Wala na...
Pangako, sa aking alaala patuloy itong mananatili
Ang mga kamay mong humahaplos sa aking mukha, sa aking buhok
Na siyang nagsasabi sa akin na "wag akong mangamba"
Ang mga kamay mong humahawak sa aking bewang
Na siyang nagsasabing "ako'y sayo"
Ang mga yakap mong galing sa aking likod
Na siyang nagsasabing "patawad sa aking iniisip"
Ang mga labi mong dumadampi sa aking noo
Na siyang nagsasabi sa aking "ako'y mapalad sa iyo"
Ang mga titig mong tagos sa aking kaluluwa
Na siyang nagsasabing "ako lang at wala ng iba"Ngunit sa pagdaan ng mga araw
Unti-unti na itong nawawala
Wala na yung mga bagay na nakasanayan
Mga nakasanayan ang hirap alisin
Alisin sa aking sistema
Mga nakasanayang ikaw ang may likha
Naging paborito sa bawat ng araw na nagdaanLumipas man ang mga araw na ito'y hindi mo na maaalala
Pangako, sa aking alaala patuloy itong mananatili
Aalalahanin kung paano mo ako minahal, kung paano mo ako ipininaglaban aking mahal
