CHAPTER 41: BABAE SA SAPA

39 3 0
                                    

Nagulat si Archie nang makita nyang may babae sa harapan niya at naliligo ito sa sapa. Nagulat din ito at tumitig din sa kanya ang babae. Ang problema lang ay naliligo ang babae na suot lang ang underware nito.

Kaya naman, nagtititili ito ng sobrang lakas at pinagbabato si Archie ng anu mang mahawakan nito.

????: EEEEEEEEEEEEEEEEEEEKKKKK!!!
BASTOOOOOOS!!!! MANYAAAAAAAAK! EEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEKKKK!!!!"

Archie: "Miss!!! Sandali lang!!!! Magpapaliwanag ako!!!"

????: "BASTOS!!!! WAG MO AKONG TINGNAN!!!!! EEEEEEEEEEEEEKKKKK!!!!"

Archie: "Pakiusap lang!! Miss!! Wag mo akong batuhin!!"

Hindi nagpapigil sa pambabato ang babae. Pilit naghanap ng pangsalag si Archie sa mga ibinabato sa kanya. Hanggang sa natamaan sya ng malaking bato sa noo na agad nyang kinawalan ng malay.

Tumigil lang ang babae nung napansin nyang hindi na gumagalaw si Archie dahil sa natamaan sya nito. Ngunit nataranta sya sa kanyang nagawa.

????: Hoy!! Ba't hindi ka na gumagalaw? Hoy!! Gising!! Naku!! Anung gagawin ko?! Baka napatay ko na yung tao?!"

Hindi na malaman ng babae kung anu ang kanyang gagawin. Kaya agad nyang isinuot ang kanyang tuyong damit at hinila si Archie sa gilid ng sapa.

Nang magkamalay si Archie, nagulat siya dahil nasa harapan pa nya ang babae.

Archie: "Pakiusap!!! Miss!! Hindi ko sinsadya na makita kang naliligo!! Wag mo akong saktan!"

????: "Manyak!!

Galit na sinabi ng babae sa kanya. At galit syang tinitigan nito. At sinuntok sya nung babae sa sikmura kung saan napayuko sa sakit si Archie.

Archie: "Miss!! Sorry na!! Hindi ko naman alam na may tao pala jan sa sapa!! (Grabe!! Parang hindi siya babae kung sumuntok!)

Muli ay tinitigan siya ulit nang babae at lumapit ito sa kanya. Nag-aalala si Archie na uundayan sya ulit ng suntok sa sikmura. Ngunit sa pagkakataon na ito iba ang kanyang ginawa.

????: "Jan ka lang. Wag kang malikot. Ilalagay ko lang etong halamang gamot sa bukol mo."

Marahan na itinapal ng babae ang gamot sa bukol ni Archie tsaka nya ito tinali gamit ang tela ng damit nya na kanyang pinunit.

????: "Pasalamat ka, hindi ako nang iiwan ng tao na walang malay sa tabi-tabi. Tsaka pansin ko, hindi ka taga dito at dayo ka ata dito sa isla."

Archie: "Oo miss. Hindi nga ako taga dito."

????: "Kaya pala may ugali kang manyak!

Archie: "Miss!! Hindi ako manyak! Aksidente lang na nadulas ako at hindi ko alam na may tao pala sa sapa."

????: "Anung ibig mong sabihin na nadulas ka?!!! Sinisilipan mo ba ako kanina?!!!!"

Archie: "Miss!! Hindi nga!! Inaalam ko kung saan nanggagaling yung tubig sa sapa. Kaya sinundan ko kung saan galing ang agos."

????: "Panu ako nakakasiguro na nagsasabi ka ng totoo?!!"

Tumahimik si Archie dahil sa hindi nya alam kung panu nya patutunayan sa babae na nadulas sya at hindi nya sinisilipan ito. Wala na siyang maisip na ebidensya kundi ipakita ang lugar kung saan siya nadulas.

Archie: "OK sige! May ebidensya ako na nadulas ako, pero depende sa'yo kung sasama ka sa akin para maniwala ka o hindi."

Nagsimula nang naglakad si Archie papunta sa lugar kung saan sya nadulas, sinundan naman siya ng babae. Nang marating nila ang gilid na parte ng sapa, ipinakita ni Archie kung saan sya nadulas na meron pang marka ng kanyang tsinelas. Naging kumbinsido naman ang babae sa nakita nya.

????: "Sige kumbinsido na ako sa sinasabi mo. Nadulas ka nga."

Archie: "Sabi ko naman sa'yo, nagsasabi ako ng totoo."

????: "Nagsasabi ka ng totoo? Sige subukan natin, nakita mo ba ang katawan ko? Oo o hindi?

Isang tanong na talagang hindi kayang sagutin ni Archie dahil na rin sa naisip nya na anu man ang isagot nya ay susuntukin na naman sya nito sa sikmura.

Kung Oo ang sagot nya, susuntukin sya nito. Kung Hindi man, sasabihin nito na nagsisinungaling sya at susuntukin din lang. Kaya naman sinabi na lang ni Archie ang totoo.

Archie: "Oo." (Lagot! Masama na ang tingin niya sa akin)

????: "Talaga?"

Sinubukan ni Archie na bolahin ang babae para hindi sya saktan nito.

Archie: "Oo. Eh..ang ganda nga ng hubog ng balakang mo ehh..."

Gaya ng inaasahan ni Archie, sinuntok na naman siya sa sikmura nito. Hindi lang sa sikmura pati na rin sa mukha. Ngunit namula ang mukha ng babae habang tinitigan sya nito ng masama.

????: "Anu pangalan mo?"

Archie: "A..Ar..Archie pangalan ko."

????: "Rochel."

Archie: "Ro...Rochel. Anung Rochel?"

Rochel: "Pangalan ko."

Archie: "Nice to meet you, Rochel. Sige aalis na ako kung OK ka na sa mga ebidensya ko."

Minamadali na ni Archie na umalis dahil ayaw nyang mapasubo sa gusot na inabot nya dahil lamang sa inusisa nya ang pinanggagalingan ng sapa. Nang bigla siyang pinigilan ni Rochel.

Rochel: "Sandali!!"

Archie: "Ba..bakit?"

Rochel: "Sabay na tayong bumaba ng bundok.

Archie: "Ha?!! Eh bakit?!










Ang Misteryosong Kaso Ng Pagkawala Sa Isla Paradisio (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon