Manileña

1 0 0
                                    

I just wanna share my story of my sweetest and so kind ex-girlfriend.

I had a Long distance girlfriend before, matalino, average yung ganda dahil simple lang naman siya may mga nagkakagusto rin naman sa kanya, sobrang bait, sweet, wife material dahil sobrang maalaga at maalalahanin.

We had almost 2yrs long distance relationship. We relied on text messages & chats. I'm from Palawan ang she's Manileña. I met her here in Palawan when she had a vacation here. Love at first sight i guess? She stayed here for almost a month we talk to each other everynight. She likes to eat ice cream & night walks with me. I fell in love with her voice and sweetness. She was so clingy and she always love to kiss my cheeks.

Ibang-iba siya sa pananaw ko sa mga taga-Manila before. I thought all of the Manila girls are party goer, but nah, my ex-girlfriend loves to stay at home and spend time to watch movies and read books. She really a lovely and cheerful woman. She loves to laugh and talk. She has a lot of chika and i can see i  her eyes that she enjoy being with me 

When she went back in Manila, I couldn't help but shed in tears. I miss her so much and wanna hug her again. 💔

February 2016 she became my girlfriend. ❤️ Our long distance relationship lasted for almost 2 years. I admit na ilang beses ko siya nasaktan. Ilang beses ako nagsorry. Ilang beses ako nagsinungaling. Ilang beses ko siya pinaghihintay because she's  like other girls who can't sleep specially if their boyfriend/husband are not yet at home.

Palagi niya ko pinapatawad. Palagi ko siya nasasaktan. Aaminin ko naattract ako sa mga babaeng mga taga dito samin sa Palawan at wala siyang kaalam-alam.  I talk to other girls while she is being loyal, maraming may gusto sa kanya hawak ko account niya at nababasa ko yon. Pero ni-isa wala siyang pinansin dahil ang priority lang niya ay AKO at ang pag-aaral niya.

Dumating sa punto na naboring ako. Gusto ko ng thrill. Gusto ko mag-girlfriend ng taong malapit sakin. Gusto ko ng may kalandian na kasama ko.  May nilandi akong taga dito samin, in short, niloko ko siya. Habang hinihintay niya mga text at chat ko, may kausap akong ibang babae. Nakakatulog na lang siya kahihintay sa message ko.

Alam niyang may nagbago pero nag-stay pa rin siya saken. Mahal niya ako eh. Sinamantala ko yung pagmamahal niya dahil alam kong hindi niya ako kaya iwan. Alam kong kahit ilang lalaki pa ang magkagusto sa kanya, ako at ako lang yung mamahalin niya.

Dumating sa punto na napagod siya. Nakipaghiwalay siya. Okay lang sakin dahil may nakakausap naman akong babae na gusto ko na din.  Hanggang sa yung babaeng pinalit ko sa ex-girlfriend ko, niloko at nagsawa sakin. Iniwan ako na parang walang nangyari.

Pumasok sa isip ko yung ex-girlfriend ko dati na hindi ako nagawang lokohin kahit malayo kami sa isa't-isa. Sobrang mahal ako no'n. Wala akong naging problema sa kanya na nagloko o nakipaglandian. Sobrang bait kasi no'n eh. Hindi kaya manakit ng tao.

4 years na kaming hiwalay. Simula nang maghiwalay kami pinutol niya lahat ng connection niya sakin. Nakablocked ako sa lahat ng social media accounts niya. Wala akong pakealam that time dahil may nakakausap akong ibang babae. Nang maghiwalay kami parang wala lang. Minsan naaalala ko siya pero iniisip ko may bago na kong girlfriend.. na sa huli niloko lang pala ako. 🙂

Naisipan ko gumawa ng bagong account para hanapin ang facebook account niya. Nalaman ko may karelasyon na siya at dalawang taon na sila. Wala siyang ibang naging boyfriend after ng break-up namin kundi yun lang. Tinignan ko mga pictures niya, ibang-iba siya ngayon. Hindi na siya yung mahiyain na hindi gaanong nagpopost ng pictures. Napag-alaman ko, dalawang taon after ng break-up namin wala siyang naging boyfriend.. samantalang ako may kapalit agad sa kanya noon. 

Nang inistalk ko siya bigla na lang may kirot akong naramdaman. Ang dami niyang pictures, malalaman mong masaya siya ngayon. Sobrang simple pero ang ganda niya pa rin. Namiss ko makita yung mga ngiti na'yon. Yung tawa niya, yung boses niya, yung amoy niya. Kung paano niya ako alagaan at mahalin dati. Sobrang nagsisi ako. Gusto ko ulit mahawakan mga kamay niya, mukha niya at ang labi niyang ako ang unang humalik.

Naalala ko pa yung pangako ko sa kanya na pakakasalan ko siya pero sa huli ako yung sumira. Akala ko mahihintay ko siya. Ako yung mahina saming dalawa.

Naisipan ko siyang i-message para kamustahin. Pero bigla na lang akong nanghina at nasaktan. Seen lang. Naalala ko ugali niya pala yung hindi mag-entertain ng ibang lalaki kapag may boyfriend na haha.

Ngayon ramdam ko na yung sakit, naisip ko ganto rin ba naramdaman niya noon? o mas masakit pa rito? Dahil sa niloko ko siya.

Nalaman ko Ldr din pala sila ng boyfriend niya. Dalawang taon din silang Ldr.

Nakagraduate na rin pala siya, pero yung boyfriend niya ngayon nagtatrabaho pa. Sinubukan ko siyang suyuin para replyan ako. Binaba ko na pride ko, desperado na kung desperado gusto ko lang bawiin yung unang naging akin.

Parang naging yelo yung puso ko sa sagot niyang "Masaya na ako ngayon, may boyfriend na ako. Oo minahal kita dati nang sobra, pero nakaraan na yon. Iba na yung taong mahal ko at may balak na siyang pakasalan ako after ko grumaduate."

Haha tangina. Paano kung naghintay at nagtiis na lang ako? Paano kung hindi ako nagpadala sa tukso non? Paano kung hindi ako naghanap ng maganda?

Narealized ko iisa na lang pala siya. Wala siyang katulad. Walang kayang magtiis at magstay sa akin noon, kundi siya lang. Masyado pa kong isip bata noon. Sariling pangkaligayahan lang iniisip ko. Hindi ko inisip yung future ko.

Kung nagtiis at naghinta lang sana ako, habang buha ko siya kasama. Habang buhay ako magiging masaya at walang pagsisisihan.

Hindi niya na ako mahal, akala ko kasi mababalik yung nararamdaman niya sakin noon. Akala ko tutuparin niya pa rin yung pangako namin na ako yung sumira. .

Magpapakasal na siya sa taong nakarelasyon niya nang malayo, at hindi ako yon.

Kaya boy, kung may girlfriend ka na katulad ng ex-girlfriend ko.. matauhan ka na ngayon pa lang. Dahil kapag ang babae tapos nang mahalin ka, hindi na yan babalik sayo kahit sobrang mahal ka pa niya ngayon.

ManileñaWhere stories live. Discover now