Agad kong niligpit ang nga gamit ko ng matapos ko na ang mga unfinished orders ng mga knights. Nakakapagod mag sort ng mga papeles.
"Guro, guro! May naganap na munting labanan sa pagitan ng dalawang knights. Puno ng sugat ang mga knights na nakisali."
Inis kong binalingan ang assistant ko na si Rena. Agad naman siyang napatuwid ng makita ang inis sa mukha ko. Ang mga knights talaga!
"Ituro mo ang daan, may iiyak na knights mamaya."
Sinundan ko si Rena at napatampal na lang ako sa noo ko ng makita ang mga batang knights na puno ng sugat. Ang mga damit nila ay sira na. Tinignan ko ang mga sutil at mukhang gusto pa nilang tapusin ang munti nilang labanan.
May nilabas ako na latigo na kumuha ng pansin nila. Inisa isa ko silang tinuro.
"Ang isang knights ay mapagmahal sa kapwa, matulungin, may paninindigan, patas at kayang iaalay ang buhay sa kanyang hari at reyna. Nandito kayo sa akademya upang maging ganap na knights pero ano ito! Mga sutil kayo!"
Muntik na akong mawalan ng malay ng tawanan lang nila ako. Mga sutil!
"Guro naman eh, ang seryoso niyo. Kaya kayo lalo nagmumukhang matanda. Ngiti naman diyan."
Tinalikuran ko na lang sila at hinarap si Rena na natutuwa pa. "Magtawag ka ng mga healer, at iulat mo ito sa General. Doblehin ang pagdedesiplina sa mga batang mag aaral."
"Masusunod Guro."
Babalik na sana ako sa opisina ko ng pigilan ako ng isang batang babae. "Guro, ginawa ko na po ang mga utos niyo. Panahon na po upang makuha ang aking pabuya."
Matiyaga talaga siyang naghintay. "Sundan mo ako."
Nakangiti naman siyang sumunod sa akin. Hindi na ako nagulat na may isang tasa sa upuan ko. Vampires are fast. Kinuha ko ang basong may lamang gamot at umupo.
Isang segundo at komportable na siyang naka upo. "Guro, mag kwento na kayo."
Agad akong napatingin sa labas ng umihip ng malakas ang hangin. Tila dinadala ako sa panaginip ng nakaraan.
"Queen Merin."