Originally written by: Brent Alilain
Kapag itinaas na ang ating bandila
Ating inaawit, awit na pambansa
Mula sa puso at ating diwa
Buong pagmamalaki sa ating bansa
Hayun! Matatanaw sa kaitasanAng ating watawat kay gandang tingnan
Kay gandang kulay, pula, puti, dilaw at bughaw
May tatlong bituin, sa gitna ay araw
Kulay bughaw para sa KapayapaanPula naman sa Katapangan
Puti para sa Kalinisan at Dilaw sa Kalayaan
Sumisimbolo sa mga Pilipinong makabayan
Laging ipagmalakiWatawat ng ating lipi
Sumisimbolo sa ating lahi
Yan ang Dakilang Hari!