CHAPTER 34: MAGULONG PAMILYA

39 5 7
                                    

Nang napansin si Arman na wala pa si Marcel, sinagot siya ni Lola Lita.

Lola Lita: "Ay! Sigurado ako na nasa bundok pa yun at nangangahoy ng gagamiting panggatong yun. Tsaka nag-uuling na si Marcel mula nung tinuruan mo kung panu mag-uling ng kahoy."

Arman: "Nag-uuling na po sya ng kahoy para ibenta? Hindi ko akalain na maiisip nya palang ibenta yun mga uling. Akala ko ipanggagatong nya yun para dito sa bahay."

Lola Lita: "Malaki ang pinagbago nya noong tinuruan mo siya mag-uling. At napakinabangan naman nya yung turo mo. Kaysa naman sa lagi siyang nagnanakaw ng labong ng kung sino sa bundok noon."

Arman: "Kung sabagay, tama po kayo Nay."

Celito: "Nay. Wag kayong pakasiguro jan sa sinabi nyo. Kilala ko si kuya. Hindi pa rin natatanggal ang kalokohan nun."

Arman: "Anu ibig mong sabihin Celito?"

Celito: "Kuya Arman, makikita mo mamaya pagdating ni Kuya Marcel."

Gustong malaman ni Archie kung sino ang tinutukoy nilang Marcel kaya tinanong nya ang tatay nya.

Archie: "Tay! Sino po si Tito Marcel?"

Arman: "Si Tito Marcel mo? Siya yung panganay na kapatid ni Tito Celito at ng Nanay mo. Sa ngayon, nasa bundok pa raw siya at nangangahoy sabi ni Tito Celito mo."

Habang ipinapaliwanag ni Arman kay Archie ang pagkatao ng Tito Marcel sa kanya, may dumating na dalawang bata na halos kasing edad ni Archie. Tinawag ni Lola Lita ang mga batang ito sa ngalang Shiela at Buboy. Agad naman silang ipinakilala kay Archie ng kanilang Lola na sila ay magpinsan. Kasabay din ng pagdating ng dalawang bata ay ang tatay nilang si Marcel.

Marcel: "Nay!! Nandito na po a— Teka! Arman?!! Ikaw ba yan?!! Oy! Ikaw nga!!"

Arman: "Hahaha!! Ako nga ito Marcel! Kamusta ka na?! Balita ko napakinabangan mo raw yung itinuro ko sa'yo noon sa pag-uuling?

Marcel: "Oo, bayaw! Sobrang nagpapasalamat ako sa'yo at ngayun nakapagpatayo na ako ng bahay jan sa tabi ni nanay."

Lola Lita: "Sus! Ginoo! Marcel, kung hindi ka nya tinuruan, wala ka sanang itinitinda jan sa palengke hanggang ngayun.

Marcel: "Oo na, Nay! Tsaka may dala ako sa sako."

Ipinakita ni Marcel ang laman ng kanyang sako.

Arman: "Labong ba yan? Saan nyo kinuha yan?"

Marcel: " Dun sa bundok, Bayaw! Kinuha namin pagbaba namin."

Pagkasabi ni Tito Marcel kung saan kinuha ang mga labong, agad na kinuha ang plato ni Celito at pumuntang likod bahay habang tumatawa papalayo. Si Lola Lita naman, hindi na maipinta ang simangot ng kanyang mukha. Nagtaka si Archie sa reaksyon ng kanyang Tiyo Celito, kaya nagtanong siya na sinagot naman ni Shiela na kanyang pinsan.

Archie: "Bakit umalis si Tito Celito sa mesa?

Shiela: "Kasi masasaksihan mo na kung pano magalit si lola ka tatay. Alam din kasi ni Tiyo Celito na ninakaw na naman ni tatay ang labong. Ako pala si Shiela at eto naman si Buboy, kapatid ko. Pinsan ka daw namin sabi ni lola?"

Archie: "Oo. Ako si Archie, anak ako ni Tita Cecil nyo. Yung kapatid ni tatay nyo na babae."

Buboy: "Ah! Oo. Naalala na namin na kinekuwento ni tatay sa amin na pumunta sya sa siyudad. Kaso malungkot sya kapag naalala niya na namatay sa sakit at hindi nya madalaw noon sa lamay nya."

Walang masabi si Archie sa sinabi ni Buboy sa kanya dahil nalaman nya kung gaano kahalaga sa Tito Marcel nya na mabisita ang kanyang kapatid na nakalibing na ngayun sa sementeryo ng Selma city.

Maya't maya, nagsimula na ang sinasabi ni Shiela na masasaksihan ni Archie na galit ng kanyang lola sa tito Marcel nito.

Lola Lita: "IKAW TALAGA HA!!! MARCEL!! NINAKAW MO NA NAMAN BA YAN SA LUPA NI GARDO HA?!!!! ALAM MO BA KUNG ILANG BESES NA PUMUNTA ANG BARANGAY DITO HA?!!! HINDI LANG SI GARDO ANG DUMATING DITO PATI NA YUNG MGA NINAKAWAN MO SA BUNDOK!!! REKLAMO PA NILA, HINDI LANG LABONG YAN NINANAKAW MO!!! PATI TANIM NA KALABASA NI EMONG!!!! PINAKYAW MO DAW LAHAT NG KALABASA NYA!! PATI TANIM NA PAPAYA NI ELISEO!!! BINUNOT MO PA PATI PUNO?!!! WALA KA NA BA TALAGANG MAGAWANG MATINO HA?!!! KULANG PA BA ANG KINIKITA MO SA PALENGKE KAYA PATI NAKAW NA GULAY AT PRUTAS IBINEBENTA MO NA RIN!! HINDI LANG YAN ANG REKLAMO SA AKIN NUNG MGA TAO!! PATI MGA SAGING NA TANIM NI......ETC.....ETC....ETC..."

Shiela: "Kung ako sa'yo Archie, pumunta na tayo sa likod, dun na tayo kumain. Mahaba pa yan sermon ni lola kay tatay."

Archie: "O...Oo. Sige."

Di inakala ni Archie na masasaksihan nya ang ugali ng kanyang kamag-anak sa kanyang ina na napakagulo at maingay sa kanilang pamamahay. Napansin nya rin na tila sanay na ang kanyang tatay sa pamilyang ito, dahil sa kumakain ito habang nagsesermon ang kanyang lola sa tito Marcel nito. Kaya naman napangisi na lang siya habang pumupunta sa likod-bahay.


Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon