Kabanata 8

39 7 2
                                    

Georgel's POV

"Sasama rin kami sa inyo"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses.

Napaawang na lang bibig ko nang malaman ko na kompleto sila.

"Wala ba kayong gagawin?" tanong ko sa kanila dahil sa totoo lang hindi ko talaga sila gusto makasama.

Kailangan ko makahanap ng paraan para mapigilan sila dahil iinit ang tension kung may makakita sa amin.

"Bakit ba kailangan mo pang malaman? Eh ano naman sa iyo? Gagawin mo ba lahat ng mga gawain namin pag nalaman mo? Hindi naman 'di ba! Pasalamat ka at sinasamahan ka pa!" sigaw sa akin ng isang asungot.

Tinaasan ko siya ng kilay at binato ng masamang tingin. Ang OA ng lalaking 'to.

"Eh bakit naman ako magpapasalamat? Eh ang pinakapunto ng tanong ko bakit kayong pito lahat ang sasama? Wala ba kayong kanya-kanyang gawain? At kung wala, meron naman kayong pwedeng pagkaabalahan na ibang gawain o kasiyahan pa man" sunod-sunod na tanong ko sa kanila.

"Bakit rin ba ang dami mong tanong?" tanong sa akin ni Eugene

"Eh bakit siya? Marami rin naman sa kanya ah" sabi ko habang nakaturo kay Ben Asungot

"At least may sense kausap!"

"Yabang mo ah. Siga ka?!"

"Pumapatol sa babae, Bak-

Tinakpan agad ni Ben yung bibig ko. Bakit takot ba siyang masabihan?

"Subukan mong sabihin yan, may kalalagyan ka talaga!" sabi niya

Bakas sa mukha niya ang inis. Tono pa lang ay apektado na. Agad kong inalis ang kamay niya sa bibig ko.

"Dare. Me."

Kukutusan niya sana ako pero agad na inawat kami. Nilayo ako ni Dylan kay Ben.

"Kayong dalawa!" sigaw ni Eugene na ikinagulat namin.

Napalunok ako ng tumaas ang boses ni Eugene. Ako na ang nagkusang lumayo. Tumaas ang balahibo ko.

Ayan na naman yung mga tingin niya. Napalunok ako muli at kusang tumabi.

"Sinasayang niyo lang ang mga oras niyo, pwede ba! Georgel, we have something to discuss with you. Hindi kami sumama lang para makipag-usap tungkol sa mga walang kwentang bagay."

Lumapit siya sa akin na naging dahilan para kabahan ako. Napakaintense ng tingin niya.

"Wag kayong umarteng parang mga bata, nasa highschool na tayo" sabi niya

Nawalan ako ng salitang sasabihin. Maging ang mga kasama niya napapasunod niya.

"Pupunta ka 'di ba ng library?" tanong ni Eugene

My Life Of DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon