📖Amara's Tale
||~~~~~||~~~~~||~~~~~||~~~~~||~~~~~||
The Continuation Of Chapter Two......
"Alam mo ba kanina nang umalis ako ng bahay, aligaga na si Mama para sa paghahanda ng lunch nation mamaya."
Napangiti na lang si Amara sa sinabi ni Randall."Gusto ko na ring nakita si Tita Rio. Matagal na rin akong hindi nakadalaw sa bahay n'yo."
"Four months na rin siguro. Naging busy kasi si Mama sa negosyo kaya hayun, ngayon lang uli iyon makakabawi sa 'yo."
"Medyo matagal na rin pala, ano? 'Kaso, aalis din siya agad. Dapat magpahinga na lang ang mama mo para hindi na siya mapagod."
"Yeah, 'yon nga ang palagi naming sinasabi sa kanya pero mapilit siya, eh. Isa pa, business-minded talaga ang mama at hindi na talaga maaalis sa kanya iyon."
Napatango na lang si Amara.Nasa biyahe na sila papunta sa bahay ng mga Guevarra sa Alabang. Ilang sandali pa ang lumipas at nakarating na sila sa bahay. Sinalubong sila ng katulong na si Manang Edna.
"Miss Amara, mabuti po at napadalaw uli kayo rito," masayang bati ng katulong.
Napangiti si Amara. "Opo. Ngayon lang uli nakadalaw. Kamusta na po kayo, Manang?""Mabuti naman, hija. O, siya, naghihintay na si Ma'am Rio sa kusina. Kanina pa po kayo hinihintay."
"Salamat po, Manang."
Pumasok na sila ni Randall.
"Kahit si Manang Edna, na-miss ka rin,"sabi ni Randall nang makaupo na siya sa sala."Anyway, aakyat muna ako sa itaas, ha? Maiwan muna kita rito."
"Sige," sabi niya at nasundan ito ng tingin.Habang naghihintay, tumayo si Amara at inilibot ang tingin sa paligid. Wala pa ring ipinagbago ang bahay ng mga Guevarra. Tulad noong una siyang tumapak doon, hindi pa rin niya naiwasan ang mamangha. Mula sa mga gamit na kahit kakaunti ay halatang mamahalin, magaganda rin ang mga paintings na nakasabit sa dingding at ang malalaking vase na noong bats siya ay kinakatakutan niyang lapitan dahil iniisip niya na baka may lumabas doong halimaw. Napanood niya kasi dati ang pelikulang "Halimaw Sa Banga" kung saan ay hinihigop ng halimaw ang biktima sa loob ng vase.
Nangingiting nilapitan niya ang isa sa mga vase. May mga Chinese characters na nakaukit doon. Ang sabi ni Randall, suwerte daw ang vase. Kapag humiling daw sa vase ang isang babae, mabilis na matutupad ang kahilingan.Napalinga si Amara. Wala pa si Randall, walang tao sa paligid. *Hindi naman masama kung susubukan ko, 'di ba? Wala namang mawawala? Let's see kung magkakatotoo...*
Pumikit siya at huminga nang malalim bago ibinulong ang kanyang hiling. *Sana ay mapansin na niya ako. Sana ay may nararamdaman din siyang espesyal sa akin, 'yong higit pa sa isang kaibigan. Gustong-gusto ko talaga si—*"What are you doing?"
Napaigtad si Amara mula sa kinatatayuan at mabilis na dumilat. Napalingon siya sa nagmamay-ari ng baritonong tinig na iyon. Napasinghap siya nang makita ang isang guwapong lalaki. May hawig ito nang kaunti kay Randall pero mas bata nga lang tingnan. Si Randall ay may-pagkaseryoso ang mukha at matured, mga katangiang nagpadagdag sa malakas nitong karisma; samantalang ang lalaking nasa harapan niya ay parang may pagkapilyo ang dating. Parang happy-go-lucky. At bakit pala ito nakangiti? Mali, nakakalokong nakangiti pala ito sa kanya habang hinihimas ang maskuladong panga. Pinagtatawanan kaya siya dahil nakapikit siya sa harap ng vase??||~~~~~||~~~~~||~~~~~||~~~~~||~~~~~||
To Be Cont...
Waaahh, sorry for Short Update IONS!!
I'm busy kasi dahil sa Modules, tumatambak na naman sila.. Huhuhu
Pero gagawan ko ito ng paraan, para maka update ako ng mataas..Salamat sa pagbabasa, guyzzz!! Love You All!!
—binibiningxiana_manunulat📖
BINABASA MO ANG
📖AMARA'S TALE
RomanceHi, IONS at sa mga co-readers and co-writers!! Sana po ay bigyan niyo po ng oras na basahin ang unang istoryang ginawa ko.. Maraming Salamat, Foe!! 📖-binibiningxiana_manunulat