6 Finding A Job

88 9 2
                                    



Karleigh Dimaculangan Pov

Nagpapahinga ngayon sa isang maliit na k'warto si Isaiah. Pinatulog ko na lang siya baka kung ano-ano na naman ang sabihin. Kaharap ko ngayon ang manipis na cellphone ko. Habang walang mga customer na bumibili. Kaninang nasa counter si Isaiah kahit nakatanga lang may mga sunod-sunod na dumarating para bumili. Tapos nang ako na ang nasa counter para Mahal na Araw ang lagay. Sobrang tahimik at p'wede ng magdasal.

"No search found?!" For the nth time. Walang results na lumalabas sa mga web pages. Hinanap ko ang pangalan ng Fervor, Prince Isaiah, wala akong nakita. Maging ang nga missing persons walang akong nakita na may hinahanap na Prince Isaiah.

Tanghali na nang makarating si Maribeth. Nakabihis na rin ako at handa ng umalis.

"Ito 'yung mga list na mga hiring jobs. Pasensya na talaga, beh! Hindi kita nasamahan kahapon. Ang sarap kasi ng tulog mo. Last time na ginising kita, eh, sinapak mo ako sa panga, kaya ayoko ng istorbohin ang tulog mo."

Naalala ko na naman 'yon. Muntik na siyang isugod sa hospital dahil dumudugo 'yung bibig niya pati ilong. Gano'n ba talaga ako kalakas sumuntok?

"Sige, sige! Salamat dito! Aalis na ako—"

"Teka . . . Asan 'yung boyfriend mo? Umalis na?"

Oo nga pala! May boyfriend pala ako . . . Ay anak ng tokwa! Wala akong boyfriend!

"Baliw! Wala akong boyfriend, Maribeth!"

"Eh? Sino siya?" Sakto namang lumabas si Isaiah sa pinto ng maliit na k'warto rito sa convenience store.

Pinapagpagan niya ang gusot gusot niya damit habang palapit sa amin. Parang slow motion ang paglalakad niya, dumagdag pa ang maliwanag na ilaw mula sa florescent light sa may ceiling. He looks like a knight in shining armor.

"Uuwi na ba tayo?"

"Tayo?!" Maging ako nagulat sa sinabi niya. Sasama pa rin siya sa akin?

***

Matapos ko siyang tano'ngin tungkol sa buong pagkatao niya, sa lugar na pinagmulan niya, kung sinong mga magulang o kamag anak niya. Lalo lang akong naguluhan dahil wala pa akong na-encounter na mga gano'n pangalan, at lugar dito. Pinatulog ko na lang siya pagkatapos.

"Wala ka talagang ideya kung paano sumakay sa taxi?" tanong ko sa kan'ya. Nakatayo pa rin siya sa tapat ng pintuan ng kotse, samantalang ang ganda na ng upo ko. Hinila ko na lang siya para makasakay.

Pupunta sana kami sa police station pero nagbago ang isip ko. Ni hindi nga ako pinapaniwalaan doon. Isasama ko na lang siya sa paghahanap ng trabaho. Sa susunod pa naman na araw ang balik ko sa convenience store.

"Maayos namam ang damit ko 'di ba? Mukha maman akong tao?" sunod-sunod na tanong ko sa kan'ya at hinarap siya ma nakaupo sa kanang banda ko.

Napabuntong-hininga na lang ako nang matagpuan ko siyang nakatingin sa may labas. Kaunti na lang talaga ilabas niya ang ulo niya para tumingala.

Napansin ko ang suot niya, ilang araw na rin pero hindi ko man naaamoy ang pawis niya, parang bagong paligo lang siya bawat minutong dumaraan.

Finery men's slim long sleeve ang suot niya at black pants. Para siyang mayaman na haciendero na namamasyal sa malawak na lupain nila na puno ng bulaklak. Nang titigan ko siya ng mabuti napansin ko ang pagkislap ng dibdib niya . . . I mean nang tumama ang sinag ng araw sa bandang dibdib nito, kuminang ang butones ng damit niya.

45 Days With Prince Isaiah [COMPLETED]✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon