MERIN⬇️
Setting: Dimensia, Haven Kingdom.Merin's Pov
"Aggh."
Minulat ko ang mata ko ng lumipad ang katawan ko. Nasa sahig ako at lumilindol ng malakas. Tumilapon siguro ako mula sa kama ko dahil sa lindol na hindi pa natatapos hanggang ngayon. Marami na sa mga gamit ko ang basag na. Patay ako nito kay Tita Amphere.
Pinilit ko ang sarili ko na tumayo at pumadyak. Mabilis na binalot ng yelo ang kwarto ko. Naupo ako sa kama ko at nakasimangot na hinintay ang pagtatapos ng lindol. Humikab ako at balak na sanang matulog ulit ng huminto ang lindol. Good timing.
I defrost my room. Ang gulo na tuloy. Well bakit ba ako namomoblema hindi naman ako ang maglilinis haha.
Hinubad ko ang lahat na damit ko at lumusong sa mini pool na nasa banyo ko.
It's been 3 months since I came here. My parents are leaders from different kingdom. My father is the king of Aqua Kingdom and my mother is the queen of Haven Kingdom. Mula pagkabata ay iniwan ako ng aking ina sa Aqua Kingdom kaya lang nasa tamang edad na ako para magamit niya kaya nandito ako sa puder niya.
I'm 356 years old. Still considered as minor. Tsh, age doesn't matter here in our world. Sa human world lang naman yun uso.
Fact:
Sa kasalukuyan ay mayroong anim na clan. Ang Human clan, Demon Clan, Vampire Clan, Werewolves clan, Spirit Clan at pinakahuli ang angkan namin ang Elemental clan. Ang anim na clan ang bumubuo sa anim na terrain ng Dimensia.Naudlot ang iniisip ko ng may kumatok sa pintuan ng banyo ko.
"Kamahalan, nandito po kami upang tumulong sa inyo."
Hinayaan ko na lang ang mga babaeng utusan na gawin ang gusto nila. Matapos ang matagal na paghahanda ay napatingin ako sa salamin. Puno na naman ako ng mga dyamante. Hinaplos ko ang tuwid na puting buhok ko na may itim sa ilalim. Humahaba na naman ito, nasa bewang ko na. Lumabas na lang ako, nagliligpit na ang mga utusan.
"Pinapatawag po kayo sa akademya ng punong guro niyo, kamahalan." Anunsyo nung babaeng nasa harapan ko na hindi ko alam kung saan nang galing.
Lumingon ako sa mga utusan na nasa likod ko kaya yumuko sila. "Kailangan ko ng dalawang sasama sa akin, ang iba tumulong na lang sa pag ayos ng silid ko. Pagkatapos kunin niyo yung pagkain sa aparador ko, paghatian niyo."
Dali dali akong pumasok sa portal na ginawa nung babae. Inayos ko ang buhok ko ng bahagya itong nagulo. Malakas ang ihip ng hangin, galit na naman siguro ang hari.
Agad kong nakuha ang atensyon ng mga tagapaglingkod at mga konseho. Sabay sabay silang nagbigay galang. Hindi ko sila pinansin at tumungo sa opisina ng punong guro.
Binati kaagad ako ng isang sigaw pagkapasok ko pa lang.
"Princess Merin, huli ka na naman."
Ang punong guro, ang aking nakakatandang kapatid na babae,, Princess Arina.
"Ang isang prinsesa ay kailangang handa sa ipaguutos ng hari at reyna. Nasa harap mo na ang utos pero ikaw nakangiti pang natutulog."
To make it short, nandito ako sa akademiya upang pagalitan niya. She's my mentor. At ang pinaka una sa may galit sa akin. Inggitera kasi siya haha.
"Nasa tamang edad ka na upang mag asawa. Umayos ka Merin. Tingnan mo ito, panghuli ka na naman sa iyong klase."
Tinalikuran ko siya, nakakatamad makinig. Tamang tama naman na may pumasok na isang guro kaya nakalabas ako.
"Nagmamatigas na naman ang seer, maraming nasugatan at binawian ng buhay dahil hindi niya sinabi na may dadaang malakas na lindol."