Magpapaubaya-
Akin na kitang pinapalaya.Patawad sa mga pagkukulang at maraming bagay na hindi nagawa,
kung kailan ko napagtanto at gustong bumawi tsaka ka pa mawawala- nakakapanghina.Patawad kung sa nagawa kong pag-alis ay nangulila ka,
kung parati mong pinupunan ang mga puwang at pinagkakasya na lamang ang sarili sa matatamis na mga ala-ala.
Patawad kung wala ako sa tabi mo madalas,
kung bakit kailangan kong lumayo para mapadali kong maabot ang pinangako ko sayo'ng magandang bukas.Patawad kong napagod kang ako'y intindihin,
sa panahong nasasaktan ka ay hindi ako ang kapiling;
hindi ako ang nagpunas ng mga luha sa iyong mga mata,
hindi ang mga bisig ko ang nakayap sa'yo, sinta.Alam kong napagod ka na,
binigay mo ang lahat pero hindi mo na kinaya.
Naubos ka, nanghina-
kaya naiintindihan kita kung bakit ka bumitaw at kumawala.Naiintindihan ko...
Pero sana mapatawad mo,
pinilit kung tuparin ang naging pangako, pero-....hindi na ako ang pinili mo.
Sana...
huwag ka rin niyang saktan kagaya nang nagawa ko.
Sana...
mahalin ka niya ng higit pa sa pagmamahal ko.
Pinapatawad na kita,
Pero mangako ka sa 'kin, sinta.
Mangako siya sa akin na-
iingatan ka niya,
magiging masaya ka sa piling niya.Song Prompt: Paubaya by Moira
https://youtu.be/25Cs__vdmII#poetrycommunity
#Talatulaan
#paubaya
#mchay101(ctto) media used.
P.S.
You can check my other stories at Quattro TOS on this link: https://www.tagalogonlinestories.com/tag/mchay101/enjoy, mga judgers!😘
BINABASA MO ANG
Munting Tinig (Mga Tula At Alingawngaw)
PoesíaSalita Agam-agam Konsensya Damdamin Katha ...sa pluma ko't tinta.