CHAPTER 1

26 15 6
                                    

THEA'S POV

"Hayyyst!!"

Nakapikit habang kapa kapa kong pinatay ang clock mula sa gilid ng kama. Nababagot akong bumangon saka dumiretso sa banyo't sinimulang maligo.Tamang oversized shirt and pants lang. Hindi ako mahilig sa maiiksi at sadyang hindi ko trip ang ganun. Nasanay akong simple at hindi naglalalagay ng kolorete sa mukha. Pulbos lang sakin ay ayos na. Isinuot ko pa ang salamin ko na nakapatong sa table katapat ng mirror na naroon. Malabo ang mata ko kaya kina kailangan ko pang magsuot kahit na ayoko. Kailangan kong sundin ang payo ng doktor. Mahirap na't kung hindi ako sumunod e ako rin ang mapapasama.

"Bilisan mo na't baka maabutan tayo ng traffic. Malayo pa naman ang byahe at kailangang makaabot tayong kaagad." aniya ngunit hindi man lang lumingon sakin. Naabutan ko siya sa baba ng sala. Nadinig niya siguro yung yabag ng paa ko kaya kahit hindi siya lumingon ay alam niyang ako yun. Tutal dalawa lang naman kaming nasa bahay.

"Ba't ba kase kasama pa ko? Pwede namang kayo nalang ang sumundo sa kanya.Tutal bihis na bihis naman kayo't  handang handa ng lumarga." walang emosyong tanong habang naglalakad pababa ng hagdan palapit sa kanya. Hindi naman sa galit ang pagkakasabi ko. Mahinahon pero bagot na bagot.

Mula sa likuran niya ay napapahikab pa kong pinagmamasdan ang ginagawa. Inaayos ang pasong nakalagay sa  table glass.

"Bakit? Ayaw mo bang sumama?"

"Wala naman ho kaseng mawawala kung gayong kayo nalang ang susundo." pawang pagod akong inihiga ang batok sa sofa, napapikit pa at hindi maiwasang bumuntong hininga.

"E sa gusto niya ngang ikaw ang aabang dun. Buti nga sasamahan pa kita." nakapameywang pang aniya na nakangiting bumaling sakin.
"Isang oras ang byahe at siguradong makakatulog ka....'kung' inaantok ka talaga." nakangisi ngunit seryosong usal pa sa mismong mukha ko. May diin ang pagkakasabi.

Hindi ko man sinasabi ang dahilan kung bakit ganito ang iniaasta ko ay alam niya na. Sa isang titig niya palang ay alam niya. At sa tuwing nahuhulaan niya ang dahilan ko ay wala kong nagagawa kundi tumahimik.

"Per---" sasabat pa sana ako nang pigilan niya.

"Wag ng kokontra.Bilis na't baka  mahuli pa tayo.." Yung kaninang ngingiti-ngiti ay bilang nagseryoso.

Nagpauna na siyang lumabas ng bahay. Wala kong magawa kundi sumunod.
"Let's go?"
Nakangiting usal niya na bumaling sakin mula sa driver seat.
".. I'm really excited to see her." pagtango nalang ang iginanti ko.

Maaga kaming nakaabot roon. Malayo rin kase ang byahe at mahirap na kung abutin pa kami ng traffic.

" Dito tayo "  Ani mhie habang iniikot-ikot ang paningin sa buong sulok ng Airport.

Dahil sa inip ay kinuha ko ang phone. Nakapandikwatrong umupo sa gilid ng bench, saka sinalpak  ang earphone sa magkabilang tenga at sinimulang magsoundtrip. Si mhie naman ay nakatayo sa gilid ko. Mas madali niya daw itong makikita kung nakaganun.

Sometimes when you're around the sky is always blue....

The way we talk.. The things you say..the way you make it all Okey...

And how you know, all of my jokes but you laugh anyway....

Mahina lang ang volume nun.  Nabibingihan kase ako kapag sobrang lakas.Kaya dinig na dinig ko parin ang ingay ng nasa paligid ko.Although mas relaxing kase sa pakiramdam kung ganun. Sa totoo lang ay inaantok ako.Nakukulangan pa ko ng tulog ko kanina nung nasa byahe. Siguro ay dahil narin sa maaga kong gumising. Sinuot ko pa muna ang hat,saka pumikit. Mas ok na yun, di nila mahahalata na natutulog ako, lalo na si mhie. Baka kase mapagtripan ako't paggising ko ay kung anu-ano na ang nasa mukha ko.
......................

Journey Of Love(ONGOING) Where stories live. Discover now