Episode 30

116 10 6
                                    

Dedicated to: XyrilleSyaneCario

Episode Title:

"The Last Petal of Blue Rose"

Mitch's POV

"Sigurado ka ba dito, Mitch?" Tinatagan ko ang pagkakalatag ng hagdan at pinagpag ang magkabila kong palad. Inangat ko ang tingin sa kanya.

"Just scare the hell out of her."

Pinindot ni Nick ang voice changer app. Tinulungan ko siyang makaakyat, buhat-buhat ang white lady niyang costume. Mabuti na lamang at nakapagdala ako ng make up kit. Madali kong naisayos ang pagpaprank kay Jillian.

Operation: Go Back To Hell, Jillian

"Did you memorize your line?" Nakitaan ko ang pag-thumbs up niya. Hindi ko mapigilang mapangisi. This is your last day in the Philippines, Jillian Dane. Babalik ka na sa impyerno mo.

Maingat na sumampa si Nick sa bawat parte ng hagdan.

Go, Nick!

Napansin ko ang daglian niyang pag sign of the cross. What the hell? He's a ghost. He shouldn't be praying.

Napailing ako sa inasta niya.

Suddenly, a bolt of monstrous wind came accross the villa. I, as a night watcher, hold the ladder tight. Napakapit si Nick sa hagdan. Halos matangay ang costume niya, ngunit nagsitayuan ang balahibo ko nang bumagay ito sa kaliwanagan ng buwan ngayong gabi. He's damn scary, isama mo na rin ang ghost-look at height niyang pangkapre.

Sinuklay ni Nick ang pekeng wig matapos itong lumipad-lipad. Muling sumayaw ang mga puno. The cold breeze smelled nothing but plain odor. Pumanhik si Nick sa huling kahoy, taimtim sinilip ang kwarto ko.

Nag-abang ako sa susunod na mangyayari. Hindi ko gaano makita ang reaksyon ni Nick dahil masyadong madilim, pero rinig ko ang sound effects ng voice changer niya. He knows how to prank people. Kaya alam kong magtatagumpay siya.

Umatras ako ng bahagya upang maaninag ko si Jillian. Naka-open ang flashlight ng kanyang phone, kita ang pagkagimbal sa kanyang mukha sa kanina pa pagkatok sa bintana. Hindi ko mapigilang mapangiti. She looks so terrified right now, biting her nails.

That's it, Jillian. Taste your fears. This is your karma, coming from me.

Ilang saglit pa'y naglaho ang ngiti ko nang marinig ang sabay nilang palahaw. Nakatapat sa pareho nilang mukha ang ilaw ng mga flashlight. And their screams are like whistles! Hindi ko alam na ganito sumigaw si Nick. Tinalo pa si Morissette.

Halos magsapakan sila nang makita ang isa't-isa. Jillian's wearing a clay mask. Nakalugay ang kanyang buhok at tulad ni Nick, nakaputi din siyang bistida. They're mirroring each other... It created chaos, which made Nick to immediately climb down and run like someone will gonna eat him. Lumitaw ang takot na takot na white lady habang pabalik sa kanilang bahay.

Nasapo ko ang noo. Sinulyapan ko si Jillian. Padabog niyang isinara ang bintana. Lalong sumakit ang ulo ko sa nangyari.

That wasn't supposed to happen!

Nick was seemed to be very scared of Jillian. Isinabit niya ang puting tuwalya sa upuan matapos maghilamos, though when I glanced at him, may natira pa ring bahid ng eyeliner.

"Mitch, nakakatakot 'yong pinsan mo!" Napatakip siya sa mukha. He loves horror movies. Anong kinakatakot niya?

"Ikaw lang ang white lady'ng nakita kong kumaripas ng takbo."

He Loves Me, She Loves Me NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon