Hindi Pala ( One Shot )

11 0 0
                                    

Lunch Break Na :D Favorite Subject Ko! Shocks. Makikita ko na kasi ulit si Crush! Oh My Geeee.

'Waaaaaa, ampogi niya guraaabeeee' Sigaw ko sa isip ko habang niyuyugyog si bestfriend Kyle.

Lalaki yung Bestfriend ko. Prangkahan kami all the times. Para walang plastikang nagaganap.

"Ano ka ba naman Faye, ginugulo mo ayos ng buhok ko eh. Isang oras ako sa salamin tapos you gonna wreck it lang?"

"Ayy taray mo diyan sa 'you gonna wreck it lang?' ahahaha. soooo gay."

"Im not a gay bhest, you know that. Tsaka we're lovers before right?" pagmamalaki niya.

"Baka peke bhest?"

"Baka nainlove bhest? haha"

"Baka Ako?"

"Ako yun Faye. Hahaha." Sabay yakap sakin. Napatingin ako bigla sa katabing room namin. And Oh My Gee! Nakatingin si mark sakeeeen! Please kill me now. kill me. Ay hindi. Pano lovestory namin kapag nadeadskii ako? Huhu.

Tinulak ko konti si Kyle tsaka nag ayos ng buhok. Tiningnan ko ulit si Mark para magpa-cute. Yiiieee :"> Kaso inirapan niya ko. Huhu. Nagseselos ba siya? Huwaaaa! Bestfriend ko lang naman si Kyle eeeee.

"Oh bakit nakasimangot ka diyan?" si kyle.

"Si Crush kasi eh, inirapan ako nung nakita kang nakayakap saken. Nagselos ata. Ikaw kasi eh. Kasalanan mo! Huhuhu." pagmamaktol ko habang pabirong sinusuntok si bhest.

"Hahahaha! Maniwala ka sakin bhest, bading yang crush mo. Hindi siya nakatingin sayo, kundi sakin. Hahahaha!"

"No Way Highway! Ang gwapo niya kaya oh. Maputi, singkit, matangos ilong."

"Ikaw bahala, basta sinabi ko na sayo ah."

"Inggit ka lang, kasi siya crush ko, eh ikaw neveeeerr!" asar ko sakanya.

Tatlong buwan na ang nakalipas. Ganun pa rin, silay silay lang kay crush na isnabero. Pero kahit ganun eh, crush ko pa rin siya. Si bhest naman lagi akong inaasar. Maghanap nalang daw ako ng ibang crush. Nyenye. Ayoko nga.

"Bhest, si mark oh, may kaholding hands na babae. Kawawa ka naman."

"Whaaaaat?!" Tiningnan ko kung saan nakatingin si Kyle. " Oh My Geeee! T.T Hindi totoo yan. Huhu." Niyakap ko si Bhest. OA na kung OA. Pero nagkakacrush ka din. Alam kong alam mo rin yung nararamdaman ko ngayon. Wala naman akong nababalitaan na nililigawa niya eh, tapos makikita ko may kasama na siya agad. Saklap. T.T

"Tara na sa AVR. Baka magstart na ying film showing." yaya ni Marie samin.

"Sige, susunod nalang kami." sagot ko. Inaayos pa namin ni Kyle yung gamit namin. Iwas magna. :P Doble ingat na rin kahit ila-lock yung pinto ng room.

Halong section yung manonood. At pagkakataon nga naman :D Kasama namin yung section nila Mark! Waaah. Destiny mamen.

Hinanap ko kaagad yung pwesto ng mga classmate namin. Nasa right side pala.

Yung AVR namin ay malaki. May big screen, red cushion chairs kaya masarap umupo, malambot kasi. May aircon. Tapos may parang carpet na sahig.

Yung pwesto ng mga upuan ay apatan. Apat na Rows, kada isang row may apatang upuan. Gets mo ba? I-drawing ko pa? Joke.

Occupied ng section namin yung tatlong hilera sa isang row, so bale kung sino man yung nasa pangatlo eh may makakatabing ibang section.

Since nahuli kami ni Kyle, ako yung nasa pangatlo, katabi ko si Kyle sa kanan. Dapat siya dito sa pwesto ko eh, palibhasa si daphne yung sa kabilang gilid kaya nakipagpalit.Yung sa kaliwa ko naman may nakaupo na lalaki. Pero wala akong pake. Hinahanap ng mata ko si Mark. May Five Mins pa bago magsimula. Sa harap sa likod sa gitna.

Shiiit! Bakit walang MARK sa kabilang mga rows. Asan ka?!

Kinalabit ko si Bhest.

"Uy Kyle, tulungan mo ko. Importanteng mahalaga talaga"

"Ano yun?" with matching yakap.

"Alisin mo yang kamay mo. Mabigat. Tulungan mo kong makita si ..." naudlot yung sasabihin ko kasi bigla siyang tumawa.

Anong problema neto?

"Bakit ka tumawa? May dumi ba sa mukha ko? Nakaka insulto ka naman"

"Wala, hahaha. Mabuti pa gisingin mo na yang katabi mo, mag uumpisa na"

"Ano ba yan eh" di na nga ako tinulungan, inutusan pa ko.

Well, kuya kahit hindi kita kilala, gigisingin pa rin kita. Umpisa na kasi. Tsaka mabait naman ako. Hihi.

Ehem. "Kuya" sabay kalabit "Umpisa na po yung Movie" di pa nagigising "gising na po" sabay ngiti.

Yung tipong nag slow-mo at fast forward. o_O

Slow-mo kasi pag angat ng ulo niya. Si Mark pala yung katabi ko. Pakshet. Fast forward kasi sa sobrang gulat ko as in ganito o_O at ganito O.O. Lumingon ako kaagad sa harap. Kaya siguro tinawanan ako ni Kyle

Ang gwapo niya sobra.

"Thanks.."

Waaaaaaaaaaaaa!!!!!!! Kinausap niya ko. Nagthank you siya sakin. Totoo ba to?

"Aray!"

Kinurot ko kasi si bhest. :P Totoo pala. Di ako nananaginip. Kyaaaaa!!!

"Ah hehe" yan lang nasagot ko sakanya.

Natapos na yung film showing namin. Kaso hindi ko naintindihan. Alam mo na yun kung bakit. Hehe. Talandi kasi. Hahaha. Uulitin ko nalang sa bahay. Next week pa naman ipapasa yung reaction paper eh.

Bago pa man lumabas ng AVR. Nilapitan ko si Mark. Hmm. Sasabihin ko na gusto ko siya. Kahit may mga kasama siyang babae, hindi ako magdadalawang isip na magsabi ng nararamdaman ko.

"Ah, Mark"

"Oi tawag ka o." sabi nung babae kay mark.

Ang gwapo kasi niya eh kaya hindi mapag kakaila na maraming nagkakagusto sakanya.

"Ano yun?"

Kahit boses niya nakakainlove na.

"May gusto.."

Bigla niya kong niyakap. Hindi ko na natapos yung sasabihin ko. Nagulat ako dun pero kinikilig po ako. Baka makurot ko 'tong lalaking to. Pero mas lalo akong magulat nung may binulong siya.


"May gusto rin ako kay Kyle, sorry kung lumapit ako kanina dun sainyo ah. Galit ka ba teh? Wala naman akong intensiyong agawin siya eh. I just wanna make friends with him. Super cute kasi niya. Yiiiieeee."

O.O akala ko lalaki. T.T

Hindi pala. Huwaaaaaaa.

Hindi Pala ( One Shot )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon