<35> Last Day in an Amusement Park

43 4 0
                                    

Maira's POV

Today is the last day of our vacation, time flew so fast. Hindi ko manlang namalayan ang pagpatak ng oras. Siguro nga ganoon talaga kapag masaya ka, you wouldn't feel that time is slowly running away. Time, speaking of it, I think found the right time to answer him, to purchase on what I and he deserve. I think it's time to have an official relationship with him. But I don't know how should I say it. Hay siguro nga hindi ko pa alam ang tamang oras, nadala lang siguro ako sa nangyari kahapon. 


Flashback:

Kasalakuyan kaming nasa labas ng water park, upang kumuha ng damit na pamalit at kumuha na din ng makakain, sa dami ng binili ni Kevin nung nasa grocery kami dati eh, hindi na kailangan bumili kung saan saan, kaya pala niya talaga dinamihan kasi wala daw siyang tiwala sa mga nagtitinda dito, sa mga kainan lang daw sa restaurant at hotel. Sabagay hindi ko naman siya masisisi kasi madami nang nafo-food poison kapag bumibili sa kung saan saan, mahirap naman talaga magtiwala, pero dahil minsan nang ganoon ang trabaho ni nanay, pinagtanggol ko yun, hindi naman talaga lahat ganoon diba? May katulad ni nanay na sinisigurado na malinis at maayos ang tinintinda nila. Kaya ayon nauwi kami sa debate, pero tumigil din kami kasi kung saan saan na napunta eto, si Kevin ang nagparaya. 

Pagkatapos naming magpalit, bumalik ulit kami sa sasakyan niya upang ibalik sa mga bag namin ang pinagpalitan namin. Nag stay din muna kami doon hanggang sa magsalita siya.

"Do you want to go somewhere?" tanong niya sa akin.

"Anywhere as long as I'm with you" hinihingal na tugon ko.

Ilang segundo ang lumipas bago ko narealize ang sinabi ko, at nung tininggnan ko siya, he's smiling like a lunatic. 

"What if I want to go to the church, would you come with me?" syemays church daw, as in C-H-U-R-C-H, anong gagawin namin doon? Yayayain niya na ba ako magpakasal? Syemays di pako ready!!!! 

"Well, I guess silence means yes" hindi na ako nakaimik pa dahil pinaharutot ang sasakyan. 

Dumating kami sa isang church na kulay pula, ang ganda!  Maya maya pa'y pumasok na kami sa loob, napaatras ako ng makita ang loob nito. 

Syemays parang may ikakasal dito. Papakasalan na ba kagad ako ni Kevin? Teka hindi ko pa siya sinasagot ah? 

"Ahh pasensya na po, hindi po muna kami nagpapasok ng mga turista, may ikakasal po kasi rito mamaya" rinig ko mula sa likuran ko, mukhang tagapangalaga ng simbahan. 

"Okay lang po, tinitinggnan lang namin" sagot ni Kevin. Tumango naman yung kausap niya. 

Okay ang assuming ko sa part na kami ang ikakasal, iba pala. 

"I know what you're thinking, you thought that I will marry you right now, sorry to say but no. Masyado pa tayong bata, at isa pa hindi mo pa nga ako sinasagot" seryoso niyang sabi. 

Eh paano kung sagutin na kita? Papakasalan mo na ako ngayon? 

"You're thinking too loud. But to answer your question, I can if you want too" nakangisi niyang tugon. Syemays akala ko sa isip ko lang sinasabi ang mga katagang iyon, bakit naman nasabi ko ng malakas?! Nakakahiya! 

"Let's go now, Princess. Let's go back to the park" sabi ni Kevin sa akin bago ako hilahin palabas ng simbahan. 

End of Flashback. 

Hindi pa nga ata ako ready, nadala lang nga ata ako sa nangyari. Masyado lang talaga akong assumera. At sa huli kong natatandaan, nasa 98% pa lang ang feelings ko sa kanya. 

When a Bad Boy and a Bad Girl fell in Love (Bad Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon