[86]
8:26 PM
Analiah:
Analiah:
Analiah:
AtmKey:
Plastic Balloon? Tagal ko nang hindi nakakakita ng ganyan hahaAnaliah:
Yesss! Nong pumunta kasi ako sa palengke para bumili ng mga ingredients na wala nang stock sa bakery napadaan ako sa bagong bukas na tindahan ng laruan. Nakita ko to haha sayang nga ang dami nilang laruan pero sakto lang yung dala kong pera, ito lang tuloy nabili koAnaliah:
HaysAnaliah:
Meron silang Paper doll, yung puzzle na maliit, yung laruan na sundalo na may parachute, magic spring na ibat ibang kulay, aqua rings na ang hirap laruin, lutu lutuan, pati rin pala laruan na gamit ng mga doktor, dentist haha, meron din silang elisi, ang saya maglaro noon laging sumasabit yung akin sa yero kapag naglalaro ako, at kung anu-ano pang abubot grabe, ang dami.Analiah:
May mga laruan din na bago lang sa paningin ko hahaKey:
Nakakamiss hahaAnaliah:
Alam mo yung flying dragonfly?????Key:
Tutubi?Analiah:
Hindi, laruan kasi jusmeAnaliah:
Hahahahaha hindi mo alam no?Key:
HindiAnaliah:
Alam mo yun! Alam mo hitsura non pero hindi mo lang alam yung name. Alam koAnaliah:
Basta, bibili na nga lang ako sa susunod para malaman mo kung ano hitsura non hahaAnaliah:
Pero jackstone muna bibilhin ko bago yun hahaha titingnan ko kung marunong pa akoKey:
Tanda ko nakikisali rin ako kina Chin-Chin sa paglalaro ng ganyan hahaAnaliah:
Oo pero hindi ka nga lang marunong hahaAnaliah:
Hindi ka nagkakaroon ng alaga. Hibdi ka nakakabot sa pinaka dulo. Palagi kang nasa level 5 lang hahaha hina moKey:
Siyempre, hindi naman kasi talaga ako naglalaro ng ganoon haha. Aminado naman ako. Ang gagaling niyong mga babae ehAnaliah:
Pero sa ten twenty, ang galing mong tumalon. Natatandaan ko pa mukha mo nong sinubukan mong tumalon nang mataas Hahaha ang haba ng legsKey:
Ha ha ha nakakatawaAnaliah:
Btw, nandito ako ngayon sa ospital ulitAnaliah:
Nagbabantay ulit kay Tita, bumibili lang si Arko ng makakain, hindi na ako sumama kasi malamig sa labas. Giniginaw ako. Tas sinisipon pa ako, naambunan kasi ako kanina ehKey:
Ahhh inom ng gamotKey:
Inom na agadddd! BilisKey:
Para hindi ka mahirapan sa paghinga.Analiah:
Katatapos ko lang po pero wala naman nangyari haha meron pa rin akong sipon. Maglalagay na lang ako ng bicks.Key:
Ang sarap niyan amuyinAnaliah:
Waitttt
Analiah:Eh yung glow in the dark na bracelet tanda mo pa?????? Yung natikman mo noon kasi kinagat mo. Ang kulit mo kasi eh
Key:
Oo naman! Hahaha kinabahan nga ako roon noon, hindi ako nakatulog kasi akala ko malalason akoAnaliah:
Ikaw kasi nagmamarunong, hindi ka maalam kung paano pailawin. Bat mo kasi kinagat? Ayaw kasing magtanong sa akin. Babaliin lang naman yunKey:
Akala ko talaga namatay na ako noon eh. Hahaha pawisan ako dahil sa kaba ehKey:
Pero marami kaya akong ganyan dito sa bahay, gusto mo magdala ako kapag bumalik ako diyan tas suotin natin pareho? Tas punta tayo sa bukid kung nasaan yung puno ng mangga nang gabi. Game?seen
Key:
Huy?Key:
Ba't seen? Tagal mong mag-reply?Analiah:
Babalik ka ba talaga?Key:
Of courseAnaliah:
Lagi mo kasing sinasabi na babalik ka pero nong sinabi mo yan noon bago tayo maghiwalay, hindi mo naman tinupad sa sunod na taon
Key:
Teka. May sinabi ba ako?seen
-------
BINABASA MO ANG
kababata: thanks for trying to reconnect with me once again
Подростковая литература"Kung kailan bumalik ka na, saka naman ako magpapaalam." - Analiah Date Started: December 19, 2020 Date Finished: March 24, 2021 [EPISTOLARY STORY] [Tagalog] - An Epistolary written by Nick_Black02 Book Cover: Credits to the original owner from Pint...