SUMMARY:

80 1 0
                                    

Eto na!

-----

Their relationship was discreet and happy. They were contented in each others arms.

On their 1st monthsary, Aleeya gave her virginity to Jeric. It was sudden but romantic.

Aleeya got pregnant but fell silent about it. Even Jeric doesn't know about her pregnancy. She got back to car racing weeks before she learned that she's pregnant. Hindi nya nagawang iwanan ang racing and worst hindi din alam ito ni Jeric. Ang dami nyang tinago kay Jeric. Jeric on the other hand is oblivious about anything. Kampante syang walang itinatago ang girlfriend kahit pa she'd acting strange lately.

Until one day, kasama nya si Aleeya sa isang Car event sa Makati ay nakasabay nila si Lance ang ex- boyfriend ng dalaga. He told Jeric everything about Aleeya's career. Jeric was furious. He doesn't say a word, he remained silent about it. Aleeya's face looked pale while Jeric's dragging her out. Jeric burst out! Galit na galit sya sa paglilihim ng kasintahan. Panay naman ang sorry ni Aleeya pero hindi nya ito pinakinggan. Ilang araw silang hindi nag-usap. Hanggang sa napagdesisyonan ni Aleeya na sumunod sa Canada, sa mommy nya. Again, Jeric was furious about it. Si Aleeya na nga ang may mali sya pa ang may ganang umalis.

Hindi umalis si Aleeya ng may sama ng loob sa kanya si Jeric. Mahal na mahal nya ito. Pero hindi nya kayang sirain ang career sa basketball ni Jeric. Kapag nalaman ng tao na may anak ito ay baka masira nya ang imahe ng pinakamamahal nyang binata. Hindi nya ipinaalam ang tungkol sa bata hanggang sa makaalis sya ng bansa. Sinabi nyang may competition sya sa ibang bansa na kelangang puntahan. Totoo iyon. Pero hindi lang un ang dahilan. Dahil na din ito sa bata.

Tanggap ng pamilya ni Aleeya ang nangyari sa kanya. She was supported all the way. All throughout her stay in Canada, walang araw na hindi nya namiss ang binata. They call each other every night. Ang daming issue ang ibinato sa kanila. Jeric dated his childhood friend. Nakarating ito kay Aleeya at muntik pa silang maghiwalay dahil dun. Nanganak si
Aleeya ng walang Jeric sa tabi nya. Lumalaki ang batang kamukha ang ama. Pinangalanan nya itong Neithan Jicc, Neiji for short. Napakalikot na bata. Dalawang taon ang lumipas, magdadalawang taon na din ang anak. naisip ni Aleeya na oras na para makilala ito ng ama.

Graduation noon ni Jeric, hinandaan sya ng surpresa ni Aleeya. Masyang nakikipagkwentuhan noon ang binata ng tawagin sya sa entablado. Doon sya hinarap ng babaeng pinakamamahal nya. Hawak hawak ang batang hindi nya mapaniwalaang kahawig nya. Ipinakilala nya ang bata ngunit may pagdududa si Jeric sa batang iyon. Labis ang hinagpis ni Aleeya ng mga oras na iyon. How could he doubt his own child? Is he blind or something?

Matapos ang araw na iyon, napagtanto ni Aleeya na kahit pa pagdudahan sya ni Jeric, karapatan ng anak nya ang magkaroon ng ama. Inilapit nya ang bata sa pamilyang Teng, hanggang sa natutunan nilang mahalin ang bata kasabay ng pagpapatawad sa kanya sa paglayo sa bata.

Nagkasundong muli si Jeric at Aleeya at namuhay sa iisang bubong. Hindi nila inaakalang masusundan ang panganay nila ng triplets! Bago pa man lumaki ang tyan ni Aleeya ay nagpakasal na sila. Binigyan ng isang surpresang kasal si Aleeya.

Dumating ang kinakatakot ng mag-asawa. Naging maselan ang pagbubuntis nito, at dahil tatlo ang dala nya ay mas lalo pa itong nagpahirap sa sitwasyon. Hindi napigilan ni Jeric ang 7 buwang bhntis na asawa ng pilitin nitong makipagkita sa isang kliyente sa coffee shop ng kaibigan. Alam nya namang iingatan nito ang sarili. Ang kliyenteng makikipagkita kay Aleeya ay walang iba kundi ang childhood friend ni Jeric. Bitter ito sa kinahantungan ng love story ng dalawa. Dahil sa pagkabitter nya ay nagkasagutan sila ni Aleeya at tinulak ito. Napaupo si Aleeya at nakaramdam ng matinding sakit. Nagulantang ang mga tao roon ang makitang duguang nakaupo sa Aleeya habang humahagulgol sa sakit. Agad na tinawagan ng mga staff si Jeric at ambulansya. Agad namang nakarating si Jeric at dinala sa hospital ang asawa. Pinagbantaan nyang mabuti ang kababata. Maagang nanganak si Aleeya. 2 months premature ang mga bata. Kabang kaba si Jeric dahil nacomatose si Aleeya matapos mawalan ng madaming dugo. Nailabas ng ligtas ang mga bata ligtas ang dalawa ngunit mahina ang puso ng bunso nila. Ilang beses nag agaw buhay ang mag-ina. Ngunit sa awa ng Diyos ay nakaligtas din sila sa kapahamakan.

Lumipas ang tatlong buwan na masayang pamumuhay ay muling nabalot ng pangamba ang pamilya. 3rd month celebration ng triplets, habang abala ang buong pamilya sa pag aasikaso ng mga handa ay saglit na pumanhik si Aleeya para icheck ang mga bata. Napansin nya ang mabilis na paghinga ng bunso at ang pag iiba ng kulay ng labi nito. Agad nya itong binuhat at itinakbo pababa. She looked for Jeric and they drive off to the hospital. Nang makarating sila ay agad na pinasa ang bunso sa mga doktor. Naghintay sila sa labas ng silid. Malungkot na lumabas ang doktor at ibinahagi ang malungkot na balita. Their daughter died. Wala na ang bunsong iningatan nila. Ang bunsomg pinangarapan nilang mabubuhay at makikisalamuha pa sa madaming tao. Their youngest that could make people smile just by looking at her eyes. She regretted the day she went out to meet a certain client. She risks her babies safety. It's her fault why all of this happened.

She was deppressed. Ilang buwan syang ganoon. Napabayaan nya ang pamilya nya at pati narin ang sarili. Araw gabi syang lumalabas. Kakarera o di kaya sa opisina. Madalas syang mapuyat. Alas dos na uuwi, matutulog ng sandali at babangon din para ihanda ang sarili sa bagong araw na haharapin nya na wala ang pinakamaahal na bunso. Hindi nya matingnan sa mata ang asawa. Awang-awa na si Jeric sa kanyang asawa. Sinisisi nito ang sarili sa pagkawala ng anak. Nasaktan din naman sya pero kelangan nyang maging matapang. May 3 pa syang anak na proprotektahan. Hindi madali ang sitwasyon para kay Jeric. Mahal na magal nya ang asawa at sobrang sakit ng ginagawa nito sa sarili.

Limang buwan matapos ang insidente ay unti unti ng natatanggap ni aleeya ang nangyari. Paminsan minsan ay nakakangiti na sya sa mga jokes ng asawa. Nakakasabay narin sa usapan. Naayos nya ang pamilya nya. Naroon pa din ang sakit ng pagkawala ng anak at wala na atang mas sasakit pa dun. Pero narealise nyang mas masakit makita ang pangungulila sa mata ng asawa at panganay na anak. Halos hindi na sya lapitan nito. Kaya't pinilit nyang magbago para sa pamilya. Naging matatag sya. Namuhay ng maayos dala dala ng alaala ng namatay na anak.

Tatlong taon ang lumipas, masaya ang mag anak na pumunta sa puntod ng kanilang prinsesa. Naghilom na ang sugat. Nakakangiti na sila ng malaki. Tanggap na nilanng lubusan ang pagkawala ng munting anghel. Pinahiram lamang ito sa kanila para subukan ang tatag ng pamilya.

They have REACHED and CONQUERED the IMPOSSIBLE.



•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

The end na poooooooo! Maraming salamat sa pagbabasa. Mahal ko po kayo. Pero mas mahal ko si Jeric my labsss.

Sa susunod pong muli!

•MLR•

"Reach The Impossible"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon