Prologue

20 3 0
                                    

"Wag mong saktan ang inay ko!!"

Galit na lumingon ang kanyang salbahing ama habang ang mga mata nito ay namumula dahil sa kalasingan. Mahigpit na hinawakan siya sa kwelyo.

"T-Tama na... Wag mong s-saktan.. ang anak natin..." K-Kung galit ka sakin.. W-wag mong idamay ang bata... "

Nakikiusap na sabi ng kanyang ina habang nasa sahig ito at puno ng mga pasa sa mukha at katawan. Binitawan naman siya ng kanyang salbahing ama.

"Subukan mong gawin ulit iyun! At makakatikim ka sa akin!! " turo na sabi nito sa kanya.

Pagkatapos ay binalikan nito ang kanyang ina at kinaladkad papalabas ng bahay habang nanghihina ito at halos di na masyado makatayo.

"Saan mo dadalhin si inay?!!" kahit nanginginig siya sa takot dahil sa kanyang ama. Pilit na tinapangan niya ang sarili sa murang gulang.

"Tumahimik ka!!"

"Inay!! Bitawan mo ang inay ko!!" galit at naiiyak niyang sabi habang nakatayo siya kanilang pinto.

"A-Anak.. Tama na.. B-Babalik din ako.." pilit na ngumiti ito sa kanya habang patuloy itong naluluha.. "Mahal na mahal kita Kyle.."

"Tama na yan!!" At pinagpatuloy ng ama niya ang paghila ng kanyang ina papalayo hanggang mawala ito sa paningin niya.

"INAY!!!!"

When You Came (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon