10;

50 7 4
                                    

Dedicated to: M-E-R-D-O

Jaimee

7:00 a.m

Monday.

"Hindi kaba kakain?"ani ni mama habang nagsisintas ako ng sapatos.Hindi ko iyon pinansin at pinagpatuloy ang aking pagsisintas.

Siguro nagtataka 'to kung bakit ganito ang ayos ko at napakaaga kong gumayak papuntang eskwelahan.

"Oh Jaimee bakit ganyan suot mo?hindi kaba papasok?"ani naman ni Ate Janica na kakalabas lang sa kusina na may hawak ng isang tasang kape.

"Doon nga ako pupunta."

"Oh bakit ka nakaganyan?eh diba dapat uniporme ang suot mo?"sabay higop ng kanyang kape.Tumayo ako sa pagkakaupo at inayos ang aking bag,kumuha ako ng paper bag para doon ilagay ang aking uniporme.

"Masyado bang maikli 'tong short ko ate?kung oo magpapalda nalang muna ako."ani ko at tinignan niya ako sa pangibaba ko na kinalikha ko ng ka-ilangan.

"Alam mo,ang gulo mo kausap Jaimee.Pero sige magpalda ka masiyado kang sexy sa ayos mong 'yan."ani niya.Anong sexy dito?t-shirt na white at isang maikling cycling,sexy na 'yon?

"Anak,kumain ka kaya muna.Marami akong niluto baka gusto mong kumain bago ka umalis--"

"Ate una nako,pakisara nalang ng gate."ani ko at alam kong natigil si mama.

"Tss,Ma hindi kapa ba nasanay dyan kay Jaimee?alam mo namang hindi palakain 'yang batang yan.Kaya huwag mona siya alalahanin.Bahala na siya kung magutom siya,okay?"pagsabat ni ate at tinapik niya pa sa balikat si Mama.

Lalabas na sana ako ng bahay ng may humawak sa aking braso,si Mama.Pilit niyang iniipit sa kamay ko ang pera ng sanhi ng pagtuon ko ng atensyon sakaniya.

"Ano 'to?"ani ko na magkasalubong ang mga kilay.

"Gastusin mo 'yan para sa pag-aaral mo Jaimee."ani niya at nanlaki ang mata ko ng makita ang malaking halaga ng perang iyon.

Tinanggihan ko iyon at walang alinlangan ibinalik sakanya ang pera."Meron pako dito,ipambayad niyo nalang yan dito sa bahay.Aalis nako."huli kong sabi at agad na umalis ng bahay.

Nang medyo nakalayo nako sa bahay,saka ako natigil sa pagmamadali ng lakad.Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili.

Puno ng kaba nanga ang nararamdaman ko ngayon dahil sa pinasok kong sport,dinagdagan pa ng kalungkutan ni Mama.

Sa totoo lang,hindi ko alam paano mapalapit kay Mama.Oo naguusap kami,pero puro kamustahan lang at tungkol sa pagaaral ko ang topic.

Masyado ako nalayo kay Mama nang maghiwalay sila ni Papa nung sampung taong gulang palang ako.

Inis sa kaniya?wala naman.Gusto ko lang ulit makita ang papa ko pero siya ang unang taong tumatangi non.

Hanggang ngayon,gusto ko muna mas makilala si Mama.

Nagtataka din ako kung saan siya nakakakuha ng malaking pera,pero wala naman siyang matinong trabahong napapasukan.At isa ito sa hindi ko pa alam kay Mama.

Nilakad ko lang papuntang eskwelahan,ayoko gumastos at malaking tulong nadin 'to dahil nakapagehersisyo nako ng aking katawan.

Ano kaya magiging reaksyon ni Kade pagnakita niya ko?

Magagalit?

Magugulat?

At imposibleng matutuwa.

Hays mas lalo tuloy bumigat ang kaba ko.

MY VOLLEY BOY(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon