"Run, Alicia! Run!" Sigaw ng binatang lalaki habang may dalang matalim na sundang. Kinikiskis niya ito sa isa pang kutsilyo na hawak niya.
Hingal na tumatakbo ang babae, si Alicia. Madungis ito at naliligo ng dugo. Inaalalayan ang sarili dahil sa mga sugat na natamo. Paika-ika na sa pagtakbo pero iniinda ang sakit para makatakas sa humahabol sa kanya.
"Alicia, baby girl. You wanna have fun, huh?" Ngumisi ang lalaki habang papalapit sa tinatago ng babaeng sugatan.
Rinig pa ng babae ang tawanan ng lalaki at kasamahan neto. Nagtago siya sa madabong na parte ng tubuhan. Hindi na niya kaya. Naiiyak nalang siya na natamo ngayong gabi.
Sana hindi siya nagtiwala. Sana hindi siya sumama. Pero huli na anag lahat. Dito na ba siya mamamatay?
"Yuhooo, Alicia. I know you're there. Okay, we're gonna play hide and seek. You want that?" Halaklak pang dagdag ng lalaki habang pinagtataga niya ang mga matalahib na tubo.
Suminyas ang lalaki sa mga kasamahan nito. Itinuro niya ang kaliwa at kanang deriksyon.
Pero lumapad lang ang pagngisi nito nang makita ang tulo ng dugo sa lupa. Sinundan niya ito nang tingin nakita niyang nakausli ng kaunti ang paapa ng dalagita.
Gotcha. Sa isip ng binata. Sumipol pa ito upang iparating sa kasamahan na nakita na niya ang kanilang biktima.
"Hello, baby girl. Seek." Magaspang ang boses na bulong ng lalaki.
Nangingig sa takot ang babae nang nilingon niya ang lalaki. Bago pa siya nakasigaw ay tinaga na ng lalaki ang bunganga niya.
Tumatalsik ang dugo na ng galing sa katawan ng babae ngunit hindi nito alinta ng binata pagkat nasiyahan pa siya sa ginagawa.
Humiyaw ang mga kasamahan nito nang makita ang lalaking kinakatay ang babae.
"Hmmm, lets try this one." Dinilan ng lalaki ang dugo ng babae na tumalsik sa kanyang mukha. Hiniwa niya ang pisngi ng dalagita gamit ang sundang at kinain. Ngumisi ito habang ngumuguya, nilunok niya ito.
Nag-aabang naman ang mga kasamahan niya sa reaksyon nito. Dinilaan niya ang labi na may mga bakas pa ng dugo.
"Sariwang-sariwa mga kapatid."
Sabik na sabik na din ang kasamahan niya na makatikim ng preskang laman.
Napalingon sila sa bandang kanan nang makarinig ng ingay. Tumayo siya at sumenyas siya sa isa sa mga alagad. Agad namang tumango ang alagad at tinaga ang ulo ng dalaga. Isinilid sa sako. Habang ang katawan ay inagtulungan nilang hinila palayo doon.
"May sariwa tayong hapunan ngayon, mga kapatid." Ngisi at maligaya niyang bati sa mga ka kampo. Masaya siyang sinalubong ng kanyang kakampo habang takam na takam sa kanilang dala.
---
"Hello, so guys welcome to my vloggggggg." Masayang bati ni Karl sa camera niyang hawak."Alam mo Karl, kaka vlog mo. Dyan ka madidisgrasya." Ani ni Lesette.
"You're so kj, Lesette. Tsaka para to sa memories namin ni Kresia. Right, love?" Sagot naman ni Karl.
"Ba't ba kasi sumama tayo kila Tres, iw? So gross kaya dun." Maarteng sabi ni Kresia.
"Kresia, ano kaba. Andyan si Tres ohh. Kasama natin." Saway ni Tina sakanya sabay nguso saakin. Yumuko lang ako at inayos ang salamin ko.
"So what." Pinaikot ni Kresia kanyang mga mata at nagalk-out. Hinabol naman siya ni Karl.
"Okay lang,Tina." Sabi ko. Umiling nalang si Tina at Tinapik ang likod ko.
"Pasensyahan mo na itong si Kresia, Tres. Ganun talaga yun." Hinging pasensya ni Tina.
