"Bye, Aira! See you tommorow ahh! Uy, wag kang mang indian!"
"Sure! Basta KKB?" Sigaw ni Aira pabalik sa kanyang kaibigan.
"Kuripot!" Tumawa lang siya at kumaway sa kaibigan niya habang hawak-hawak niya ang lollipop na binigay sa kanya ng suitor niya. Ngumisi siya.
5:30 pm na pala, madaming tambay na naman dyan sa loob. Kailangan makarating ako sa bahay bago mag 6 pm. Ginulo niya ang buhok niya.
Medyo naiinis siya pag madaming nakatambay sa eskenitang papasok sa inuupahan niya dahil madalas nangbabastos lang ang mga ito.
"Hi, Aira." Sipol ng isang tambay na may bigote pero bungal.
"Sexy mo naman. Paisa!" Sabi pa ng isa sabay tawa.
"Nako, Aira. Wag ka sakanila mababaho bunganga niyan. Dito ka sakin. Lollipop ko nalang sipsipin mo!" Nagsitawanan sila nang Si Carlos na ang nagsalita. May ichura sana to kaso tambay. Batugan. At higit sa lahat suki ng mga bading dyan sa tabi tabi.
Umiling nalang si Aira at nagmadali pauwi.
Dali-dali siyang pumasok sa bahay na inuupahan niya at nagsara nang pinto. Madami siyang lock na inilagay. Mahirap na. Baka pasukin siya ng magnanakaw at higit sa lahat rap*st. Talamak pa naman ang paghahalay sa panahon ngayon.
Ang hindi niya alam sinundan siya ni Carlos. Ang matagal nang may gusto sa kanya. At libog na libog sa tuwing nakatitig lang sa kanya. Matagal na niyang gusto bosohan si Aira. Sadyang hindi lang siya makatyempo kahit pa na expert na siya pagdating sa mga ganyan.
Lahat nang dalaga na gusto niya nakukuha niya. Itong si Aira lang ang madulas. Ngumisi ang binata sa makamundo niyang iniisip.
Habang ang dalaga naman na si Aira. Naupo siya sa harap nang personal computer niya at binuksan.
Madami pa akong tatapusin na school works-
Naputol ang iniisip ni Aira nang marinig niya ang tunog ng alarm clock.
Tiktok... Tiktok...
Napabaling siya sa minitable niya sa tabi ng kama.
Sa minitable nandun din ang isang kalendaryo nakabilog ang isang petsa. Petsa kung saan kabilugan ng bwan.
Napatingin siya sa bintana. Nagtago naman kaagad ang binatang si Carlos upang hindi makita ni Aira.
Alasais palang sa hapon ay makikita na ang kalahati ng bilog na bwan. Pulang-pula ito na parang dugo. Kumalat ang dagtang dugo sa kalangitan, nanagpaganda pa lalo ng view.
Nakakaakit kung tingnan.
Hindi. Saad niya sa sarili ng matamaan siya ng liwanag ng bwan.
Nataranta siya at parang may hinahanap na hindi malamang kung anong bagay.
Pero biglang napaupo ang dalaga sa upuan at napayuko. Nagtaka si Carlos sa nakita.
Anong nangyati kay Aira? Tanong niya sa sarili habang nakatayo sa labas ng bintana.
Bukas nang kaunti ang bintana ni Aira pero hindi yun hadlang upang makita ang kabuuan nag kwarto ni Aira. At makapasok ang mumunting liwanag galing sa bwan.
Hindi alam ni Carlos bakit biglang nanindig ang kanyang balahibo sa batok nang umihip ang malamig na hangin at biglang umangat ang ulo ni Aira.
Potangina, di pa naman December ah. Piping mura niya at luminga-linga sa paligid. Panigurado niyang walang nakakakita sa kanya.
Nang bumaling siya ulit kay Aira. Bumalik ulit ito pagttype sa harap ng computer. Nagkibit-balikat nalamang si Carlos. At pinagpatuloy ang pambubuso kay Aira.