Chapter 19

133 10 1
                                    

PETER POV
[May parte sa kabanatang ito na isang mainit na usapin sa mga nagdaang buwan at taon, at para sa aking perspiktibo lamang ang mga mababasa niyo at iba iba tayo ng pagkaunawa ukol sa bagay na iyon. Kaya anu man ang inyong komento ay tatanggapin ko at rerespitohin dahil iyon ang paniniwala niyo " Walang religion or any Thing na makakasakit sa kahit na sino man in this chapter instead I used Beliefs to make it balance.]

Sa bawat relasyong nabubuo hindi maiwasan ng isang taong nagmamahal ang magduda lalo na't kung nakakaramdam siya ng hindi magandang kutob.

Kasalukoyan akong nasa balkonahe ng ikadalawang palapag nitong bahay at dalawang araw na ang nakalipas buhat nong may nakita akong marka sa damit niya.

Troy didn't speak about it at parang natural lang sa kanya ang mga pangyayari para bang wala siyang ginagawang ikakasakit ko kung mayroon man.

Nasa point na ako ng buhay ko na pagdina ako nakapagtimpi ay praprankahi kona siya subalit alam ko naman sa sarili ko na hindi pedi dahil wala akong hinahawakang papel na nagpapatunay na dapat ngaba ako mag astan ganon.

We love each other pero hindi iyon sapat hanggat wala akong hawak na papel na nagsasabing akin siya at ako ay sa kanya. Na malabong mangyari dahil nasa pilipinas kami which is same sex marrage is not sin but the law and other beliefs said so marami ang may ayaw at marami ang totol dahil sa katotohanang kahit sabihing tanggap kana ng lipunan bilang myembro ng komunidad hindi parin maaalis sa isipan ng mga tao na kailan man ang bakla o sino mang myembro ng lgbtq ay hindi pinapayagan ng batas upang magisang-dibdib, . ( Note: this is only an opinion, we live having different point of view regarding about the issue of same sex marrage at nasa sa inyo nalang iyon kung anu ang paniniwala niyo.)

Marahan akong yumoko at sinandal ang ulo sa gilid ng pader habang nakatayo sa madilim na parte nang balakonahe.

Nasa ganon akong pwesto ng may naramdaman akong tao na padarating. Lalabas na sana ako ng mapansing si Troy iyon pero napatigil ako bigla ng mapansing may kausap siya sa kanyang cellphone. Kaya mas minabuti kong magtago nalang sa gilid ng malaking kurtina.

"Sorry to what happened days ago, diko naman sinadya na maitulak ka. Pero I enjoy of what we did" turan ni troy at sa pagkakataong ito ay napahinga ako ng mabigat at napahigpit ang hawak sa kurtina naramdaman ko din ang pagbilis ng tibok nang puso ko. At pagbigat ng mata ko na nagbabadyang pagbuhos ng aking mga luha. " Come one marami pa ang mga araw na susunod maybe fucking is not the issue, I know u Like me and the hell I can bring you to heaven if it is what you want para lang mapatawad mo ako" Napahawak ako sa aking bibig dahil napasinghap ako sa mga narinig sa pagkakataong iyon ay naramdaman ko na ang pagbuhos ng mga luha ko. at impit na hikbi. Napaupo ako sa gilid ng kurtina habang hindi mapigilang umiyak. Sakit subrang sakit yon yong nararamdaman ko ngayon. "Love u too, see you maybe one of this day medyo busy pa ako sa work ko... Yeah dont worry I will make you happy" turan pa nito ulit na siyang pinanghinaan ko sa gilid at napatulala sa kanyang sinusundang umalis sa balkonahe. Habang parang agos ng tubig na tumotolo ang mga luha ko ay ramdam ko ang pagbigat ng katawan ko at panginginig ng katawan ko.

Napakapit ako sa kurtinang nasa harap ko na siyang nagsilbing taguan ko kanina habang pinagmamasdan si Troy na may kausap na babae.

Sinubokan kong tumayo pero hindi ako makagalaw sa kinauupoan ko.

Nanginginig ang tuhod ko at ang nanghihina ang katawan ko. Napasandal ako sa pader at napayuko nalamang na humagolhol ng iyak.

"Bakit, bakit? sana hindi nalang kita naalala" mahina kung turan sa aking sarili habang nakahalokipkip na umiiyak sa gilid.

Nasa ganon akong posisyon ng ilang minuto bago napagisipan kong tumayo ng makabawi na ng lakas.

Marahan mona akong tumayo sa gilid at humawak sa balkonahe at napatingin sa labas. Bago tuloyang umalis ay isang butil mona ng luha ang lumandas sa aking mata.

Hindi ako pumasok sa kwarto namin ni Troy bagkus ay dumiritso ako sa kwarto ng mga bata.

Dahan dahan kung pinihit ang pintuan at pumasok sa loob. Umopo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan ang dalawa na mahimbing natutulog.

"Masaya naman akong nakilala niyo ang papa niyo pero sana hindi siya nagsisinungaling sa atin. Dahil kapag mangyari mang malaman ko na may tinatago siya diko alam ang gagawin diko alam ang gagawin " ani ko sa sarili habang nakayukong nakatingin sa dalawa. Nalungkot ako at hindi maiwasang mapaluha dahil naisip ko bigla ang mga narinig ko kanina. Hinaplos ko ng marahan ang pisngi ni Au bago halikan sa noo silang Dalawa ni Ae.

Inayos ko naman ang kumot nila bago tumabi kay Ae at yakapin siya.

"Sana hindi ko nalang siya naalala" turan ko sa aking sarili bago dalawin ng antok at paglandas muli ng isang butil ng luha nang ako ay makapikit na.


Third POV

Nagtaka naman si Troy ng mapansing wala parin si Peter kaya napatingin siya sa orasan at alas Dyes na ng gabi pero wala parin ito sa kanilang Kwarto.

Napabuga siya ng malalim na hininga bago napagisipang lumabas ng kwarto at hanapin kung nasaan si Peter.

Pumonta siya balkonahe at napansin sa gilid ng balkonahe na medyo lukot ang kurtina at kitang kita niya iyon dahil sa pinailawan niya.

Nakaramdam ng kaba si Troy at dali daling pumasok sa kabahayaan at tinungo ang kwarto ng mga bata. Dahan dahan naman niyang binuksan iyon at sinilip kung nandoon ba talaga si Peter at nakita niya itong nakaupo sa kama habang pinagmamasdan ang mga bata. Papasok na sana siya ng marinig itong magsalita.

Masaya naman akong nakilala niyo ang papa niyo pero sana hindi siya nagsisinungaling sa atin. Dahil kapag mangyari mang malaman ko na may tinatago siya diko alam ang gagawin diko alam ang gagawin " Turan nito na siyang nagpigil kay Troy na pumasok sa loob ng kwarto bagkus ay muli siyang lumabas at pinihit pasara ang pintuan. Sumandal naman siya sa pader at napaupong nakayuko.

Nakaramdam siya ng konsensiya dahil sa kanyang ginagawa pero kailangan niyang gawin iyon lalo nat sigurado siyang hindi titigil si Riza lalo pa kung malaman nito na buhay pa Peter.

Napabuga siya ng malalim na hininga bago tuloyang tumayo sa kinauupoan at baumalik sa kanilang kwarto.

Kinabukasan ay normal naman ang pakikitungo ni Peter kay Troy sa harap ng kanilang mga anak at kapag wala naman ay umiiwas siya kay Troy, napansin naman iyon ni Troy ang panglalamig ni Peter sa kanya kapag wala sa harap ng mga bata at ang pagngiting pilit sa kanya kapag kinakausap niya ito.
Ganon ang routine nila kahit sa mga sumonod pang araw. At pabigat ng pabigat at tensiyong meron sila sa bawat sandaling lumilipas.

Hanggang sa bigla nalang sila nagkagulo ng biglang sumigaw sa yaya Merry na nawawala ang kambal.............................................

Mr_Nobody
Y.Y

Spoiler Alert!!!

Simula na ang taguan dahil sa mga susunod na kabanata ay hanapan na ng mga nawawala.

May magpapa-alam? at alamin kung sino iyon?

Handa na ba kayo malaman kung anu nga ba ang RED AND WINE???...

Soon...





Red and Wine V3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon