala itong imik.

"Ding may itatanong lang sayo si Father." pilit na kinakausap ng lola ang kanyang apo.

Pero di pa din humaharap si Ding sa dalawa bisita.

Paano mo nga naman ipasasalaysay kung pano pinatay ang kanyang pamilya sa isang 10 year old na bata.

Si Rogelio naman ang sumubok.

"Kagigising mo lang Ding?" sabay tumango ang bata.

Maganda ang umpisa ni Rogelio napaka simpleng tanong.

Lumuhod sa harapan ng maglola ang pulis para mag harap ang kanyang mukha sa bata.

"Meron lang ako tatlong tanong sayo Ding tapos pwede ka na bumalik sa kwarto." gumamit si Rogelio ng malambing na boses.

Tumango ulit ang bata habang nakakandong sa kanyang Lolo Rizalinda.

"Gusto mo ba mahuli ang umaway sa tatay at nanay mo pwede kong ipakulong yon at di na sila makakalabas." habang hinihimas ni Rogelio ang likod ni Ding.

Tumango ulit ang bata.

Sadyang namangha si Father John at pati na din ai Aling Rizalinda at Mang Jun sa ginawa ni Rogelio.

"Ding namumukaan mo ba sila, kaya mo ba sila ituro mo sila ituro sakin kung makikita mo!? maingat sa mga salitang gagamitin si Rogelio kasi mahirap ang tanong nila.

Pinipilit ni Ding na wag umiyak, natagalan sila bago siya tumango ulit.

Tinuring ito isang tagumpay ng mga nasa bahay ni Aling Rizalinda dahil nagkaroon na ng pag asa makamit ang hustisya sa pagkakamatay nila Mang Wilfredo at sa asawa nitong si Lucing.

Kung tutuusin pwede na itigil ni Rogelio ang pag tatanong pero sinabi nito na meron siyang tatlong katanungan kay Ding.

"Mabuti Ding ito na ang huli kong itatanong sayo at pwede ka na bumalik sa kwarto at maglaro." patuloy pa din ang pag haplos ni Rogelio sa likod ng bata para kumalma ito at masagot ang kanyang huling tanong.

Sa pagkakataon na napatingin si Rogelio kay John bago magtanong kay Ding.

"Ano ang hawak ng umaway sa iyong tatay?"

Napakagandang tanong ito.

Hindi maaapektuhan emosyonal ang sampung taon gulang na naging tanging nakaligtas sa isang massacre dahil iisipin lang ng bata ay kung ano ang bagay na nasa kamay ng mga suspect.

Mabilis ang naging sagot ni Ding binuksan lang nito ang dalawang palad at winagayway na ibig sabihin ay WALA.

Biglang kumunot ang noo ni Rogelio tila nagtaka ang pulis kung ano ang ginamit ng mga suspect sa pagpatay sa magulang ni Ding.

Di mapigilan na tumingin ito kay Father John dahil andito lang siya ngayon upang tulungan ang matalik na kaibigan.

Napansin ni Rogelio na nakatitig si John kay Ding na may takot sa mukha nito.

Nang ibaling ulit ang atensyon sa katabing bata ay nakita niya na gamit ang dalawang niyang maliit na hintuturo ay nakaturo ito sa pangil ng kanyang ipin.

Biglang bumitiw sa pagkakahawak si Rogelio kay Ding at biglang lumayo sa bata.

Kahit sampung taon gulang pa lang si Ding alam niya kung bakit tinanong ni Rogelio kung ano ang hawak ng mga pumatay sa kanyang magulang at kapatid.

Gusto malaman ni Rogelio kung gumamit ng itak ito dahil dun mo malalaman na tao ang may gawa.

Napagtanto ni Ding na sabihin ang nasaksihan na mga halimaw ang may gawa nito.

Gusto ng bata sa murang edad na magroon ng hustisya ang nangyari sa kanyang pamilya.

Samantala dali daling lumabas si Rogelio ng bahay.

Lumapit naman si Father John kay Ding.

Niyakap ang pari ang bata.

"Maraming Salamat Ding." pagkatapos ay tumingin sa binatang lalaki na si Benok.

"Pwede mo na siya bumalik sa kwarto at para magkapaghinga".

Pagpasok ni Ding sa kwarto ay nabaling naman ang atensyon ni Father John sa dalawang matanda.

Gulat na gulat sila Mang Jun at Aling Rizalinda sa mga pangyayari

"Yun din ang sinabi sakin ni Ding" may bakas ng kalungkutan at pagaalala si Aling Rizalinda.

"Kala ko nasiraan na ng ulo ang aking apo."
di malaman ni Rizalinda ang nararamdaan kung malulungkot siya dahil aswang ang pumatay sa kanyang anak o nakahinga siya ng maluwag dahil totoo pala ang sinabi ng kanyang apo na si Ding at nasa wastong kaisipan pa ito.

"Mga Aswang" banggit ni Mang Jun.

Tumayo sa kinauupuan ang matandang lalaki at lumapit kay Father John.

"Sigurado ka ba sa nakita mo ay mga aswang" bakas sa mukha ng matanda na gusto ito tumulong sa kanila.

"Oo Mang Jun matagal kung pinag isipan ito at ngayon sigurado na ako na may lupon ng aswang dito sa San Allegre." matibay na sinabi ito ni John is kay Mang Jun.

Minabuting puntahan ni Father John ang kanyang kaibigan sa labas ng bahay.

Inabutan niya si Rogelio na nagsisindi ng sigarilyo.

Tinabihan ng binatang pari ang kaibigang pulis na malayo ang tingin sa kalayuan.

"Biglang nabago ang aking mundo."

Pagkatapos sabihin ang katagang ito ay sabay naman ang malalim na pag hithit na sa kanyang hawak na yosi na halos mangalahati agad.

"Di ko alam na naging malapit ka napala sa aking itay, pasenya na kung di ko sinabi agad sa inyo ni Erika ang lahat." Nakatingin pa din sa malayo ang kaibigan at di tumitingin kay John habang nag sasasalita.

"Nababasa ko lang ang mga aswang at napapanood sa mga pelikula." sabay hit-hit ulit sa kanyang sigarilyo.

"Matagal na sila dito sa mundo, simula pa nang sinaunang panahon." Di alam ni Father John kung may saysay ang mga sinasabi niya sa kaibigang pulis. tila tulala ito at malalim ang iniisip.

Nang biglang binitawan niya sa lapag ang hawak na yosi at tinapakan. At biglang lumingon ito sa kaibigan na si Father John.

"PAANO NATIN PAPATAYIN SI JAMIE RACMAN."

Ang Lihim Ng Baryo San Allegre (ON-GOING Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon