Nagising ako dahil sa paggalaw ng kamay ni mommy. Napaangat ako ng tingin at nakita ko siyang nakatingin sakin. Agad ko siyang niyakap.
"Mommy," mahinang bulong ko.
"I want to talk to you,"
Kumalas ako sa pagkakayakap. Tinignan ko ang orasan sa side table. Alas dos na ng madaling araw. Nakita ko rin na nakatulog sa couch ang pinsan ko. Nagpaiwan ako dito pero gusto ng pinsan ko na manatili din para samahan ako.
"Nakipagkita ka na naman kay Luke?"
Naalala ko ang sinabi ni Luke na tatawagan niya ako. Tinignan ko ang cellphone ko at nakita ang 10 missed calls doon at galing lahat iyon sa kaniya.
"Answer me, Chandrea"
"Opo mommy,"
Tinignan ko sa mata si mommy. Ang lamig ng pakikitungo niya sa akin. Gusto kong maiyak pero para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa lamig ng pakikitungo niya.
"Mahal mo siya?"
Tumango ako at hinawakan ang kamay niya. Nakita ko siyang huminga ng malalim.
"You know what I won't let the operation to be done here. I want to be treated in abroad and you will come with me,"
Pilit akong ngumiti kay mommy. Alam ko na ang ibig niyang sabihin. Gusto niya kaming paglayuin ni Luke.
"Paano ang pag-aaral ko mommy? Malapit na ako matapos,"
"Then I'll wait until you graduate,"
"What?! No mommy! You can't do that. You need to be treated early as now,"
"Well, matagal ko ng alam na may sakit ako, Chandrea. I think there is a chance that the operation will not be successful."
Tumulo ang luha sa mga mata ko. Bakit ganito mag isip si mommy? Bakit ganito ang sinasabi niya?
"I'm sorry for being selfish. Pero kailangan mo layuan si Luke."
I'm desperate for Luke's love pero ayokong mawala sakin si mommy. I will always choose her no matter what.
"Sige mommy pero kailangan mo magpagaling please? Promise me malalagpasan mo lahat ng ito," pagmamakaawa ko.
Sumilay ang ngiti sa labi niya. Pinunasan niya ang luha ko gamit ang kamay niya na hawak hawak ko.
"Always remember that feelings will change kahit gaano niyo pa kamahal ang isa't isa."
My feelings for him will change? I don't think so. I love him so much. Pero kaya kong gawin ang lahat para kay mommy, kahit ang kapalit ay layuan si Luke. Because I'm choosing the right choice.
"Magpahinga ka na, mommy."
Tumango siya at pinikit niya ang kaniyang mga mata. Nagpasiya muna akong lumabas. Dumeretso ako sa restroom. Pagkapasok ko ay agad kong nilock ang pinto at doon ko binuhos ang iyak ko.
Ang hirap at ang sakit. Bakit kailangan kong maranasan ang ganitong sitwasyon?
Siguro nga ito talaga ang kapalaran ko.
Tumunog ang cellphone ko. Agad ko naman sinagot ang tawag.
"Hello," halos pumiyok ang boses ko para pigilin ang pag iyak.
"Are you crying?" marahan ang pagkakatanong niya.
Hindi ako sumagot dahil sa rahan ng boses niya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Lalayuan ko ang taong mahal ko. Sa tingin ko wala akong choice dahil gusto kong gumaling si mommy.
"Baby, why are you crying?"
"Let's break up, Luke."
Napatigil siya dahil sa sinabi ko. Hindi siya agad nakapagsalita at ilang minuto siyang tahimik. Kaya iyon na ang pagkakataon ko para magsalita ulit.
"You're just my past time. I like it when you are pleasuring me but I don't love you,"
Lies. Ito lamang ang naisip ko para lumayo ang loob niya sakin.
"You're lying, I know you love me," nanghihina niyang sabi.
Hindi ko na mapigilan ang hikbi ko. Napakahirap ng ganito. Gusto ko na lang sabihin ang totoo pero ayokong malaman niya na si mommy ang may gusto nito.
"I don't. Please let not see and talk each other anymore,"
"No. Why are you saying that to me? Hindi ko maintindihan,"
"Hindi mo ba naiintindihan na ayaw na kita makita? Please huwag mo na ako pahirapan oh,"
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.
"Is this what you really want?"
Hindi agad ako nakasagot. Ito nga ba ang gusto ko? Hindi. Pero ito ang lang tanging paraan na naiisip ko. I know I will regret it.
"Yes,"
"Alright. Take care always, Chandrea." malamig niyang sabi tsaka niya ako binabaan.
I'm sorry, Luke. I love you but I need to do this.
Yumuko ako at napaiyak pa lalo. Ang sakit sakit. Pumayag siya dahil iyon ang gusto kong mangyari. Alam kong mahirap pero kakayanin ko naman siguro ito.
I know marami pa siyang makikilalang babae. I also know na hindi niya ako deserve dahil sinaktan ko siya. Pero sana kapag okay na ang lahat, hihilingin ko na sana ako pa rin.
How unfair I am, right? Sinaktan ko ang taong mahal ko pero umaasa pa rin ako na sana ako pa rin sa huli. But no, I will accept the reality ang what mg mommy said. Feelings will change. Maybe, his feelings for me will change.
But I know for sure that my feelings for him, will never change.
BINABASA MO ANG
Desperate Love (COLLINS COUSIN SERIES #2) (ON GOING)
Romance⚠️ Warning: Not suitable for younger readers and sensitive minds. This is for mature readers only.