Napatampal ako ng noo. Inutusan ako ni Thison na manatili lang ako sa aking silid. Paano ako magpapaalam nito? Hindi naman pwede na aalis na lang ako ng basta basta, papatayin ako ni Arina.
"Princess Merin?" Umalis ako sa kama ko at pumunta sa gilid ni Eia. Lumuhod ako kaya napatayo siya. "Princess Merin, tumayo po kayo. Ano bang ginagawa niyo?" Pinatayo niya ako at pinaupo sa upuan.
"Patawarin mo ako sa ginawa ko. Nagsisisi talaga ako ng sobra, nagpadalos dalos ako. Hindi ko man lang inisip ang magiging bunga."
Nahihiya ako, please lang gusto kong lumubog.
"Nagpapasalamat ako sa iyo kamahalan. Napakabait niyo. Hindi kayo nagdadalawang isip na tumulong. Ngunit bago kayo gumawa ng hakbang, isipin niyo muna ng ilang beses. Mabuti at may natutunan kayo kahit papano."
Ngumiti na lang ako. Tinuturing nila akong bata. Anong gagawin ko?
"Hihingi din ako ng tawad sa mga kapatid ko at mga nasaktan kong knights. Ngayon pupunta tayo sa Aqua Kingdom upang mawalan ng bisa tong ugnayan na meron tayo ngayon, pasensya talaga. Dadalhin ko ito sa hukay ko."
Napatingin siya sa likod ko kaya lumingon din ako. Si Thison!
" Bumalik ka agad, ako na ang magsasabi sa hari at reyna. " at padabog niya na naman sinarado ang pintuan. Ang Crown Prince talaga. Masisira ang pintuan ko sa ginagawa niya.
"Nagtatampo ang iyong kapatid, kamahalan."
Yes Eia, nakikita ko. Ramdam ko.
Tumayo ako at tinali ang buhok ko. Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago ko buksan ang isang portal. Hinawakan ko ang kamay ni Eia at patakbong pumasok doon.
Agad Kong hinawakan si Eia ng hinulog kami NG portal sa isang karagatan. Nabingi ako sa pagsigaw niya sa kanyang isipan. Lalangoy na sana ako ng mapansin ko na palubog siya ng palubog. Wait, hindi siya marunong lumangoy?
'Hindi mo sinabing hindi ka marunong lumangoy sana nagpasundo ako sa mga knights.'
Binitawan ko muna siya at tinignan ang aking kamay. May namuong maliit na ipo ipo roon kaya itinuon ko ito sa harap namin. Lumaki ito ng lumaki. Malakas ang uri ng paghila ng karagatan kay Eia kaya mas binilisan ko rin ang paglangoy. Kanina pa nakapikit si Eia saka hindi rin siya sumasagot kaya ng mahawakan ko siya ay nakompirma ko ang lagay niya. Agad akong naalerto at pumasok sa ipo ipo na agad pumaibabaw.
Pinahiga ko siya at sinimulan siyang gamutin. Nasa labas pa kami ng Aqua Kingdom at matagal pa bago makarating doon kapag lalakarin lang. Hanggat hindi ako makakapasok sa barrier ay hindi ko makakausap si Lola. At hindi malalaman ng mga knights kung nasan ako.
Sinulyapan ko ang karagatan na nasa harap namin. 100 hundred years ago, bigla na lamang pinalibutan ng karagatan na ito ang Aqua Kingdom, kahit ang dating reyna ay walang alam kung paano ito nangyari. Nilaanan ito ng pagsisiyasat ngunit walang sagot. Marami itong misteryo gaya ng telepathy ni Lola. Kahit saan ay nakaka usap ko siya pero kapag nandito ako hindi ko sya naririnig. Hindi rin namin kayang kontrolin ang tubig nito at gaya ng nangyari kay Eia hindi nito pinapapasok ang ibang mga clan. Ngunit isa na kami ni Eia kaya kampante akong gamitin ang portal dapat pala nagpasundo na lamang ako.
Napangiti ako ng bumuti na ang pakiramdam niya. Nilibot ko ang paningin ko. As usual, umuulan na naman sa Aqua Kingdom. Sabi sa akin ni ama kahit kailan hindi nagbago ang panahon dito. Kaya nga gustong gusto ko ang ulan dahil nakasanayan ko na ito. Pero mukhang hindi sanay si Eia dahil nanginginig sya.
Of course hindi siya sanay, sinabunutan ko ang buhok ko dahil sa katangahan ko. Pinalibutan ko siya ng barrier saka gumawa ako ng ilaw sa kalangitan upang mas madali kami mahanap.