"Ma... Dad, that family should not be trusted!"
I'm all out of patience that's why I shouted. I kept on telling them not to put their trust on that family because I know that they have a plan to ruin my family and also to put theirselves at the top and make everyone bow at them. Mas masahol pa sila sa demonyo. "Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na marami na silang pinatay?!"
"What are you talking about? May ebidensya ka ba?" Tanong ni Dad, dahilan para matahimik ako. I don't have any evidence para mapaniwala ko sila, but can't they trust their own child?
"You don't believe me, do you?" Tears started to fall down to my cheeks. "You know what? I wouldn't have to tell you this kung hindi naman totoo." I then stood up and walked towards my room. Tears on my pillow and wrapped myself in a warm blanket. Hirap na hirap na ako ngayon. Sobrang hirap na alam mo 'yung totoo ngunit walang naniniwala sa 'yo, kahit 'yung sariling pamilya. I will do everything to ruin that family. One day, I'll just look at them calmly while they're sentenced to jail.
"Huy, nakikinig ka ba?"
Bigla akong natauhan nang marahang sinapak ni Reece ang pisnge ko. Nakaupo lang kami sa bench dito sa school garden habang naghihintay kay Xav dahil may dance practice sila ngayon. Maraming mga estudyante ang kumukuha ng mga litrato dito, lalo na itong si Reece. Maganda at nakakagaan ang tanawin dito kaya maraming estudyante ang tumatambay at kumukuha ng litrato.
"Kanina ka pa tulala," sabi niya saka umupo sa tabi ko. Chineck niya muna ang nakuha niyang litrato sa camera niya bago tumingin sa 'kin. "Pumunta nga tayo dito para naman atleast, gumaan 'yung loob mo."
"Ayos lang naman ako, kulang lang talaga sa tulog kagabi." Palusot ko. Ang totoo naman talaga ay hindi pa ako maayos, medyo lang. Masyado pang fresh ang mga nangyari, 'yung parang kahapon lang nangyari kahit isang taon na ang nakalipas.
"Calli, kailangan mo nang mag-move on, nakakasama 'yan sa 'yo." Sabi niya saka hinawakan ang balikat ko. "Sa amin ka na lang kaya muna mag-stay? Para naman makapag relax ka."
"Sa bahay lang ako." Tugon ko. Tumango at ngumiti naman siya saka sumandal sa balikat ko. Alam ko na dadating rin ang araw na mapaprusahan ang pamilyang 'yon dahil sa nga kagagawan nila.
"Calli! May pagkain ako!" Napalingon kami sa likod nang marinig namin si Xav. Pawis na pawis pa rin siya kahit nag-palit na ng damit. Mabilis siyang nag-lakad dala-dala ang street foods na binili niya.
"No thanks, busog kami." Sabi ni Reece habang pinupunasan ang lens ng camera niya. "Anong 'kami'? Excuse me, si Calli ang binilhan ko ng pagkain, hindi ikaw." Sabi ni Xav nang umupo siya sa tabi ko saka binigay sa 'kin ang isang stick ng fishball na may sauce na.
"Aba! Tingnan mo nga naman, si Calli lang 'yung palaging binibilhan ng pagkain," umirap si Reece.
"Ang sama mo kasi sa 'kin!" Nakasimangot na binigay ni Xav ang pancake na naka-lagay sa cellophane kay Reece habang umiinom ng juice. Ganito naman sila palagi sa tuwing magkasama kaming tatlo, mga aso't pusa.
Nang makalabas na kami ay bumili pa sila ng street foods. Mga patay-gutom 'yan sila kaya hinayaan ko na lang. Maraming estudyanteng nags-stay pa rito sa school, wala pang planong umuwi. Wala pa rin naman akong planong umuwi dahil mabo-bored lang ako sa bahay. Bumalik na rin naman kasi sina mama sa London kaya wala akong kasama sa bahay.
Habang naghihintay ako sa dalawa ay may nakita akong isang lalaking sobrang pamilyar sa mga mata ko. He's wearing a gray cap, just like before. That chunky knit sweater he's wearing right now makes him more handsome and attractive. Tears started to fall down to my cheeks while running towards him.
"I miss you..." sabi ko habang niyakap siya ng mahigpit, ngunit nagtataka ako kung bakit hindi niya ako niyakap pabalik.
"May girlfriend ka pala, p're?" Napalingon ako sa kaibigan niya na ngayon ay nagtataka na.
-
DISCLAIMER : This is a work of Fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents either the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are purely coincidental.This story is unedited and it may contain technical errors. Please correct me instead of insulting, thankyou! :)
-

BINABASA MO ANG
Second Treasure
Fanfiction"Our city is obviously not a forest, but there are still snakes that ruin lives."