Chapter 20. Long & Lost

18 0 0
                                    

Austin's POV

Lumipas ang sampung taon pero wala parin hindi ko parin nahanap si laide,kung saan saan nako napadpad mahanap lang sya kung ano ano na rin ang sinuong ko pero ni anino nya hindi ko nakita,Sa sampung taong lumipas nayon nakapagtapos ako bilang isang surgeon(general surgeon-eksperto sa pangkalahatang siruhano) habang nag aaral ako hinahanap ko parin sya,matanda na din ang Chairman Lee hindi na sya nakakatayo sa kama nya naka dextrose nadin pero hanggang ngayon inaantay nya parin pagbabalik ng apo nya. Malubha na ang Chairman Lee isang atake pa o makakain sya ng bawal gaya ng mani agad nyang ikakamatay.

Papunta ako ngayon sa mansion ng mga Lee para kamustahin ang Chairman Lee ako mismo ang nagprisinta bilang doktor nya para matutukan ko ang kalagayan nya.
Si Aenon naman ang nagmamanage ng mga ari arian nila si Aizen naman nasa Sokor sya habang nag aaral don ng abugasya inaasikaso nya din ang business ng pamilya nila don.Si Aerith naman nag aaral din sa kursong Hotel Management and Restaurant habang tumutulong din sa pag aalaga sa Chairman,Hindi parin naman sila tumitigil maghanap kay laide dahil ang huling kahilingan ng Chairman Lee bago sya lumisan ay ang makitang muli si laide kaya hindi ako sumuko.

Kada araw lumalala at nagsisilabasan ang mga sakit ng Chairman Lee ayaw nya na rin mag undergo ng mga gamutan dahil kahit na gumaling daw sya eh mamamatay din namana sya kapag nakita ang kanyang pinakamamahal na apo.

Hanggang isang araw may nabalitaan ako na isang babae na inanod sa Cali beach agad akong pumunta don,ang balita ko napulot daw sya ng isang mangingisda at inuwi sya sa bahay nila.

Pagdating ko don agad kong hinanap ang nasabing bahay ng mangingisda.

"Tao po! Tao po!

"Sandale sino ba iyan?

Isang ginang ang lumabas naka maroon syang daster takang nakatingin sa akin.
Saka ako nagsalita.

"Kamusta po?ako nga po pala si Austin pwede ko po ba kayo maabala saglit."

"Ano bang sadya mo dito hijo?

"Hinahanap ko po kasi ang babae na ito."
Saka inilabas ko ang litrato ni laide gulat man ang ginang hindi nya iyon pinahalata sakin.

"At Bakit mo naman sya hinahanap."

"Sampung taon kona po syang hinahanap inaantay po kasi ng lolo nya ang pagbabalik nya iyon lamang po ang kanyang kahilingan bago po sya lumisan sa mundo."

"Pasensya kana ha hindi ko nakita ang babae nayan pero hayaan mo kapag nakita ko ipagbibigay alam ko sa barangay namin para masabi sayo."

"Salamat po aling?

"Delia yung lalaki kanina si Ruben ang asawa ko."

"Eto po ang numero ko aling delia kung may balita po kayo ipagbigay alam nyo po agad sakin sya nga po pala Adelaide Jin Lee po ang pangalan nya iiwanan ko narin po itong litrato."

"Sige hijo."

Lumipas ang mga araw wala paring tawag ang mag asawa nakakapagtaka habang nasa palengke ako nadinig ko ang usapan ng dalawang matandang babae.

"Kay ganda naman pala nung ampon nila delia at ruben no? Wika nung unang matanda

"Sinabi mo pa makinis at maputi hindi kaya anak ng mayaman iyon na nawawala at napadpad dito sa atin?

"Malamang dahil imposible naman magkaron ng ganon ka kinis na dalaga dito sa atin lalo nat malapit tayo sa dagat."

Walang ano pat nakisabat ako sa usapan nila upang malaman kung totoo ba ang pinag uusapan nila.

The Lost Princess and the Secret Mafia Boss [OnGoingSlowUpdates]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon