Kabanata 6
Surprise
Sunday morning, maaga akong gumising dahil sa usapan namin ni dad. Nag aayos ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.
-Unknown Number-
I'm sorry about last nightAng hindi kilala numero ang nag mensahe sa akin, nagtataka naman ako. Iniisip ko na baka si Carlton dahil siya lang naman ang nakatagpo ko nung isang gabi ngunit paano naman niya nalaman ang number ko? Kaya napaka impossible, baka na wrong send lang ito. Hindi ko pinansin ang mensahe na yun I continue what I'm doing. Pagkatapos nun kinontak ko na ang driver ko na palabas na ako sa condo. Hindi na ako makapaghintay kung ano ang sasabihin sa akin nina tita, ilang araw ko din inisip yun.
Ilang oras din ang binyahe bago makadating sa dati kong tirahan. Nakaabang na agad sina dad at tita sa may labas ng pintuan ng bahay, agad akong bumaba ng sasakyan at sinalubong sila ng yakap. Ramdam na ramdam ko ang galak nila. Napansin ko din na parang may celebration atang magaganap, unti unti din ang pagdatingan ng mga bisita.
Humalik ako kay tita sa pisnge. "Ano pong meron?" She just giggled. I'm so curious, nung nakaraan ko pa talaga ito iniisip. "Just wait for announcement." Tita said.
Sa pagkakatanda ko matagal pa naman ang birthday ni dad at tita mas lalong hindi ko naman birthday. I just wait kagaya ng sinabi ni tita. Lumipas pa ang minuto at nagpunta na sila sa gitna.
"Hello everyone." Paninimula ni dad kaya naman pumukaw ito ng atensyon sa mga bisita. Hindi naman iba ang bisita siguro ay family celebration laang ito. "Since my dear daughter is here, I know that it is the right time to announce the surprise." Naghiyawan ang mga bisita, bakas sa kanila na gustong gusto talaga malaman.
"Patricia." Pagtawag sa akin ni tita. "One time, sinabi mo samin ng dad mo na lilipat ka na ng condo para magkaroon kami ng space at bumuo ng sarili namin. You know what, sobrang naging sapat ka samin ng dad mo. Kahit ako, kahit na hindi kita anak pero alam mo yan. Kahit hindi tayo magkadugo sobrang magkalapit naman ang puso natin." Nagpahabag sa damdamin ko ang sinabi ni tita, baka din sa mga mata niya na naluluha na siya. Sobrang sarap sa pakiramdam na maipagmalaki sa harapan ng pamilya, ito yung impossible na magagawa sa akin ng tunay kong ina. "Sana maging masaya ka kase Patricia magiging ate ka na." Kasabay nun ang pagsabog ng comfetti.
Nanlaki ang mata ko dahil dun, nung una hindi pa nag sink in sa utak ko ang sinabi ni tita ngunit ng lumapit siya sa akin at niyakap ako, napaluha ako hindi dahil sa lungkot kundi sa sobrang saya at galak ng nararamdaman ko ngayon. "I'm pregnant my dear." Umiiyak na si tita. Tinugon ko ang yakap niya, hindi ko naiwasang maging emosyonal, ito kase talaga ang gusto ko.
"I'm so happy tita, sobrang saya ko sa inyo ni dad." Kumalas siya sa pagkakayakap ang tumingin sa akin, she wiped my tears. Bagay sa kanya ang maging ina, sobrang maalaga kung swerte ako kay tita sobrang swerte naman ng magiging anak nila.
Tumatawa pa si tita habang umiiyak. "Sobrang nabigla din ang daddy mo, ilang araw ang lumipas nung lumipat ka sa condo napnsin niya na ang pagsusuka ko. Kaya naman pinacheck up niya na agad ako, akala ko pa nung una dahil sa pagkain pero baby na pala."
"Congratulation tita." Tumingin ako kay dad, kita ko sa mukha niya ang pagkasaya. I touch tita's tummy. "Sana maging mabuting bata paglumabas." Mahinang tumawa si tita. Hindi niya mapigilang umiyak ako naman ay sobrang nadadala.
Maraming bisita ang bumati kay tita at dad, lumipas pa ang oras hanggang sa gumabi. Natapos ang okasyon. "Dito ka na magpalipas ng gabi, Pat." Si dad. "Hindi ko inaalis ang gamit sa kwarto mo, paparenovate ko din yan sa isang araw."
"Dad, I'm so happy for you." Nagagalak naman talaga ang puso ko, sobrang laki ng bahay at dapat lang na magkaroon sila ng anak ni tita. "Dapat Hindi lang isa dad, napakalaki ng bahay na ito kaya dapat damihan niyo." Napatawa ng mahina si dad.
BINABASA MO ANG
Lustful Desire Series #2:Carlton Del Rios
RomanceThe innocence and naive of the girl make him more dangerous. How can she do that? he know her, she's the girl who broke his heart for the first time. She's the girl who make him feel to be alone. He was broke because of this girl. But when he touch...