Ako'y tinatamaan sa sarili kong gawa!
Nandito ako ngayon sa gym, nag-iisa. (Kawawa) Joke! Hindi ko alam kung nasa gym pa ko pag nabasa nyo to. Binabasa ko ngayon ang Bitter|Sweet slash Ampalaya Series at habang binabasa ko ang sarili kong gawa - nahihiya ako. XD Maka-advice e, kala mo kung sinong magaling? Awayin daw ba ang sarili! Natutuwa ako sa sarili ko..... (Baliw lang) Hindi ko kasi akalain na makakapag-sulat ako nito. Una sa lahat, hindi naman talaga ako bitter. Try ko lang damayan kayong mga sawi, although napagdaanan ko din yan. Nung mga panahong ako'y hindi pa natututo. Ampotek! Ayoko ng alalahanin. Natatawa ako - hihihi. Nakakabaliw pala ang pag-iisa? Kaya para sa ating mga bitter, ayoko pa lang sumali - kayo na lang ha. Ehem, take two! Kaya para sa inyong mga bitter, ako ay muling maghahandog sainyo ng mga kumikinang na tips para maging masaya ang buhay ampalaya!
Tip #1
Sawa kana bang mag-isa? Wala kang mapag-balingan ng pagmamahal? Maliit na bagay, simpleng problema. Ang pagmamahal ay hindi para sa tao lang, anjan ang pusa ng kapit-bahay, paborito mong libro, masarap na pagkain, mga palabas sa t.v, poster ng anime at kung sino-sinong maganda/gwapong nilalang, your skills and talent, pag-aaral, boses mo, yung mukha mo, hmmmmmmm. Wala nakong maisip. Basa muna ko ah. Byers.Hindi ko kayo mahal,
Ate Elle